CHAPTER FOURTEEN

883 Words

“FIFTY thousand!” Itinaas ng babaeng malapit sa kanila ang number nito. “Eight thousand!” “One hundred!” anang tinig sa di kalayuan. “One hundred and twenty thousand!” anang isa pa. Nakamata lang si Jane habang nagbi-bid ang mga tao sa paligid. Bumalik sila sa exhibit para sa sumali sa bidding. Gusto niya sanang maki-bid dahil ang painting ni J. Licarpio na may titulong Lost Love ang nakasalang ngayon. Kung narito lang sana ang daddy niya tiyak na gagawin nito ang lahat para mapasakamay nito ang painting. May kalungkutan siyang nadama pagkaalala sa ama. Nami-miss na niya ito. “Two hundred thousand!” Lumipad ang paningin niya kay Khiane na nakataas ang hawak na numero. Ito ang nag-bid ng dalawang milyon para sa painting. Two hundred thousand! Napataas ang dalawang kilay niya. “Hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD