Sa emergency hospital, doon isinugod si Carla. Takot na takot. Hawak hawak ang nalapnos na kalahati ng kanyang mukha. Hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin sa sobrang hapdi at sakit ng kanyang kalamnan sa kanyang mukha. Parang kinakain ng likido ang kanyang laman sa mukha at natutunaw ito. Lusaw na lusaw ang maganda at malasutlang pisngi ni Carla. Halos makita na ang kanyang cheeck bones sa pisngi. “ Araay koo…. Huhuhuhu …. “ daing ni Carla habang humahagolgol ito at namimilipit sa sobrang sakit, takot at samot saring alalahanin. Yakap yakap siya ni Sean. Inaalo at pinakakalma ang kanyang damdamin. Naiiyak na din si Sean sa sobrang awa at nasasaktan din siya sa nararamdaman ni Carla, sa kalagayan nito. “ Huwag mo kong iwan Sean, Huhuhuhuhu….. Maawa ka sa akin. Ang sakit - sa

