“P R I M O. . .”, it was the way she said my name. Napapikit ako nang muli na namang magflash sa isipan ko ang mukha ni Mia kanina nang maabutan ko sya sa opisina ni Daddy. The sound of her voice, her big, round eyes...pitong taon na simula nung huli ko syang makita. Our goodbye wasn’t pretty... so all along I thought, if ever magkita kami ulit, I would not feel anything other than resentment. Pero bakit ganun... kanina ay muntik ko na syang hablutin mula kay De Luna na kung makakapit sa kamay ni Mia ay akala mo’y linta!
I had to mentally remind myself of what she did to us 9 years ago. Yes Primo! Don’t ever forget the hell she had put you through dahil sa ginawa nya noon.
Pinuntahan ko lang kasi sana si Daddy upang siguraduhin ayos lang ito. Sabi kasi ng mommy ay dumadalas daw ang pagkahilo nito, so to appease my mother ay sumaglit na ako sa opisina nya. Halos limang minuto pa lang ako sa opisina ng daddy nang magring ang cellphone ko, si Toni, nangangamusta. I had to step out for few minutes to take the call. At nang bumalik ng ako ay doon ko inabutan si Mia.... holding hands with Travis De Luna.
I was taken aback for a moment pero agad din akong nakabawi. Alam ko namang at some point ay magtatagpo kami, dahil bukod sa maliit lang ang San Mateo, ay nagkataon pang ako ang operating surgeon sa case ng papa nya. But what I did not expect is to meet her this soon and with this man, in this scenario.
I was prepared to be professional dahil iyon naman talaga ang rason kaya ako andito, for work. But when I saw her earlier, parang naglaho ang lahat ng logic ko at kung ano-ano na lang ang sinabi ko.
Batchmates? One of the girls na nagkagusto sakin noon?, wow... just wow Primo!
Nang magkasabay kami sa elevator ay hindi ko alam kung magkukunwari ba akong may nakalimutan sa opisina ni daddy o magpapatay malisya na lang na sumabay sa kanya. In the end ay pinili ko ang huli.
And there she was, sumiksik sa pinakasulok ng elevator na akala mo ba’y kakainin ko sya. Well, I guess it’s better this way. I originally plan to ignore her, pero tila ba may sariling isip ang mga dila ko at kusang nagbigkas ng mga salitang wala sana akong balak isatinig dahil ayokong magtunog-bitter.
“Good for you, I mean, he’s a well-established man, may itsura din naman, and of course, most importanly, he’s a doctor, at di lang basta doktor, he is a consultant, fair play to you Mia”, ang sinabi ko. Ayaw magtunog bitter pero mas mapait pa sa ampalaya ang tono ko!
The look on her face when I said that almost made me take back what I said. And then the image of that one night 9 years ago came back to me, it was so vivid as if it only happened yesterday.
Napangisi ako. Don’t ever be deceived by that innocent face again, Primo, sigaw ng isang bahagi ng isipan ko.
And just when I have convinced myself that she no longer has that effect on me, the elevator opened and there was De Luna again. He didn’t even look at me. Para bang ang babaeng kasama ko sa elevator lang ang nakikita nya.
That ‘so-in-love' look on his face is getting into my nerves again. Parang ang sarap sapakin! Kung alam lang ng lalaking to na ex ako ng babaeng tinititigan nya!
Well, that’s exactly it Primo. EX ka lang. Anong pagsapak naman ang iniisip mo dyan?. Kung pwede lang batukan ang sarili ay ginawa ko na. Paano nama’y para akong may bipolar disorder sa pag-iiba iba ng mood ko.
Nang magpaalam ang mga ito ay nakita kong inakay na naman ng De Luna na yun si Mia. Hindi ko tuloy mapigilang isipin kung gaano na sila katagal para maging ganun ka-touchy ang gagong iyon. When I was dating Mia, it took us about 2 years before we had our first kiss... hey, hey! Hold up! At para saan naman ang pag-alala mo sa mga panahon ‘you were dating Mia’?! syempre... sumingit ang another persona sa katawan ko. I swear, it’s either I am bipolar or I am possessed! That has to be the only explanation kung bakit ako nagkakaganito.
Nagpasya akong umalis na din dahil malamang sa malamang ay kanina pa ako hinihintay ni Talia, ang knowing her, she hated waiting.
