CHAPTER THREE

1874 Words
NAPAPITLAG si Jane nang may ilaw na saglit na bumalot sa paligid niya. Napalingon siya sa pinanggalingan niyon. Isang lalaki ang naroon at may hawak itong camera. Hindi niya ito kilala. Marahil ay bisita o bagong empleyado ng kumpanya niya. Wala sa kanya ang pansin nito dahil may isang lalaking umagaw sa atensyon nito. “You must do it or we’re all dead.” Napalingon siya sa lalaking kalalabas ng kumpanya at kasalukuyang may kausap sa telepono. Pagkasabi nito niyon ay pinatay nito ang cellphone at nagmamadaling pumunta sa parking lot. “Hans…” Dali-daling tumayo siya at sinundan ang lalaki. “Hans! Hindi mo rin ba ako nakikita?” patuloy na habol niya dito. Si Hans ang masasabi niyang kanang kamay niya. Pati ang daddy niya ay pinagkakatiwalaan ito when it comes to company matters. Anak kasi ito ng dating family lawyer nila. “Hans!” Nang makalapit siya ay sinubukan niya itong hawakan sa braso. Pero naglagos lang ang kamay niya doon. Napahinto ito saglit. May pag-asang pumuno sa dibdib niya. Pero maya-maya’y napailing ito at itinuloy ang pagpasok sa sariling kotse. May nabuong ideya sa isip niya. Sabi ni Constantino ay kailangan niyang gumamit ng medium para makaalis doon. Kanina pa siya naglalakad sa tapat ng kumpanya niya pero hindi pa rin siya makaalis. Maski ang pumasok sa loob ay hindi niya magawa. It seems to be near pero kapag lumapit siya ay tila hindi siya umaalis sa kinatatayuan. Hindi na siya nagdalawang isip pa. Lumagos siya papasok sa kotse. Baka matulungan siya ni Hans na makaalis doon. Pinaandar nito ang kotse. Gusto na sana niyang magdiwang nang makarating sila sa kalsada subalit hindi pa nakakalayo ay may malakas na pwersa ang pumigil sa kanya. Before she knew it, wala na siya sa kotse ng lalaki at nahulog na siya sa kalsada. Nasundan na lamang niya ng tingin ang papalayong sasakyan. Hindi naging matagumpay ang naisip niya. Nanlulumong tumayo siya at naglakad pabalik sa kumpanya. She hate it but all she have to do is to wait. Again. Napabuntong-hiningang naupo siyang muli sa hagdan. SHIT! Nasaan na ba 'yon? Kulang na lang ay ibaliktad ni Khiane ang bag niya para lang mahanap ang wallet. “Sir, is there any problem?” Napatingin siya sa cashier. Siguradong naiinip na ito subalit hindi ipinapahalata. Nang makaalis sa kumpanyang pinapasukan ay nagpunta nga siya sa department store para bumili ng mga film at photo paper. Naalala niyang out of stock na nga pala siya. Tamang-tama lang ang ipinalusot niya kanina kay Hanna. At ngayon nga ay nasa harap na siya ng cashier at hindi niya mahagilap ang wallet niya. Marahil ay naiwan niya iyon sa opisina. Naalala niyang inilagay niya iyon sa tabi ng mga magazine na binabasa niya nang matapos siyang magmeryenda. How foolish of him to forgot about his wallet of all things? Gusto niya tuloy sipain ang sarili. “I’m sorry. May nakalimutan ako,” sabi niya sa cashier at umalis dala ang mga kinuha niya. Ibinalik niya iyon sa pinagkuhanan pagkatapos ay lumabas na sa department store. Nagmamadaling tinungo niya ang sariling kotse. Thanks to himself, kailangan pa tuloy niyang bumalik muli sa opisina. Alas sais y media pa lang pero kalat na ang dilim sa paligid. Mukhang alas otso na tuloy. Worst, unti-unti nang bumibigat ang traffic sa kalsada. Ilang saglit pa at natanaw na niya ang building ng Lee Group of Companies. Medyo malayo sa main road ang kumpanya kaya walang gaanong sasakyan ang dumadaan doon. Iniliko niya ang kotse sa kanto. Muli siyang napatingin sa kumpanyang pinapasukan. Walang ilaw ang bawat palapag ng building. Napakataas nga niyon pero tila napakadilim nito tuwing gabi. Ibinaling niya ang paningin sa daan. Ganoon na lang ang pagkabigla niya nang may makitang babae sa tapat ng kotse niya. Halos mapasubsob siya sa manibela nang apakan niya ang preno. Agad siyang nag-angat ng paningin nang huminto ang sasakyan. