CHAPTER 1
*flashback*
‘’M I A grabe hinakot mo na naman ang medals ni mayor! Grabe sya o!’’, sigaw ng mga kaibigan ko habang pababa ako ng entablado. Recognition day namin sa school ngayon, hudyat ng pagtatapos ng aming Junior year and pasisimula ng huling kabanata ng aming highschool life, ang Senior year.
Binigyan ko sila ng ngiting tagumpay at sabay suntok ng kamao ko sa hangin. ‘’Yeeeaahhh!!!, sigaw ko na naging sanhi ng hiyawan ng mga kaibigan at kaklase ko sa bleachers.
Ooops! Don’t get me wrong, hindi ako mayabang. Sadyang hyper ang personality ko. At tanggap iyon ng mga kaklase at kaibigan ko. Hindi ako ang tipikal na achiever na madamot at snob. I share my notes and review materials sa mga kaklase and friends ko na nasa ibang section. Yeah, yeah, pwede na akong tumakbong konsehal I know.
Agad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ng aking insipirasyon. Ahem, syempre naman, hindi rin naman ako pahuhuli sa lovelife ano!
He was standing at the end of the bleachers, hands in his pocket, at halos mapunit ang kanyang labi sa ngiti niya habang nakatingin saking tumatakbo papunta sa kinaroroonan niya. Hay, dazzling, as always.
Parang slow-mo ang lahat at naging mumbled ang tunog ng buong paligid, siya lang ang nakikita ko... his makalaglag-panty smile, his deep set eyes that are both enticing and dangerous, and his primly cut hair almost sleek to perfection, my Primo.
Muntik pa siyang matumba sanhi ng impak ng sa wakas ay marating ko siya at diretsong niyakap.
‘’Oh-hoo! Slow down baby girl’’, aniya na bahagya pang natawa. He always calls me that. Primo and I have known each other since like, we were just zygotes in our mothers’ wombs. Oo, ganun katagal. We were made, born and raised in San Mateo. We live few blocks from each other, we went to the same pre school, elementary and now highschool. Our families are sort of friends since magkakapit bahay kami. Crush ko na siya since grade 6 kami, and luckily, niligawan niya ako nung second year highschool na kami at syempre, magpapakipot pa ba si ako? Primo was, and, still is, the coolest and smartest guy sa buong campus, probably, isa sa mga hearthrob ng San Mateo.
Bahagya kong inilayo ang katawan ko ngunit hindi siya tuluyang binitawan, upang makita ko ang kanyang mukha. Primo stands 6 feet tall, hanggang balikat niya lang ako kaya naman nakatingala ako sa kanya. Bumungisngis ako, at itinaas ang ilan sa mga medalyang nakasabit sakin upang ipakita sa kanya upang ipagmalaki sa kanya ang mga iyon na bahagya ko pang kinalansing.
He smiled. Oh God. I would probably die if I won’t see that smile even just for a day. Iyong smile na para bang drinowing, on point ang bawat linya, perfect ang bawat angle at shape. Haaay. Oo na, dead na dead na ako sa Primo ko.
‘’I’m so proud of you Mia’’, halos pabulong na niyang sabi sakin sabay hawi ng iilang hibla ng buhok na tumakip sa aking pisngi.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang kanyang mga labi sa aking noo. Hindi ko namalayang kumawala ang ilang butil ng luha sa aking mga mata. Itinaas ni Primo ang aking mukha dahilan upang magtama ang aming mga mata. Again, he smiled.
‘’O, bat ka umiiyak?’’, natatawa niyang tanong. Umiling ako.
‘’I’m just so happy, I couldn’t ask for more’’, sagot ko.
Pinahid niya ang ilang butil ng luha ko sa pamamagitan ng kanyang hinlalaki, marahan at magaan na tila ingat na ingat. Isa ito sa mga dahilan why I couldn’t get enough of him.
