Maybe this time episode 17

1303 Words
Title; Maybe this time ( Part 17) Insaktong alas 8:00 ng gabi ng mag sara ang J.S.C coffee shop. Nag-ayos ng mga gamit si Arabella para maka-uwi na sa kanila ng lumapit sa kanya si Aryana. " Arabel, wagka muna umuwi, darating si Sandoval magpapakain daw" Nilingon niyo ito saglit, pag kuwan ay tinuloy niya ang kanyang ginagawa." Sige, e handa kulang to para mamaya deretso na" Magka sunod na lumabas sina Santi at Jolo mula sa office at umupo ang dalawa sa panghabaan na upuan. Hinila siya ni Aryana pa upo para samahan ang dalawa. " Arabel, samahan mo kami ni Aryana bukas ha?" anang Santi ng maka upo siya sa harap nito. " Paano ang trabaho ko?' tumingin siya kay Jolo " Arabel, bukas ka nalang mag day off wag na sa huwebes" tugon ni Jolo Napatingin sila sa bumukas na pinto. Halos mag kasunod na dumating sina Sandy at Christian. " Ayan na ang co-astronaut mo Aryana oh" tukso ni Santi rito ng makita si Christian pumasok. Akmang humalik si Christian kay Aryana ng umiwas ito. " Sus, itong si Aryana pakipot pa. Pa ayaw-ayaw samantalang nag te-text kay Christian. Pupunta ako ng coffee shop puntahan mo ako don asap" pambubuko ni Sandoval " Tigilan niyo nga ako" naka ismid nitong sabi " Tigilan niyo nga ako, pero deep inside kinikilig" natatawang tukso ni Jolo. Napangiti siya sa mga magbarkada. Napatingin siya kay Sandoval. Kahit napa-ka feminine nitong kumilos pero napaka guwapo. Para kang lulunurin sa mga ngiti nito. " Swerte ni Aby" aniya binaling ang tingin kay Jolo na noon ay nakangiting nakatingin kina Aryana at Christian nag haharutan. Guwapo matipuno ang katawan parang kay sarap magpa kulong sa mga bisig nito yon tipong safe ka palagi kapag nasa bisig ka nito. Napatingin siya kay Santi " Siguro kung naging lalaki ito guwapo rin ito" anang isipan niya. " Parang nag-uusap si Aryana at Aby eh, kung anong gagawin nila sa asawa nila. Pag magagalit si Aryana nagagalit din si Aby, ang sarap pag uuntugin ng mga ulo" ani Jolo Napatingin sila sa pinto ng makita si Aby papalapit. " Naku ayan na, bakit niyo kasi binanggit ang pangalan ayan na tuloy" Natatawang Sabi ni Santi. Agad na tumayo si Sandoval para salubungin si Aby. " Switch kaba?" anito ng tuluyan maka pasok si Aby. " Bakit?" naka kunot noo nitong tanong. " Na turn on kasi ako sayo" anitong natatawa " Ikaw Sandoval, wag mo akong dadaanin sa ganyan mo, humanda ka sakin pag-uwi hindi pa tayo tapos"ani Aby umupo sa tabi niya. " Ito naman si Aling Abigail, parang pinag lihi sa puwit ng manok" ani Santi " Hoy, tigilan mo ako bekla ka, palibhasa magka kaibigan kayo, natural kampihan mo itong damuho na ito" nakaismid na sabi ni Aby. " Yan, na siya eh, nagsisimula na" ani Jolo " Mag shopping kami bukas baka gusto mo sumama ng magiging masaya naman ang buhay mo paminsan minsan" aya ni Santi Tumingin ito kay Sandoval" Narinig mo yon? Shopping kami, baka naman may pang palubag loob ka riyan" anitong nakangiti " Yan lang katapat ng mga yan shopping. Ito din kasing si Sandoval hindi makatunog. Pagka ganon mag umpisa na magalit bigyan mo agad ng pampadulas" ani Jolo rito " Pag makita mo wala sa mood ang mga asawa niyo sabihin mo, ito babe magpa lamig ka muna sa mall" natatawang sabi ni Santi " Kasi kayong mga lalaki mahina sa radar" natatawang sabad ni Aryana. Natawa nalang siya sa mga ito habang nagbabangayan. Kahit nag-aaway sweet parin. " Arabella, sama ka bukas?" pukaw sa kanya ni Aby. "Sabi nga raw ni Santi, sasama ako" " Its a girls day out bukas" bulalas ni Santi Mag-aalas 10 na nang gabi nang magpapa-alam na siya sa mga ito napasarap ata ang kwentuhan nila. " Arabella, ihatid na kita sa inyo" alok ni Jolo sa kanya " Ihahatid ako ng mahal