“SAAN tayo pupunta, Khiane?” kunot-noong tanong ni Jane. Inihinto muna nito ang kotse sa stoplight bago siya nilingon. “May pupuntahan tayong exhibit ngayon. Hindi ko ba nasabi sa ‘yo?” “Hindi ako magtatanong kung nasabi mo.” “Sorry. Akala ko kasi nasabi ko kagabi.” Nang mag-go signal ay pinandar nitong muli ang kotse. Walang pasok sa opisina nang araw na iyon. Malaya silang gawin ang anumang gusto nila buong araw. Pero hindi naman siya mapakali. Gusto na talaga niyang malaman kung nasaan ang katawan niya. “Ano’ng gagawin natin sa exhibit na iyan?” “Birthday kasi ng mommy ko bukas. Bibili ako ng painting para iregalo sa kanya.” “Painting?” “Yeah.” “Oh.” Pakiramdam niya ay biglang naglaho ang init ng ulo niya. Para naman pala sa mommy nito ang painting. Hindi niya alam kung hihi

