CHAPTER TWO

1930 Words
“THIS is it!” muling pinuno ni Khiane ng hangin ang dibdib. Nasa harapan siya ngayon ng malaki at mataas na gusali, ang main building ng Lee Group of Companies. Ang advertising company ng malaking building na ito ang pakay niya doon. He waited long enough for this. Kanina nga ay tinawagan siya ng isang sekretarya sa naturang kumpanya at sinabing mag-rreport daw siya ngayon and bring his sample shots. Inayos niya ang bag na kinalalagyan ng folder at camera sa pagkakasukbit sa leeg niya. Isa pang malalim na hininga at lumakad na siya papasok sa kumpanya. Khiane is a freelance photographer. Pero nitong nakaraang buwan ay tila nagsasawa na siya sa ganoong trabaho kaya naisipan niyang mag-apply sa advertising company na ito bilang photographer. Hindi naman siguro masama kung magkakaroon siya ng boss. “Saan ang punta, sir?” harang ng guard sa kanya. “I had an appointment with Mr. Lorenzo.” “ID lang po.” Ibinigay niya ang id dito. Binigyan naman siya nito ng visitor’s pass. “Sa clerk na lang po kayo magtanong, Sir.” “Okay, thanks.” Lumapit agad siya sa clerk na nasa likod ng counter. “Excuse me, Miss.” Nag-angat ng paningin ang babae mula sa computer nito. Natigilan ito nang makita siya. Kinabahan tuloy siya. “Ah, Miss?” untag niya rito nang hindi ito magsalita. “Ah... yes?” Ngumiti ito ng maluwang habang titig na titig sa kanya. “W-what can I do for you?” “I have an appointment with Mr. Lorenzo. Pinagre-report niya ako ngayon.” “Okay. I’ll just confirm it.” Ngumiti ito ng matamis bago inabot ang telepono at nag-dial. Kita niyang namumula pa ang pisngi nito. Lihim na natatawa na lang siya. Laging umaakto ng ganito ang mga babae kapag nakikita siya. “What’s your name again?” baling nito sa kanya. “Khiane Monteverde.” Muli itong nakipag-usap sa telepono. Maya-maya’y ibinaba nito iyon at bumaling sa kanya. “The new photographer?” “Ah, y-yeah. Hopefully matanggap ako.” “I'm sure na tanggap ka. Kailangang-kailangan ng photographer ng kumpanya ngayon dahil dumadami ang projects.” “Thanks. Pwede na ba akong pumunta sa office ni Mr. Lorenzo?” “Sure! Eighth floor. First door on the right. Welcome here, Khiane.” “Thanks.” Tumango siya at iniwan na ang babaeng tila ba gusto pang makipagkwentuhan sa kanya. Nangingiting napailing na lang siya. Tinungo niya ang elevator at lumulan doon. He pressed the number eight. Ilang saglit pa at nasa silid na siya na itinuro ng clerk. Malaki ang opisina at puro glass walls ang nakikita niya. “Mr. Monteverde?” Napalingon siya sa babaeng tumawag sa kanya. “I’m Angelica, secretary of Mr. Hans Lorenzo. Ako ang tumawag sa ‘yo sa phone.” “Oh, hi!” Nakipagkamay siya rito. “Sir Hans is waiting for you.” Iginiya siya nito sa isang opisina. Pumasok sila doon. “Sir, Mr. Monteverde is here.” May ibinigay itong folder sa lalaking nakaupo sa likod ng mesa. Hans Lorenzo is not that old katulad ng inaasahan niya. Hula niya ay kasingedad niya lang ito. Nginitian nito ang sekretarya. “Thank you, Angel. You can leave us now.” Tumango lang ang babae at lumabas na. “Have a seat, Mr. Monteverde.” Iminwestra nito ang upuan sa harapan ng mesa nito. Tumalima siya. Sumandal ito sa swivel chair at