Kakatapos lang naming kumain dalawa at kasalukuyan kaming andito sa loob ng kuwarto para ayusin ang mga gamit na binigay ng babae na tumulong sa amin kanina. To think na bibilhan din kami ng Kuya niya ng mamahaling damit dahil lang wala kaming nadalang damit dahil sa biglaan. Doon mo talaga makikita na mayaman ang pamilya nila, na wala lang sa kanila ang mga nagagastos nilang pera. “Elaine,” tawag niya sa pangalan ko. Napaharap naman ako sa kaniya at nakita ko ang hawak niyang paper bag. “I think isa rin itong gamit na ito, sa ‘yo.” Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. Alam ko na nakuha ko na lahat ng mga gamit na binigay ng kapatid niya sa akin. Andito na rin naman yung mga panlabas at mga pambahay, plus yung silk na damit pantulog. “Sa akin? Alam ko naman na nakuha ko na