Hindi pa nga ako nakakalayo sa ospital ay nagtext na nga ang mommy to say na nagtampo na si Talia dahil daw napakatagal ko. Nagpakawala akong marahas na hininga, masyado ko nang binibigo si Talia. I wouldn’t blame her kung ganun ang naging reaction nya, makailang beses na din kasing nangyari na pinangakuan ko ito, naghanda at naghintay sa akin pero sa huli ay hindi ko sya nasisipot dahil sa trabaho ko.
Ipinihit ko ang manibela at nagpasyang dumaan muna sa restaurant na pinagdalhan sa amin ni mommy nung mga unang araw namin sa San Mateo, Talia loved the halo-halo, dahil nga naman hindi kami nakakakain nun noong nasa Canada kami, ay nasabik ito masaydo. Ipagtitake out ko na lang ito ay baka sakaling madala sa suhol, hindi naman ito mahirap amuhin. One on the things that I love about her is that madali itong pasayahin kahit sa mga simpleng bagay lang.
And just when I was about to park my car, doon ko nakita ang dalawang taong siyang-siyang magkasalo by the glass wall of the restaurant...Mia and Travis. Natigilan ako. She looked so happy and so enjoying his company. Naisip ko tuloy, was she ever that happy when she was with me then?...but then ako din ang sumagot sa sarili kong tanong. Obviously...hindi, Primo. Because if she was really happy with you back then, hindi sana kayo ganito ngayon.
Humigpit ang hawak ko sa manibela. Matalim kong tiningnan si Mia. Tingnan mo nga naman, kung sino na ang nagkasala at nakasakit sila pa ang naging masaya sa huli. At ang sinaktan at niloko, sya pa din ang luhaan sa huli.
Isang busina mula sa sasakyang nasa likuran ng sasakyan ko ang pumukaw sa akin. Hindi ko namalayan na nakaharang at lumikha na ako ng munting traffic sa parking area ng restaurant, kaya naman nagmamadali akong nagmaneho paalis doon.
Habang nagmamaneho ako pauwi ay hindi mawala sa isip ko ang nakita ko sa restaurant. Galit ako. Dahil sa iba’t ibang dahilan. Galit ako dahil nakita kong ang taong nanakit sakin noon ay nakakayang tuwa ngayon na para bang wala itong ginawang mali. Galit ako dahil hindi ko matanggap na tumatawa sya dahil kay Travis De Luna. Galit ako dahil despite everything that had happened, andito pa din ang galit, ang sakit at ang lahat nang sugat na iniwan ng nakaraan.
Pinaharurot ko ang sasakyan. Because despite all my issues and hang ups, I have an obligation to Talia, labas sya sa lahat nang nangyari. At sa lahat ng pangit at maling nangyari sa buhay ko, sya ang pinakamaganda at pinakatama sa lahat. So really need to make it up to her this time.
Nang makarating ako sa mansyon ay agad akong sinalubong ni mommy. She just looked at me at itinuro ang direksyon ng swimming pool. Doon nga ako nagtungo at inabutan ko si Talia kasama ang isa sa mga kasambay namin. Nang makita ako nito ay agad itong nagpaalam.
Bahagya pa itong nagtatampo ngunit ng tusukin ko sya sa tigiliran dahil alam kong iyon ang pinakamalakas nyang kiliti ay tumawa na ito. Napagkasundan naming wag nang lumabas at magswimming at magmovie date na lang sa bahay, as I have mentioned, hindi ito mahirap pasayahin.
Halos mag-aalas otso na din ng gabi nang matapos ang pinapanood naming movie, nakatulugan na ito ni Talia. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang maamo nyang mukha habang mahimbing na natutulog. Inayos ko lang ang pagkakahiga nya tsaka pinatay ko na ang TV bago tuluyang lumabas ng kwarto upang kumuha ng kape. I have heard about people na mas nakakatulog kesa nagigising kapag umiinom ng kape, and sad to say I am one of them.
Tahimik ang kusina. Malamang ay tapos na kumain si mommy at ang mga kasambahay. Nag order kasi kami ng pizza ni Talia kanina habang nanonood ng movie kaya sabi ko kumain na sila ng wala kami.
In-on ko ang coffee maker at matiyagang naghintay na matapos iyon magbrew ng kape. Sumandal ako sa kitchen worktop sabay pinagkrus ang mga braso sa aking dibdib. Sabay ko ding ikrinus ang kanan sa kaliwang binti ko.