“S-sorry,” sambit ko na lamang sa kaniya matapos kong sabihin ang bagay na iyon kanina. Napalunok naman ako sabay napatingin na lang sa labas ng kaniyang sasakyan. Ang tanga mo Elaine, bakit ganon ang sinabi mo at talagang kay Ethan pa sinabi, baka mamaya kung ano ang isipin niya sa bagay na iyon. Hindi naman ako mapakali sa mga oras na ito, pero dama ko rin na gusto niya akong kausapin. Naging tahimik ang buong byahe dahil sa sinabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang mga nasabi ko sa mga oras na iyon pero sinabi ko lang rin yung pinaka nararamdaman ko. Pero here we are hindi man lang magawang mag-usap sa isa’t isa. Magaling ka talaga Elaine, you made this whole trip so awkward. Kung hindi ka na lang din kasi nagsabi ng mga bagay katulad noon, sana hindi naging ganito katahimik