binuklat ang folder na ibinigay ng sekretarya. Hula niya ay resume niya iyon. “Uh-huh... Khiane Harold Monteverde. How must I call you?” “Khiane is fine, Sir.” "Okay, Khiane. Nagtapos ka ng architecture sa Ateneo then nag-aral ka at nagtapos ng Fine Arts major in Photography sa UP. That’s impressive.” “Thank you, Sir,” medyo nahihiyang sabi niya. He’s not used on talking about his background. “After some experiences in architectural firm, naging freelance photographer ka. How was that? Bakit bigla kang nag-shift sa photography?” “Bata pa lang po ako, hilig ko na ang photography. Nang makatapos ako ng Architecture, naisip kong kumuha ng ilang units sa Photography. Then as years gone by, mas nagustuhan ko ang pagpi-freelance. Mas kontento ako sa photography.” Tumatangu-tangong sabi nito at muling bumaling sa resume niya. Binasa nito iyon saglit at muling bumaling sa kanya. “Monterverde is somewhat familiar to me.” Saglit itong nag-isip. “MVM Holdings. Right! Kaanu-ano mo si Mr. Leonardo Monteverde?” “Actually…” Napalunok siya. Nahihiyang tumingin siya rito. “He's my father.” Nabigla ito sa sinabi niya. “Oh?” Ngumiti lang siya. “Why… Why? I mean, bakit ka nag-apply dito gayong hindi mo na pala kailangang maging employee lang? You’re already a boss in your company.” “As I said,  I’m more contented in my career now. Mas gusto kong sundin ang sarili kong pasya. Mas gusto ko ang buhay ko ngayon kesa sa buhay na ibinibigay ng father ko.” Sa totoo lang ay matagal na siyang kinukulit ng ama para tumulong sa pagpapatakbo ng sarili nilang negosyo. But he refused. Ipinaubaya niya na lang sa dalawang nakatatandang kapatid ang tungkuling iyon. Mas ginusto niyang mabuhay sa sariling paraan. Nasusunod niya kasi ang sariling gusto niya at hindi na niya kailangang magpanggap na gusto niya ang mga ipinagagawa ng ama. Nakakaunawang napatangu-tango si Hans. “Can I see you sample shots now?” “Sure.” Hinagilap niya sa bag ang folder niya at ibinigay iyon dito. Iyon naman ang binuklat buklat nito. “It’s awesome. You’re really good.” Ngumiti lang siya. Ilang tanong pa ang ibinato nito sa kanya. “Very well, then. Come back here tomorrow for your orientation. Saturday bukas. So hopefully, makapagsimula ka na on Monday.” Nagliwanag ang mukha niya. “Talaga po?” Nakangiting tumango ito. Pagkuwa’y tumayo at inilahad ang palad sa kanya. Masiglang tumayo rin siya at inabot ang palad nito. “Welcome to Lee Advertising Company, Khiane.” “Thank you, sir! I will do my best.” INAYOS ni Khiane ang camera niya at ang knapsack niya. Isinuot niya sa leeg ang camera. Malapit nang mag uwian. Three days na siyang nagtatrabaho sa kumpanya. Tomorrow is the fourth day. Yeah, saisip niya. Mababait ang mga katrabaho niya at talaga namang natutuwa ang mga itong makatrabaho siya. Mukhang magtatagal siya sa kumpanya kung ganito ka-warm palagi ang mga kasamahan niya. Ilang sandali pa at nag-chime na. Tumindig na siya at isinukbit sa balikat ang bag. “Yes it’s true. Kakaiba ang naramdaman ko pagkababa ng kotse kanina. Parang may napakalamig na hangin na sumalubong sa akin. Nagsitayuan ang mga balahibo ko!” Napahinto siya sa paglalakad nang maulinigan ang mga nag-uusap