Primo takes care of me na tila ba ako’y isang mababasaging pigurin. He is always gentle, always so thoughtful and calm. Literal na baby-ing-baby niya ako. He is the definition of a perfect gentleman. Kahit na nag-aaway kami never siya nagtaas ng boses, he is always the bigger person, laging nagpapaubaya, laging nagpaparaya...basta para kay Mia. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit kahit alam ng buong bayan na may girlfriend na siya ay marami pa din ang nagtatangkang agawin ang atensyon niya. Malas lang nila, dahil Primo and I promised to be together no matter what. Forever. He is my everything. And I am his. Sabay kaming bumubuo ng mga pangarap namin. And I know, anything is possible... basta kasama ko siya.
‘’I love you, my Primo’’, tangi kong nasabi dahil sa dinami dami ng gusto kong sabihin, pakiramdam ko those three words says it all.
He held my face, looked at me intently and smiled.
‘’I love you more, Mia’more. You are my always and forever’’, sagot niya.
*end of flashback*
.
.
.
.
.
.
.
.
.
‘’MIA!’’, untag sakin ni Clarisse na siyang nagpabalik sakin sa kasalukuyan. Clarisse, ‘Clang’, as we call her, is my co-teacher sa Elementary school na pinapasukan ko. Kaklase ko siya sa college at sabay din kaming nagpa-rank at na-absorb ng pinapasukan naming school ngayon sa Manila.
‘’H-Ha? A-ano yun?’’, tangi kong nasabi. Lihim kong pinilig ang aking ulo upang gisingin ang aking sarili.
‘’Sabi ko tara na dun sa venue ng seminar, if you can lead the way tutal naman Alma Mater mo ‘to, so familiar ka’’, sagot niya sabay mwestra pa ng kamay niya patungo sa pasilyong kasalukuyan naming nilalakaran.
‘’A-Aah.. O-okay, sure, tara na’’, halos wala sa sarili kong sabi at nagpatinuna nang malakad patungo sa direksyon ng Teacher’s Hall kung saan idadaraos ng Teacher’s seminar na aming dadaluhan.
‘’Okay ka lang ba? You seem lost there’’, muli nyang tanong.
‘’O-Oo naman, may naalala lang ako ito naman’’, pilit kong pinapakalma ang aking sarili.
‘’Ayyiieee...ang alaala bang ito ba ay nagsisimula sa letrang P?’’, panunukso ni Clarisse na may pagsundot pa sa tagiliran ko at may pataas-taas ng dalawa niyang kilay. Inikot ko ang aking mga mata upang itago ang bahagyang pagkabalisa ng madaan kami sa gymnasium ng San Mateo High School.
Mahigit sampung taon na rin kaming magkaibigan ni Clang kaya naman alam na alam na niya ang kwento ng makulay kong buhay. As in lahat lahat, pati ang tungkol kay....
Inikutan ko ito ng mata upang itago ang pagkapahiya na nahuli niya ako sa saglit kong pagkawala sa alaala ng nakaraan.
“Oo, P as in Principal Torres na siguradong manenermon na naman kapag nalate tayo sa seminar kaya dalian mo nang maglakad dyan’’, sagot ko at mabilis ang mga hakbang na nagpatiuna na sa paglakad upang makalayo doon.
Lakad takbo namang humabol si Clarisee sa 'kin.
‘’Sus, ikaw 'tong me pag moment dun sa gym eh, hmp! Wag mo nga ako Maria Isabella Alcantara!’’, sagot nito.
Lalo ko pang binilisan ang mga hakbang ko at mas piniling wag nang patulan pa itong loka-loka kong kaibigan.
Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng eskwelahan sa Pilipinas ay dito pa talaga sa Alma Mater ko napiling magsagawa ng seminar. Tatlong araw pa naman itong seminar na ‘to. Eh kung magpanggap na lang kaya akong may LBM, o di kaya bulutong, o di kaya... arrgghhh! ano ba naman 'tong mga naiisip ko. Okay Mia, kalma ka lang, andito ka para sa seminar, nothing more, nothing less. After nito, back to normal ka na ulit. Kaya mo yan!, lihim kong pagkausap sa isip ko.
Matapos naming mag register ni Clarisse ay pumwesto na kami sa may malapit sa aircon syempre. Nagsimula ang session ngunit ang isip at kaluluwa ko ay wala doon, ayun, naglakbay ng di sinasama ang katawang-lupa ko. Talaga naman oo! Lihim kong kinastigo ang aking sarili. Tumigil na Maria Isabella, nakakailan ka na.