NAGPALINGA-LINGA si Khiane. Kanina niya pa hindi makita si Jane. Saan na naman kaya ito nagpunta? Pagkatapos ng paghatak sa kanya ng ina papunta sa gawi nina Nica ay hindi na niya nakitang muli ang dalaga. Medyo kinakabahan na siya dahil magdadalawang oras na ay hindi pa rin ito mahagip ng paningin niya. “Khiane?” Kung hindi pa yugyugin ng babaeng katabi ang braso, hindi pa niya ito mapapansin. Nilingon niya ito. “Yes, Nica?” “You seemed distracted, Khiane. What’s the matter?” anito sa nagtatampong tinig. “I’m beginning to think that you didn’t miss me just like I do.” “It’s not that, Nica. May... iniisip lang ako.” Si Nica ang former girlfriend niya. It’s been five years since she left and went to Paris to pursue her modelling career. In short, ipinagpalit siya nito dahil sa ambisy

