Nagising akong yakap yakap ni Calvin, ang sarap pa din ng tulog niya na akala mo wala siyang trabaho. Kinuha ko yung cellphone ko sa side table ko para tignan yung oras.. s**t! Napasarap ako sa tulog, malalate ako nito sa trabaho.
Nag madali ako sa pag bangon sa kama ko kaya nagising ko siya.
"Hey, bakit ka nagmamadali?" Tanong niya.
"Male-late ako sa trabaho!" Nag madali akong pumunta sa bathroom para makapag shower na. Kasalanan niya ‘to eh, kung hindi ako nagising sa kalagitnaan ng tulog ko at sa ginawa namin edi sana maaga akong nagising. Tsk.
Natapos ako sa pag sha-shower, lumabas ako ng bathroom ng nakatapis lang at nakita ko si Calvin na ang mukhang bumalik pa sa pag tulog niya. "Calvin gumising ka na dyan, wala ka bang pasok?" Pag gising ko sa kanya pero hindi siya nag respond sa sinabi ko.
"Hoy, ugok!" I called again. Still no response. Naglakad na ‘ko papunta sakanya dahil mahirap talagang gisingin ang gising na. "Calvin Bautista, i swear ‘pag hindi ka pa tumayo dyan tatamaan ka na sa’kin!"
Minulat niya yung mata niya at ngumiti sa’kin. Sabi na eh, nag tutulog tulugan lang ‘to eh. I rolled my eyes on him. "Hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" Tanong ko.
"Wala akong pasok ngayon."
I raised my right eyebrow. "Puwes ako meron kaya bumangon ka na dyan!"
"Puwede ba kitang ihatid?" Tanong niya ‘tsaka inilagay yung mga kamay sa likod ng ulo niya at ginamit ‘tong unan.
"Oo na sige na! Tumayo ka na dyan!" Naglakad nalang ako sa closet ko at nag simula ng mag bihis. Habang ako nag bibihis, si Calvin naman nag madaling pumunta sa bathroom para siguro mag hilamos lang. Wala naman yun dalang gamit kaya ‘di siya makakapag shower.
Nang makapag bihis ako, sakto namang labas ni Calvin sa bathroom. Kinuha niya yung towel ko at pinunasan yung mukha niya, nang makapag punas naman siya lumapit siya sa’kin at inalagay ang mga kamay sa bewang ko habang ang laki ng ngiti sa labi.
Amoy bagong toothbrush siya. Ginamit niya siguro toothbrush ko. Dahan dahan niyang inilapit ang labi sa labi ko para siguro halikan ako, ano pa nga ba? Pero bago niya gawin yun hinarang ko yung kamay ko sa bibig niya.
"Mamaya na, male-late ako pag sinimulan mo ‘ko ng lambing."
He grins. "Date tayo after ng work mo?"
"I can't promise you that, baka mapagod ako dahil may seminar ngayon sa resort."
"Mmm... how about, mag dinner tayo mamaya sa labas."
"Mmm.. okay." I agreed putting my hands on his shoulder. "Ihahatid mo pa ba ‘ko? Kasi male-late na talaga ko." I added making him laughed hard.
"Okay, okay… sorry." Bumitaw na siya sa pagkakahawak sa’kin at hinawakan ako sa kamay pero bago kami lumabas kinuha ko lang muna yung bag, sa kotse na ‘ko mag me-make up.
Mag kahawak kamay kaming lumabas ni Calvin ng apartment ko at dumiretso kami sa kotse niya. Nang makasakay kami sinimulan na namin ang byahe, habang siya busy at naka focus sa pag mamaneho ako naman ay naka focus sa pag me-make up ko.
Nang matapos akong mag make up tumingin na ‘ko sa gwapo kong driver today, he's still focusing on driving. Bigla ko siyang hinalikan sa pisnge niya at nakapag iwan ako ng marka ng lipstick sa pisnge niya. Tumingin siya sa’kin at mukhang bet na bet ang ginawa ko, ang laki kasi ng ngiti eh.
"Para saan yun?" Tanong niya.
"Wala lang, ayaw mo ba?"
"Isa pa nga." Request niya habang pinopoint yung pisnge niya. Since he requested it, pagbibigyan ko siya, bet ko din naman eh. I was about to do his request pero dahil ang pilyo niya, ginalaw niya yung ulo niya kaya labi niya ang nahalikan ko.
I slapped him on his shoulder. "Pag tayo na aksidente sa kaharutan mo, papaltukan pa kita." I warned chuckling.
He laughed. "Ikaw kaya nag simula."
"Tss... mag maneho ka nalang."
Nang sa wakas nakarating kami sa trabaho ko, pero syempre hanggang sa labas lang ako ng gate dahil ‘di naman niya puwedeng ipasok kotse niya puwera nalang kung guest siya kaso hindi.
"Susunduin kita, diretso tayo dinner okay?" He said habang tinatangal ko yung seatbelt ko.
"Okay." Hinalikan ko lang siya ng mabilis sa labi niya ‘tsaka ako bumaba ng kotse at bago ko isara yung pinto, kinaway ko yung kamay ko sakanya bilang pagpapaalam. "Ingat ka, ugok." Mamahalin pa kita. I want to add that pero syempre ‘wag na muna.
"Ingat ka din bata, ‘wag mo ‘kong masyadong isipin baka mamiss mo agad ako."
I chuckled. "Sabi mo eh." Sinarado ko na yung pinto ng kotse at nag simula ng pumasok nung gate, bago ako tuluyang pumasok nilingon ko muna si Calvin na ngayon at sinimulan na ang byahe paalis. I smile secretly. Nakalimutan kong sabihin sakanyang may lipstick siya sa pisnge, bahala siya kung pag tawanan siya dun.
"Good morning, Ma'am." One of the guard greeted.
"Good morning din, Kuya." I greeted back. Dumiretso na ‘ko sa time keeper na si Jelo para makapag time in.
"Laki ng ngiti Madam ah." She teases.
I laughed, softly. "Maganda lang ang gising."
Nang makapag time in na ‘ko, iniwasan ko na munang isipin si Calvin para naman makapag focus ako sa trabaho ko.
My break time came…
Sa labas ako ng resort kumain kasama ang isa sa mga office staff na si Melba, sa malapit lang na karinderya plano naming kumain.
Habang wala pa yung order namin, tinignan ko nalang muna yung cellphone ko baka sakaling may text mula kay Calvin at ‘di naman ako nag kamali dahil meron nga..
** Dahil iniwanan mo ko ng lipstick sa pisnge tinanong ako ni Mama kung sino gumawa nun kasi alam niyang wala na kami ni Cynthia. Kaya sinabi kong ikaw, punta ka daw sa bahay at mamanhikan, panagutan mo daw ako. **
OH MY GOD!!!!!!!!
Okay, medyo kinabahan ako sa text niya. Close naman ako sa pamilya kasi nga haler mag best friend kami pero, ngayon may mutual feelings na kami ni Calvin parang bigla akong nahiya. Shocks!!
"Ayos ka lang?" Melba asked.
"Y-yah... I’m fine." I cleared my throat, forcing a smile.
** You mean, iniivite ako ni Tita sainyo? **
I replied.
Gusto ko makasigurado kasi naman yung text niya kapilyuhan eh.
Matagal bago siya nag reply, nakapag simula na nga ‘kong kumain ng ma-received ko yung text niya.
** Yup. She's excited to see you again. **
** Ok, when? **
** Let's talk about it later. **
** Ok. **