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang babaeng nakatayo sa harapan ng kotse niya at gulat ding nakatingin sa kanya. Thank goodness, hindi niya ito nabundol! Lumabas siya ng sasakyan para tingnan ang kalagayan ng babae. Siguradong nahintakutan ito dahil muntik na niyang maaksidente. “Okay ka lang ba, miss?” Nakatingin lang sa kanya ang babae na tila namamangha. Napakunot-noo siya. Pinagmasdan ang kabuuan ng babae. Nakasuot ito ng blazer at puting bestida at mahaba ang medyo kulot na buhok. Ito ba ang nakita niya kanina? Nilapitan niya ito. “Miss?” Wala pa rin itong imik. Nanatili lang na nakatitig sa kanya. Hindi niya gaanong pinansin ang reaksyon nito. Almost all the women na nakilala niya ay ganyan kung makatingin sa kanya sa unang beses na pagkikita nila. Ininspeksyon niya na lamang ang layo nito sa kotse niya. Hula niya ay kalahating ruler na lang ang distansya nito sa kotse niya. Napapalatak siya. “Hindi ka dapat nandito, miss. Pwede kitang masagasaan sa ginawa mong pagharang sa daan. I could have killed you, you know.” Bumaling siya dito. “O, balak mo talagang magpakamatay?” “Magpakamatay?” Her voice sounds like a ringing of Christmas bells. It was soft and angel-like. Bahagya itong natawa. “You’re kidding me.” “So, why are you here? As far as I know, bawal ang pagala-gala sa lugar na ito.” Hindi niya maiwasang pagmasdan ang mukha ng babae. Maganda ito at maputi. Malalantik ang pilik ng maaamo nitong mga mata, matangos ang ilong at mapupula ang maninipis na labi. Hindi mukhang gagala-galang pulubi o masamang tao. She’s more like an angel. “Nakikita mo ako at naririnig?” bagkus ay sabi nito. Napakurap siya. May sayad ba ang babaeng kaharap? Pero hindi ito mukhang takas sa mental. “Oo naman.” Pinili niyang ‘wag na lang pansinin ang sinabi nito. “Ang mabuti pa, umuwi ka na bago ka makita ng mga security guards.” “I can’t.” “You can’t— what?” “I can’t go home.” “Why? Naglayas ka ba?” “No matter what I do, I can’t leave this place. Maybe you can help me.” Naguguluhan na siya sa pinagsasasabi nito. “Gusto mo bang ihatid kita sa inyo?” Nagliwanag ang mukha nito at sunud-sunod na tumango. “Okay lang ba?” “Sure!” Hindi niya alam pero magaan ang pakiramdam niya dito. Napangiti siya ng ngumiti ito. Tila may kasiyahang pumuno sa dibdib niya nang umabot sa mga mata nito ang ngiti. “Anyway, hintayin mo na lang ako dito sa labas. May kailangan akong kunin sa table ko.” “Empleyado ka d’yan?” “Oo. Bago pa lang ako. Three days, actually. Sige, ipa-park ko lang ang kotse ko. And please, tumabi ka na sa kalsada. Baka masagasaan ka pa.” Iyon lang at bumalik na siya sa sasakyan niya. Nang makitang naglakad ito sa gilid ng kalsada ay saka niya pinausad ang sasakyan. I-p-in-ark niya iyon malapit sa entrance. Nang makababa ay nilapitan niya ang babae. “Wait me here. Huwag kang tatawid ng kalsada.” “Okay.” Umakyat na siya sa entrance. Nagkukwetuhan ang dalawang guard na nakabantay sa entrance. “Pare, nagmumulto na raw si Ma’am Jane.” “Ikaw nga ay ‘wag mong takutin ang sarili mo.” Napatigil ang mga ito nang makita siya. “Ano’ng kailangan mo?” tanong ng isa. “Mga boss, I’m Khiane Monteverde from advertising department.” Ipinakita niya dito ang id. “Naiwan ko ang wallet ko sa mesa ko. Kukunin ko lang sana.” “Ikaw po iyong bagong photographer, sir?” “Yes po.” “Madilim sa buong kumpanya. Sasamahan na kita,” anang isa na dinampot ang flashlight nito. Ibinalik sa kanya ng isa pang guard ang id niya matapos iyong tingnan. Nilinga niya ang babae bago pumasok. Nakatingin ito sa gawi niya. Ngumiti ito ng lumingon siya. Nang makarating sa eighth floor kusang saan ang office niya ay dali-dali siyang pumunta sa cubicle niya. