bc

"LUCKY OR UNLUCKY"

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Para sa mga mahilig sa LOVE STORIES.

Para sa mga taong umiibig, mahirap man o mayaman, bata man o matanda, may asawa man o wala para po sa inyo ito.

Istoryang hango sa malawak na imahinasyon at base sa mga pangyayaring minsan ay hindi natin aakalaing nasa totoong buhay din pala.

Sana po ay magustuhan ninyo at kapulutan ng munting aral sa buhay pag-ibig.

chap-preview
Free preview
"LUCKY" episode 1
CHAPTER ONE (love story) AUTHOR CODENAME: Cheriehanie "Nakakasawa na! Ganyan ka na lang ba palagi?" Pasigaw na sabi ni Nhelee sa asawang wala nang ginawa sa buhay kundi ang maglasing, uminom ng alak maghapon. "Magbubunganga ka na naman!" pasigaw ding sagot ni Tahn sa asawa. "At paanong hindi ako magbubunganga huh! sa araw-araw na ginagawa mo wala ka nang inaatupag kundi ang uminom maghapon! ni sustento sa mga bata wala ka! yung pension mo at padala ng mga kapatid mo eh sa alak mo lang napupunta!" Hindi na napigilan ang mapaiyak ni Nhelee sa sobrang sama ng loob. "Wala kang pakialam kung saan ko gagamitin ang pera ko! pera ko yun at hindi sayo!" tila nagyayabang pang pagkasabi nito. "Bwisit na buhay to! Umalis ka na lang sa bahay na ito kung wala ka rin namang silbi! para ano pa't naandito ka kung di mo naman maganpanan ang pagiging asawa at ama saamin?" gigil na sabi ni Nhelee habang tumutulo ang mga luha. "Bakit ako aalis sa bahay na ito? eh ako ang nagpatayo nito. Saka may trabaho ka naman at kumikita ka nakakakain naman ang mga bata." katwiran pa nito. "Ahh saakin mo iaasa ang panglamon mo? Wala ka bang isip? Ako nagpapakahirap magtrabaho maibigay lang ang pangangailangan ng mga anak ko pati ikaw? masyado ka namang sinuswerte! Bahay lang ang sayo! saakin itong lupa! Kung ayaw mong umalis ako ang aalis! Hindi ko na matatagalan pang makisama sayo! Iiwan ko ang mga bata sayo, may pension ka! may mga kapatid ka pa na nagpapadala sayo. Hindi ako nakikinabang ng lahat ng yan kaya dapat makinabang naman mga anak mo!" Nag-impake si Nhelee at ora-mismo umalis siya ng araw na iyon. "Wala kang kwenta! iiwan mo mga bata?sige umalis ka!Ga**!" buyaw pa ng lasing na si Than. Walang kamalay malay ang mga bata na nasa school pa ng mga oras na iyon. Di nga nagtagal sa pagdating ng mga bata ay wala na ang kanilang ina. Sinabi ng ama na iniwan na sila nito. "Paanong hindi tayo iiwan ni mama wala ka nang ginawa kundi maglasing, si mama ang gumagastos sa lahat ng kailangan dito sa bahay pati baon namin sa kanya galing." paghihinanakit ng panganay nilang lalake na si Liam. Ang pangalawa naman ay si Joe na umiiyak na lang sa nalamang pag-alis ng ina. "Abat bastos ka na! sumasagot ka na saakin ng ganyan! baka gusto mo tamaan!" Umamba ng suntok ang ama. "Sige saktan mo ako,dyan ka naman magaling!" inilapit pa ni Lee ang sarili sa ama habang nangingilid ang mga luha. Binugbog nga ito ng ama at hindi naman lumaban si Lee, hinayaan lang niya ang ama sa ginagawa nito sakanya. Umiiyak lang ang bunsong si Joe,wala siyang magawa. Ayaw man iwan ni Nhelee ang mga bata sa poder ng asawa ay tiniis muna niya dahil kailangan muna niyang makahanap ng maayos na titirahan para maisama ang mga anak niya. Nalaman ng mga katrabaho nito ang nangyari. