Title; Maybe this time ( Part 18)
Arabella’s POV
Hindi ma-alis ang mga ngiti ni Arabella puma-pasok sa maliit na silid nang kanyang inupahan.
“ Grave ang bango talaga niya, parang amoy na amoy kupa ang pabango niya. Hay, Jolo bakit ba hindi kana mawala sa isipan ko simula ng makita kita, na-inlove ako sayo ng bigla”
Napahiga siya sa kama na hindi parin ma alis ang kanyang ngiti sa labi. “ Ang sarap sarap niyang yakapin. Na imagine ko ang sarili ko, magka hawak kamay kaming naglakad palapit sa maliit na bangka. Inalalayan niya akong makasakay. Tapos ng maka upo na ako umupo siya sa sa bahagi ng likuran ko niyakap niya ako mula sa likuran. Tapos biglang bumuhos ang ulan nabasa kami pareho. Dahil sa pareho kaming nilalamig lalo niyang hinigpitan ang pagka yakap niya sa akin para painitin ang lumamig namin mga katawan. Dahan dahan niya ako pinihit paharap sa kanya. Nagka titigan kami at dahan dahan niyang binaba ang mga labi niya sa labi ko. Omg, I love you Jolo!” tili niyang tinakpan ng unan ang kanyang bibig. “ Inlove na ako” sinisipa sipa niya sa ere ang kanyang paa sa subrang kilig sa kanyang imagination.
Tumingala siya sa bubong” Hays, kailan kaya mangyayari iyan, I’m just his fake girlfriend” napapikit siya ng mariin. Hanggang sa nakatulog siya.
Jolo Pov
Matapos niyang hinatid si Arabella uuwi na sana siya para makapag pahinga ng maisip niya ang kanyang mga magulang.
“ Kahit papaano na mimiss ko parin sila, pagka tapos ng nangyari hindi kuna sila nakita. Puntahan ko kaya sila, kahit paano anak ako, hindi dapat ang mga magulang ang luluhod. Ako ang anak ako ang magpakumbaba.”
Natanaw niya ang mga magulang sa labas ng bahay ng makarating siya sa kanila. Nasa labas siya ng gate, natanaw niya ang mga magulang magkaharap na umupo sa kanilang lanai. Agad niya pinindot ang doorbell.
“ Kinakabahan ako, pero de bali na. Relax self relax”
Nagulat ang kanilang kawaksi ng mapag buksan siya ng gate. “ Sir, tatawagin ko lang ang mommy at daddy mo ha? kasi binilin nila sa amin na wagka raw papasukin kapag dumating ka”
Nasaktan siya sa sinabi nito “ Sige”
Nag antay siya ng ilang minuto, nag liwanag ang kanyang mukha ng makita ang ama at ina magka sunod na nag lalakad palapit sa kanya.
“ What are you doing here?” bungad sa kanya ng ama ng malapitan siya nito.
“ Magandang gabi dad, mom” binabaliwala niya ang tanong ng ama.
“ After what you did, you still have the gut’s to show up here?” anang ama
“ Dad, kalimutan na natin yon. Patawarin muna ako. Hindi ko lang talaga kayang makita ang sarili ko magpa kasal sa babae hindi ko mahal”
“ What? after you put me into an embarrasing situation you want me to forget, just like that?” anitong pinitik ang mga daliri sa ere.
“ Hindi kuna alam paano ko pa ipaliwag ang sarili ko sa ‘yo dad. Antayin ko nalang ang araw mapatawad mo ako”
Nilapitan siya ng kanyang ina” Anak, antayin nalang natin humupa ang galit ng daddy mo. Hindi rin madali para sa kanya ang ginawa mo. Napahiya siya ng husto sa daddy ni Melissa kaya ganyan nalang ang galit niya sayo. Usap usapan narin sa opisina natin na tinakasan mo ang responsibilidad mo bilang ama” anang ina niya inakbayan siya nito saka dahan dahan itong naglakad palapit sa kanyang motor na hindi parin siya nito binitawan mula sa pagka-akbay.
“ Okay, mom uuwi nalang ako” aniya natunugan ang gusto ng kanyang ina na hindi nito masabi sabi.
“ Do you need money?” tanong nito ng maka sakay siya sa kanyang motor.
“ No, I am fine mom, I don’t need anything”
Tumango-tango ito” I heard na nagtayo kayo ng coffee shop. I’m happy for you”
“ Yeah, you should visit there when you have a free time” malungkot niyang sabi rito. “ I have to go mom”
Hinalikan siya nito sa pisngi. “ Take care son”
“ Bye dad” aniya saka pinaharurot ang motor palayo sa kanila.
Kinabukasan maaga gumising si Arabella. Nasabihan na siyang mag day off siya ngayon araw. Pero na isipan niya parin magpunta ng coffee shop maaga pa naman. Kaya minabuti na niyang pumasok.
Napangiti siya ng makita si Jolo nag lilinis ng sahig.
“ Arabella, bakit ka pumasok ngayon diba day off mo?” anito ng makapasok siya sa loob.
“ Hindi kaba napapagod?” seriouso niyang tanong rito.
“ Bakit naman?” anito blanco ang mukhang tumingin sa kanya.
“ Kasi, mag damag kanang tumatakbo sa isipan ko” napapangiti siya sa sarili.
“ Hoy, Arabella andiyan kana naman sa mga pangiti ngiti mo na ikaw lang ang nakaka-alam sa mga dahilan kung bakit ka nangingiti.”
“ Sabi ko hindi kaba napapagod sa kaka cha-cha riyan sa mop araw-araw” aniya rito.