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang wallet niya na nakapatong sa mga magazine ng kumpanya na binabasa kanina. Bumaba na sila ng guard. Naalala niyang hindi niya pa pala nakikilala ang babaeng nakita sa labas. Ni hindi pa rin siya nito kilala pero pinagkatiwalaan na siya kaagad. Sabagay, hindi naman siya mukhang masamang tao. “Salamat, mga boss.” Tumango ang mga ito. “Ingat ka lang sa daan. May nagmumulto raw d’yan.” Alam niyang nagbibiro lang ang sekyu kaya tinawanan niya lang ito. Too bad, I don't believe in ghost. Naabutan niyang nakaupo sa baitang ng hagdan ang babae. Lumingon ito nang maramdaman ng presensya niya. Tumayo na rin ito. “Naalala kong hindi pa nga pala natin alam ang pangalan ng isa’t isa,” anito. “Oo nga, eh. Ako nga pala si Khiane.” Naglahad siya ng kamay. Naging uneasy ito habang nakatingin sa kamay niya. “I’m Jane.” Itinago nito ang mga kamay sa likuran. Nakaramdam siya ng pagkapahiya sa ginawa nito pero lamang ang pagtataka. Ibinaba niya na lang ang kamay. “So let’s go?” Tumango ito. Sumunod ito sa kanya habang palapt sila sa kotse. Kita niya ang pagkatensyon nito. “Natatakot ka ba sa akin, Jane?” Jane? Ulit niya sa utak sa pangalan nito. May naalala siyang tao na may pangalang ganoon, tao nga ba iyon? Ipinilig niya ang ulo. Napakaraming tao ang may pangalan na Jane. “H-hindi. Bakit mo naitanong?” “I just feel it.” Pinagbuksan niya ito ng pinto. Nang makapasok ito sa kotse ay lumigid siya sa driver’s seat. Napuno ng mabangong amoy ang kotse niya. Hula niya ay pabango iyon ni Jane. He’s not particular to women’s perfume pero nagustuhan niya ang amoy na iyon. Dinig niya ang pagbuntong-hininga ni Jane nang makalagpas sila sa kumpanya. It's a sigh of relief kung hindi siya nagkakamali. “Para saan ‘yan?” “Alin?” “Ang buntong hininga mo.” “Ha? Ah, eh.…” Naghintay siya ng ilang segundo para sa sasabihin nito pero wala na itong sinabi pa. “You know, parang napakamisteryosa mong babae.” Sinulyapan niya ito. He gave her a smile of assurance para mapalagay ito. “Well…” Muli itong napahinto. “I... I have something to tell you.” “Kung saan ka nakatira? Saan nga ba?” “Hindi iyan.” Napakunot-noo siya. “What is it?” “I’m.…” Huminga ito ng malalim. “Huwag ka sanang mabibigla, Khiane but I’m…” May hihingin pa ba itong pabor sa kanya kaso nga lang ay nahihiyang magsabi? Nginitian niya ito. “Spill it. You can tell me everything you want. Kahit na ba kakikilala lang natin. Sabi nga nila, it’s better to tell your secrets to a stranger. Though I don’t know who said th—” “Khiane, I’m a ghost.” “Ha?” Muntik na niyang mabitawan ang manibela. Nang maayos ang takbo ng kotse ay hindi niya napigilan ang tawa. “Huwag kang magbiro ng ganyan, Jane.” “But I’m serious! Hindi kita binibiro lang.” “Come on, I don’t believe in ghost! Hindi totoo ang multo.” “Kung ganoon, ano’ng tawag mo sa akin?” napipikang sabi nito. Sinulyapan niya ito. “Honestly? You’re a gorgeous lady—” “But crazy, right?” Tinigilan na niya ang pagtawa. Mukhang napipikon na nga sa kanya ang babae. “Look, Jane. Kung multo ka, bakit nakakausap kita ng maayos? I heard ghost stories na parang nanggagaling daw sa ilalim ng lupa ang mga boses ng multo. And your eyes. It’s as lively as people around. And most of all, bakit nakikita kita kung multo ka?” “As for your last question, hindi ko rin alam kung bakit nakikita mo ako. Siguro bukas ang third eye mo.” “Imposible. Hindi pa ako nakakakita ng multo sa tanang buhay ko!” “But you can see me.” Napailing-iling siya. Hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi nito bagaman ramdam niya ang pangingilabot na pilit niyang iniignora. “How will you answer my first questions?” “Hindi pa dapat ako mamamatay,” may kalakip na lungkot ang mababang boses nito. Lalo siyang naguluhan sa sinabi nito. Pagkuwa’y umiling siya. Hindi dapat siya naniniwala sa mga bagay na ito. “Jane, please. Stop that…” “It’s true, Khiane!” Magsasalita sana siya pero naramdaman niya ang malamig na bagay na iyon na dumantay sa kamay niya. Nakita niya na nasa kamay niya ang kamay ni Jane. Kasabay niyon ang paninindig ng mga balahibo niya at paggapang ng kilabot sa buong katawan niya. Hinaplos nito ang kamay niya pero hindi niya naramdaman ang mainit na pagdampi niyon. Ang naramdaman niya ay malamig na hangin. Kitang-kita niya na lumagos ang kamay nito nang tangkain nitong hawakan ang kamay niya! “My name is Jane Lee, Khiane. Ang CEO ng kumpanyang pinapasukan mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD