“HAPPY birthday, mommy!” bati ni Khiane sa ina sabay abot ng nakabalot na painting. Kunwaring sumimangot ang ina nito. Si Mrs. Amy Monteverde. “Kung hindi pa kita tinawagan para ipaalala ang birthday ko, siguradong hindi ka pupunta.” “Mommy naman, hindi ko malilimutan ang importanteng event na ito. Heto nga at ibinili pa kita ng espesyal na regalo.” Nakatingin lang si Jane sa mga ito at sa paligid. Maliit na salu-salo lamang iyon na pawang mga malalapit na tao lang ang imbitado. Maganda ang bahay ng mga magulang ni Khiane. Mala-palasyo sa laki at sa lawak ng lawn. May mga nakasabit pang chandellier sa mataas na ceiling. Napakaartistic ng buong lugar. Halos kasinlaki iyon ng mansyon nila pero mas maganda ang pagkakadesenyo ng lugar na iyon. “Hmm…” Ngumiti na rin si Mrs. Monteverde nan