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang buhay niya. "Tama lang yang ginawa mo Nhelee, hindi dapat pagtiyagaan ang ganyang klaseng asawang walang silbi. Kaya ka nga nag-asawa para magkaroon ng katuwang sa buhay tapos magiging palamunin mo lang siya!tsk!" ang sabi ng kaibigan niyang babae na si Tessa. "Oo nga,bakit kasi siya pa ang pinili mong mapangasawa? bukod sa matanda sayo ng halos sampung taon ay wala pang trabaho. hay naku!" ang sabi naman ng katrabaho niyang lalake na si lito. "Hayst! tama na nga iyan! Wag niyo na sisihin si Nhelee, nagkataon lang na inlove pa siya nung mga panahon na yun kaya wala ng sisihan." awat ni Tessa. "Nga pala, may mga manliligaw ka naman ehh piliin mo na yung kaya kang buhayin na parang prinsesa huh wag puro puso dapat ati bulsa mo mabusog." Pahabol na sabi ni Lito. Dati namang nagtatrabaho sa barko si Than, kaya nga may pension siya dahil nagretiro na rin sa trabaho.Kaya lang nalulong sa alak. Ok naman sila noon eh kung wala lang talagang bisyo tong si Than. Isa pang problema ay ang pamilya ni Than. Ayaw kasi ng pamilya nito kay Nhelee dahil nga sa laki ng agwat ng edad nila ehh mas nagmumukhang anak nito si Nhelee at hindi asawa. Kaya ang isip din ng pamilya ay pera lang ang habol niya sa mga ito. Pero hindi yun ganun, maling-mali sila sa isiping iyon. Dahil ang totoo ay minahal niya talaga ito,kaya nga sabi niya "di ba may kasabihang 'age is doesnt matter?' mahal ko siya kaya pumayag akong magpakasal sakanya hindi dahil sa pera o rangyang maibibigay niya saakin." "Ang nais ko lang naman ay simpleng buhay, responsableng asawa at ama ng mga anak namin. Sapat na sana yun kaso hindi niya ginampanan yun kaya naging ganito." kwento niya noon sa best friend niya. "Malala yang pamilya niya,sana noon pa lang naisipan mo na wag na lang magpakasal. Hayst! buhay talaga laging nasa huli ang pagsisisi." Malungkot na malungkot si Nhelee, namimiss na din niya ang mga anak niya. "Hindi na bale,bata ka pa naman, maganda saka marami ka pang manliligaw. Basta be wise lang ha? wag mo nang piliin ang kagaya ng ugali ng asawa mo." sabi pa ni tessa. .... lumipas ng ilang linggo ay hindi na siya nakatiis kaya tinawagan niya ang mga anak upang kamustahin. Nalaman nga niya na binugbog ang anak niya ng kanyang asawa. "Mama,kunin mo na kami dito." pagmamakaawa ng bunso niyang si Joe habang iyak ng iyak. Hindi na raw ito pumapasok dahil sa wala siya. At wala rin daw itong makain,dahil hindi nagbibigay ang ama ng mga ito. Awang-awa siya sa mga anak,pero wala pa siyang magawa sa ngayon. "Konting tiis na lang mga anak,kukunin ko rin kayo dyan kapag nakahanap na ako ng maayos natitirahan natin." umiiyak na paliwanag niya sa mga anak. "Baka pagbalik mo dito patay na kami." ang sabi ng panganay niya na lalong nagpaluha sakanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Thunder Wolves MC - Clara (Book #3)

read
63.0K
bc

Billionaire Quadruplet Alphas

read
2.8M
bc

Sold to the Billionaire Alpha

read
1.7M
bc

Inseparable

read
379.2K
bc

Desert Heat (Complete) (Book 1 to Desert Series)

read
1.4M
bc

Desert Nightmare (Book 3 to Desert Series)

read
1.2M
bc

The Vampire's Servant

read
514.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook