“SO Khiane, how was your day?” Lumipad ang paningin ni Jane sa babaeng kaharap ni Khiane. It was Hanna. She flashed that flirty smile of hers. Nasa isang sikat na bakeshop dapat sila nang mga oras na iyon. But her cousin suddenly changed her mind at niyaya nito ang binata sa bar and restaurant na iyon. Tutal gabi na silang nakalabas sa opisina, they agreed to have dinner. She saw Khiane smiled at Hanna. Napaangat ang isang kilay niya at napaismid. Kung hindi niya lang isinasaksak sa kukote na ito ang plano ng binata, minulto na niya ng tuluyan ang pinsang ito. “Great, of course. Ikaw? How was your day?” Dinampot ni Hanna ang kopita ng wine nito at sumimsim doon habang hindi inaalis ang paningin kay Khiane. “Actually, hindi maganda ang araw ko.” Lumamlam ang itsura nito. Tumingin ito

