-MIA- N A G U L A T . . . ako sa biglang paghawak sa kamay ko upang pigilan akong hawakan ang takip ng kaserola kung saan ako nagluluto ng tinolang manok. Napasinghap ako sa gulat at agad na binalingan ng tingin ang gumawa nyon. Isang nakakunot-noong Travis ang nasa tabi ko at hawak hawak ang kamay kong muntik nang malapnos. Bumuntong-hininga ito. “Ako na..”, mahinahon nitong sabi sabay kuha ng pot holder upang hawakan ang takip ng kaserola. Tinitigan ko ito habang abala ito sa pag sipat ng lagay ng niluluto ko. Kumuha pa ito ng sandok tsaka hinalo-halo iyon ng banayad. Ilang araw na matapos ang nangyari sa loob ng opisina ng tatay ni Primo. Matapos akong akayin ni Travis palayo mula sa silid na yun ay dinala kami nito ni Macey sa sarili nitong opisina upang doon ako kumalma