ko, kilig ang ovaries ko" tili niya sa kaloob looban. " Wag na po sir, ako nalang po" tanggi niya rito saka tumayo at kinuha ang kanyang bag. " Hindi, ihatid na kita I, insist dahil tinulungan mo ako" pilit nito saka kinuha ang helmet sa loob ng office. " Baka mahuli kayo, ikaw lang ang may helmet Jolo" saway sa kanila ni Santi " Wala na manghuli ngayon gabi na" ani Jolo Wala siyang magawa ng sumunod ito sa kanya. " Kayo, na mag sara nitong coffee shop ha?" baling nito sa mga kaibigan. " Isout mo'to" bago pa siya makapag salita sinout nito ang helmet sa kanya Nagka eye-to eye silang dalawa. " sana hindi na matapos ang sandaling ito. Pakiramdam niya tumigil ang pag-ikot nang kanyang mundo napatingin siya sa mamumula nitong labi. Sandali siyang nawala sa kanyang ka tinuan hindi inalis ang mata sa labi nito amoy na amoy niya ang hininga nito. Ang bango naman. Mariin siyang pumikit at inantay na dumampi ang mga labi nito sa labi niya. " Arabella, come on" tawag nito sa kanya Naimulat niya ang kanyang mata saka nilingon si Jolo naka upo sa motorbike nito inantay siyang umangkas. " Ilang sigundo ba akong nakipag halikan sa hangin?" nahihiya niyang tanong sasarili " Hindi ako nilagnat pero nag de-lerheryo na ako sa pagmamahal ko sa kanya" aniya sumakay sa maylikuran nito. Naglagay siya ng kunting space sa gitna ni Jolo at nakapatong ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mga paa. " Humawak ka sa baywang ko, baka mahulog ka" utos nito sa kanya " Hindi na, okay na ako rito" tanggi niya " Sinabi mo yan ah" anitong pinaandar ang motor. Mabagal ang pag-papatakbo nito saka biglang break. Napa subsub siya sa likuran nito. " Sorry, sorry" anito saka pina-andar ulit ang motor umusog siya ng kunti palayo rito. Ng bigla itong nag break ulit, sumubsub siya muli sa likuran nito" Ano ba ang tripping mo?" naiinis niya tanong " Umusog ka kasi rito, tapos humawak ka sa baywang ko" anito " Gusto mo lang ata mag payakap eh" natatawa niyang sabi rito Umusog siya palapit rito,dumukit ang harapan niya sa likuran nito tulad ng sabi nito humawak siya sa baywang nito. Tuluyan na siyang natangay sa kanyang nararamdaman. Inamoy-amoy niya ang likuran nito. " Mabango kaya ako".Napaigtad siya ng magsalita ito " Bakit may sinabi ba akong mabaho ka?" " Sinunggaling, narinig kita kanina ui. Saka 2 times kaya ako naliligo sa isang araw" dagdag nito tumawa siya, " Yon ba sinubukan ko lang kaya yong babae kung mabilis ba siyang ma turn off" palusot niya rito. " Arabella itaas mo kaya ng kunti ang kamay mo baka makalabit niyan ang gatilyo ko" angil nito ng maramdaman ang kamay niyang nasa ibaba na Mabilis niya itong kinuha" uy na dulas lang kaya ang kamay ko" bigla namula ang pisngi niya. " Ito si Arabella pasimply lang kumilos eh" tukso nito na lalong nagpa painit ng kanyang pisngi. " Lakas ng tama mo ui!' aniyang inirapan ito nakita niya ang pag sulyap nito sa kanya sa salamin. " Tumingin ka sa daan wag sa salamin" aniya rito " Bakit ka nag ba-blush?" tukos nito " Sira ulo, nanghula kapa' kung siguro hindi siya ng sout ng helmet malamang kitang kita nito ang pamumula ng kanyang pisngi. Ilang minuto ang binayahe nila ng tuluyan silang makarating sa kanyang tinutuluyan. " paano, hindi na kita maaya pumasok sa loob, bawal kasi bisita lalo na lalaki" aniya bumaba sa motor nito. " Ayos lang, paano hindi na ako mag tatagal dahil may lakad pa kayo bukas" nginitian siya nito " Sige, salamat ulit" " Wala ba akong good night kiss?" bulong niya sa sarili saka ngumiti. " Hoy, bakit ngumiti mag isa, para kang may sarili mundo" puna nito sa kanya " Wala, sige na umalis kana. Salamat uli" taboy niya rito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD