Kinabukasan ay maaga silang nagising at nag almusal. Nag impake silang lahat at balak nilang bumalik sa Maynila. Babalik sila Dito sa Probinsya pag mag babakasyon sila at bibisitahin ang kanilang mga tanim. Ibinilin nila Ang kanilang mga pananim sa mga kamag anak at kapitbahay. Tuwang tuwa sila sa panibagong kabanata sa buhay ni Carla. Walang pag siglan ng galak si Sean, Lola Iska, Mang Cardo, Yaya Ising, Twinkle at Alexander. Mahaba haba ang biyahe nila papuntang Maynila. At habang na sa biyahe sila ay umidlip sila para pag karating nila sa pupuntahan ay mayroon lakas sila. Lalo na si Carla at Sean. " Pag Ka dating natin sa Flat na kinuha ko para sa inyo ay mag pahinga kayo para maya maya ay pupuntahan natin ang recording company. At ipapakilala ko si Carla sa kaibigan Kong producer.