sa lobby. Napatingin siya sa umpok ng mga empleyado sa gilid. Lumapit siya sa mga ito. Kilala niya ang babaeng nagkukwento. She was Ronah Cañezo, ang junior accountant ng kumpanya. “Teka, hindi ba’t sa tapat nasagasaan si Ma’am Jane?” anang isang empleyado. Natigilan naman si Ronah. “Hala!” bulalas pa ng isang tauhan na tinakpan pa ang bibig. “Hindi kaya nagmumulto na si Ma’am Jane?” Napuno ng pagbubulungan ng mga empleyado ang paligid. “I-it’s impossible!” ani Ronah na bakas sa mukha ang pagkalito. Napailing ito at tumayo sa kinauupuan. Tila malalim ang iniisip na naglakad ito papunta sa exit. Napakunot-noo naman siya. Bumaling siya sa isang empleyadong lalaki na kasabay niya. “Sino si Jane?” “Hindi mo kilala si Ma’am Jane?” “Hindi, eh.” “Bago lang siya dito, Drigz. Natural hindi niya kilala si Ma’am Jane,” salo ng nakausap niyang clerk noong unang punta niya dito. Leide ang pangalan nito. Lumapit sa kanya sina Drigz, Leide, at Alexza, kasamahan din ni Leide sa front desk. “Si Ma’am Jane ang CEO ng Lee Group of Companies. Half a year palang mula nang mag-retire si Big Boss Lee at i-t-in-urn over  niya ang pwesto sa nag-iisang anak niya, that is Ma’am Jane," paliwanag ni Drigz. “Paano’ng nangyaring hindi ko siya kilala?” Walang nagsabi sa kanya ni isa sa mga kasamahan tungkol sa boss nila na ito. “Because she’s not here,” ani Alexza. “Two weeks na mula ng mabangga siya ng kotse d’yan sa tapat ng parking lot,” si Leide. “At mukhang nagmumulto na siya.” “Wag ka nga’ng manakot nang ganyan, Drigz!” “I am not! Nagsasabi lang ako ng totoo, Alexza.” Bumaling sa kanya ang lalaki. Hininaan nito ang boses. “Alam mo, sabi ng mga nakakita sa pangyayari, sinadya daw talaga na sagasaan si Ma’am Jane.” “Oo nga,” segunda naman ni Leide. “Siguradong nakita raw ng driver ng kotse na iyon na nasa harapan si Ma’am dahil bumusina pa ito. Pero hindi naman daw nagmenor at lalo pang binilisan ang pagpapatakbo.” “Who’s the culprit? Nahuli ba ang driver ng kotseng iyon?” “No one knows. Heavily tinted ang salamin ng puting kotseng bumangga sa kanya. Hindi na nahabol dahil tumakas rin pagkabangga kay Ma’am Jane.” “Lahat kami dito, nalungkot sa pagkawala sa kumpanya ni Ma’am Jane. Except of course sa mga inggitero at inggiterang nagplano para patayin siya." “Sino naman ang mga iyon?” Akmang sasagot ang mga ito nang may magsalita mula sa likuran nila. “Ano na namang ipinapasok niyong tsismis sa utak ng bago nating photographer?” It was Hanna. Ang pamangkin ni Big Boss Lee. Ayon sa mga kasamahan niya, anak ito ng kapatid na babae ng may-ari ng kumpanya. “Good afternoon, ma’am,” bati ng tatlo sa babae. Tumango lang ito at bumaling sa kanya. Matamis na ngumiti. “Hello, Khiane.” “Good afternoon, ma’am.” “Going home?” “Uh, not really. May dadaanan pa ako sa mall.” “Gano’n ba? Sabay na tayong lumabas.” “Okay.” Magkaagapay na lumabas sila. “So how was your first three days?” “Definitely fine. Mababait po ang mga kasamahan ko at napaka-warm ng pagwelcome nila sa akin.” “They will surely welcome you with admiration. Mahihilig sa gwapo ang mga empleyado namin.” Natawa siya sa tinuran nito. Goodluck sa magiging projects mo these coming days. Nakita ko