Saglit itong huminto saka tumingin sa kanya.” Para sa kabuhayan, hindi ako mapapagud linisin itong shop natin” binaling nito ang paningin at pinag-patuloy ang pag-ma-mop.
“ Ako na tumapos riyan” alok niya
“ Wag na, day mo ngayon. Pahinga ka nalang habang hinantay mo sina Santi.”
“ Sana may day off karin sa puso ko ng maka pag fucos naman ako sasarili ko” saka kinuha niya ang basahan para mag punas sa mesa at mga upuan.
“ Narinig ko yon” pahabol nito sa kanya.
“ Ang alin? wala naman akong sinasabi. Naka bukas siguro yang third eye mo, kung ano-ano nalang naririnig mo eh” aniya hindi tumingin rito.
Naiiling nanapangiti si Jolo sinundan siya ng tingin.
Alas 11 nang sunduin siya nina Santi. Kasama nito ang dalawang babae si Aby at Aryana.
“ Santi, bilhan mo ako ng phone” pahabol ni Jolo.
“ Ito talaga siya oh, namihasa kana sa akin, ang laki ng utang mo sa akin. May payo-payo kapang antayin mo ang lalaking gumastos sa akin, tapos heto ka tol, panay hingi” anitong nag boboses lalaki.
Inakbayan ni Jolo si Santi” lista mo nalang, babayaran ko rin. Malapit na ako makakaluwag eh” natatawa nitong sabi.
“ Ano panga ba ang magagawa ko!” anitong kuminding kinding na lumabas ng coffee shop.
Sa isang kilalang mall sila nagpunta.
Naging abala ang tatlo namili ng mga damit. “ Arabella pumili kana ng gusto mo” anang Aby sa kanya.
“ Sige, titingin lang muna ako”tugon niya rito napangiwi siya ng makita ang price tag.
“ Aby, pumili ka nang sayo. Ako ang naka una nito” narinig niyang angil ni Aryana.
Hinila nito ang hawak ni Aby na floral na jumpsuite. “ Aryana naman ako ang naka una pumili ka ng sayo” ani Aby.
“ Hay, naku mabubuang ako sa inyong dalawa. Akin na nga yan” sabay hablot ni Santi sa pinag-aagawab ng dalawa. “ Hindi tayo nag punta rito para sa inyong dalawa tandaan niyo yan” paalala nito.
Inakbayan siya ni Santi saka hinila papunta sa fitting room.
“ Arabels, gusto ko isukat mo ito.” baling ni santi sa kanya. Inabot nito ang floral jumpsuite sleeveless.
“ Ang mahal nito Santi, kukulangin ang sahod ko nito eh” angil niya ng makita ang price.
“ Wag muna isipin yan. Regalo namin yan para sayo. Mag ambag-ambag kaming tatlo” baling ni Santi sa dalawa. Nakasimangot sumunod sa kanila.
“ Naku, wag na nakakahiya naman” tanggi niya.
“ Naku, Arabels, sige isukat muna yan. Nasasayang ang oras kapag magpipilitan tayo sa isa’t isa”
Napakamot siya sa ulo tinungo ang fitting room.
Binaling ni Santi ang mata sa dalawang naka sandal sa pader. “ Para kayong pinag bagsakan ng langit.” saway nito kina Aby at Aryana . Nagtuturoan ang dalawa.
“ Kayo naman, parang wala na kayong damit ma-i sosout. Si Arabel ang kailangan natin tulungan, baka mag click sila ni Jolo ng makahanap narin ako ng sarili kong kaligyahan mga bruhelda kayo.”
Saglit natigilan si Santi. ang gulo ng mga babae, kaya siguro tumatakas ang mga asawa ng mga ito dahil sa ayaw nagpapatalo tong mga ito eh.
“ Hoy, mga bruha yong mga asawa niyo kailangan ng pahinga, maypampatulog ako” anitong nakangiti.
“ Ano yon?” halos magkasabay na tanong ni Aby at Aryana.
“ Heto oh.” sabay abot ng tableta.
“ Anong oras to ipa-inom?” ani Aby.
“ Lukaret, para sa inyo yang dalawa. Inumin niyo yan ng makatulog kayo ng mahimbing. Ng makapag pahinga ang asawa niyo sa bunganga niyo. Pati tainga ko sumasakit sa inyo.”
Natigilan sila ng makita si Arabella lumabas sa fitting room. “ You look great Arabel” puri ni Aby.
“ Kailangan mo ng close high heels na puti ang kulay para terno riyan” anang Aryana.
“ Tumpak!”
“ Galingan mo sa pagpakitang gilas don sa birthday ni Margaret ha? Act like a classy woman. Okay?” paalala ni Santi sa kanya.
Matapos siyang pinag bili ng sosoutin niya sa birthday ni Margaret ay nagpunta sila sa restaurant.
“Kayong dalawa, binigyan kayo ng mga asawa niyo pang malling. Mag ambag kayo sa babayarin nito ha? Kayo pa naman ang madami ang order” ani Santi kina Aby at Aryana.
“ Mag ambag narin ako Santi” alok niya.
“ Naku, wag na Arabels kami nalang. Kaya na namin to.” Anang Aby
Matapos nilang kumain nag pasya silang lumabas ng mall para umuwi ng makita ni Santi ang Pamilyar na mukha bago tuluyan makalabas ng mall.
“Omg, can’t believe this” anang Santi
Napalingon si Aby at Aryana sa direction tinitigan ni Santi. Ito man ay na shocked.
“ Do we have to tell Jolo about what we saw?” pukaw ni Aryana sa kanila.