Tinugunan naman ni Seiri ng kaparehong intensidad ang halik na iginagawad sa kaniya ni Saint. Ramdam niya ang matinding kabog ng dibdib hindi dahil sa kaba kundi sa kilig habang hayok nilang hinahalikan ang isa’t isa. Kalaunan, huminto rin sila sa paghahalikan at pinagdikit ni Saint ang noo nila ng dalaga. “Handa akong panagutan ka, Seiri.. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng nararamdaman kong ito sayo. Pero handa akong sumugal kahit na hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako ma-aattract sayo.. Pero ito ang tandaan mo, hindi kita pababayaan. Gagawin ko ang lahat para sayo. Kahit hindi ko alam kung gusto mo rin ako?” biglang sabi ni Saint. Natigilan naman si Seiri at tumitig sa mga mata ni Saint. “Naguguluhan lang ako sa isang bagay, ang sabi mo huwag kitang aakitin o huwag akong