ang mga sample shots mo and I’m impressed. Inaasahan kong ganoon din kaganda ang mga gagawin mo sa kumpanya.” “Thank you, ma’am…” Napatigil siya sa pagsasalita nang itaas nito ang palad. “Nasa labas na tayo ng workplace. You may now call me Hanna.” “Ha? P-pero…” “Wala na tayo sa trabaho. Maybe we can be friends aside from being employee-employer relationship?” “Ahh... Of course. It’s a pleasure.” Nakarating na sila sa parking lot. Huminto ito sa tapat ng pulang Toyota Supra. Bumaling ito sa kanya. “Thanks, Khiane. Why don’t we hang out now?” “Now? I'm sorry pero importante talaga ang dadaanan ko sa mall ngayon. Maybe some other time.” Ang totoo ay wala lang siya sa mood lumabas ngayon at makipag-bonding sa babae. “Hmm... Okay. That’s a promise, ha?” Ngumiti ito at binuksan ang sasakyan. “Well, I’ll see you tomorrow at the office then.” Nginitian niya rin ito. “Okay.” Lumulan na ito sa kotse. Bago nito pinausad iyon ay kumaway muna ito sa kanya. Nakangiting sinundan na lamang niya ito ng tingin. Pero unti-unting napalis ang ngiti niya nang mapagawi ang paningin sa gilid ng hagdan sa harapan ng entrance. Isang babae ang nakaupo doon. Mahaba ang buhok nitong medyo kulot at itim na itim. Nakasuot ito ng itim na blazer at puting damit, hindi niya masiguro kung bestida iyon o ano. Nakatalikod ito sa gawi niya, tila ba pinamamasdan ang mga sasakyang dumadaan sa harap ng kumpanya. May kung ano’ng kilabot na humaplos sa balat niya. Hindi niya maipaliwanag ang emosyong bumalot sa puso. Nahawakan niya ang camera niya. With the orange light of the setting sun, napakagandang gawing subject ng babae. Bagaman kakaiba ang naramdaman, gumana pa rin ang pagiging artist niya. Itinaas niya ang camera at kinuhanan ng larawan ang babae. Lalapitan niya sana ito pero may tumapik sa kanya. Napabaling siya dito. It was Drigz. “Hey, dude! Mukhang malapot ang titig ni Ma’am Hanna sa ‘yo, ah!” “H-ha?” “Come on. Nakita ko kung paano ka kausapin at tingnan ni Ma’am.” “Ahh... She’s just friendly." Muli niyang ibinaling ang paningin sa babaeng  nakita niyang nakaupo sa hagdan. Subalit wala na ito doon. Nagtatakang lumapit siya sa kinaroroonan nito kanina. “Teka, saan ka pupunta?” habol ni Drigz sa kanya. Wala na talaga ang babae. Nagpalinga-linga siya. Pero wala siyang makitang babaeng naka-blazer ng itim, nakabestida ng puti at may mahaba at itim na itim na buhok. “Sino’ng hinahanap mo?” “Drigz, galing ka sa exit, `di ba? May nakita ka bang babaeng nakaupo rito? Nakabestida ng puti at mahaba ang buhok.” Napakunot naman ito ng noo. Nagpalinga-linga rin. Pagkuwa’y napailing at tumawa. “Wala. At saka walang naliligaw na hindi empleyado rito. Mahigpit ang security eh. Kapag may nakita ang guard na aaligi-aligid maski dito sa tapat ng company, pinapaalis nila kaagad. Masyadong naging paranoid ang mga boss natin dahil sa nangyari kay Ma’am Jane.” “P-pero…” Muli niyang nilinga ang paligid. Wala na talaga maski anino ng babae. Napabuntong-hininga siya. “G-ganoon ba? Baka guni-guni ko lang iyon,” sabi na lang niya. Hindi na lang niya ito kinontra. Ngunit hindi pa rin niya maialis sa isip ang nakita...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD