Nag shower na muna ako habang wala pa si ugok, baka makatulong din ang shower para mabawasan ang pagod ko sa trabaho.
Nang matapos naman akong mag shower, kinuha ko yung pajama dress ko at sinuot ito ‘tsaka ako humarap sa salamin para punasan ang basa kong buhok. Tama nga ‘ko na naka bawas ng kunting pagod ang pag sha-shower ko.
Nang makapag patuyo ako ng buhok, wala pa ding Calvin na nag paparamdam kaya naisip kong mag open ng social media account ko. Madaming Notification as always, and also mga friend request. I don't know but find myself... stalking, Calvin's account.
I look at his profile, sa status niya in a relationship pa din sila ni Cynthia kaya napa taas kilay ako. Tinignan ko kung kailan ang huli niyang post, yun yung araw na nag inuman pa dito sa Apartment ko, yung araw na kinuha niya yung virginity ko.
Baka hindi pa siya nag o-open ng social media account niya kaya ‘di pa niya nababago yung status niya.
Nakarinig na ‘ko ng doorbell mula sa labas kaya itinabi ko na yung cellphone ko sa side table ko at dali daling pinag buksan ang paniguradong si Calvin.
Pagbukas ko hindi nga ko nagkamaling siya yun, na ang laki ng ngiti ng makita ako. "Hi, Soph." Pagpapacute niya.
"Pasok ka na, ang dami mo pang arte dyan!" I grabbed his hand straight to my living area at napansin kong nasa maliit kong lamesa padin yung bulaklak at yung cake na nasa platito.
"Kanino galing yang bulaklak?" Calvin asked.
I slowly face him. "Uh.. kay-"
"Liam?" He finished my words. I just nodded my head. "Nandito siya kanina?" He seriously asked. I nodded again. "Anong ginawa niya?"
"Uh... ano kasi bumisita siya... uh... ngayon yung Anniversary namin, noong kami pa. He wants to celebrate it kahit na wala na kami and also dahil na din sa kagustuhan niyang makipag balikan." I explained.
"Akala ko ba hindi ka na makikipag balikan?"
"Oo nga! Hindi na nga, sinabi ko na yun sa kanya."
"Tangap na niyang ‘di ka na babalik?"
"Oo, yun ang sabi niya."
He sighed. "Mabuti naman." Bigla niya kong niyakap at naramdaman ko ang pag halik niya sa balikat ko. "Matulog na tayo?" He asked, whispering.
"Lilinisin ko lang ‘tong nasa sala, mauna ka na sa kwarto." I whispered back.
Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan ako sa mag kabilang pisnge at tinitigan ang ng very serious sa mata. So, nakipag titigan nalang din ako. Ano kayang iniisip niya ngayon?
He breaks the eye contact and kisses me on my forehead.
"Hihinatayin kita sa kwarto mo." He softly said. Pag tango lang ang response ko. Nag lakad na siya papasok ng kwarto ko, so ako tulad ng sabi ko nag linis na muna ako, mahirap ng langamin.
Nang matapos din naman akong maglinis, pumasok na ko ng kwarto ko dun nabutan ko si Calvin na nakahiga na sa kama ko ng nakasando at hawak hawak niya yung cellphone.. ko.
Shocks!
Dali dali ko yung kinuha sa kanya at tinignan ang kung nakita niyang iniistalk ko yung social media account niya and ‘di nga ‘ko nag kamali nakita niya dahil yun ang tinitignan niya.
"Are you stalking me now?" He asked smirking teasingly.
"Hindi nu!" I lied.
"Tss.. obvious na nga, tinatangi pa."
"Tumigil ka nga! Masama bang tignan ang account mo? Ginagawa ko din naman kay Kara yun ah."
Mas lalong lumakas yung tawa niya. "Ang defensive mo." Tss... parang kanina lang ang seryoso niya, tapos ngayon tawa siya ng tawa. Hinawakan niya ‘ko sa kamay at hinila papalapit sa kanya.
"Now tell me, bakit mo talaga tinitignan account ko?" Tanong niya.
"Uh… wala, kasi hinihintay kita at naisipan kong mag open ng account ‘tsaka ko tinignan yung account mo. Yun lang yun."
"Mmm." He just hummed.
"Bakit di mo padin binabago yung Status mo kay Cynthia?"
"Kakabago ko lang ngayon." He kissed my shoulder. Tinignan ko ulit sa cellphone ko kung nag sasabi siya ng totoo, and tama nga single na siya sa Status niya. I smile, secretly.
"Tama na ‘yan, matulog na tayo." Kinuha niya yung cellphone ko at inilapag ito sa side table ko.
Ihiniga niya kami sa kama at iniyakap sa’kin ang kamay at tumanday pa. "Goodnight, Sophie." He whispered.
"Goodnight, Ugok." I whispered back.
"Hmm… ang sweet mo talaga." He said making me giggle. Inayos ko ang paghiga ko at yumakap na din sa kanya.
"Goodnight, Vin." I whispered. Ipinikit ko na yung mga mata ko, para makatulog na.
Nagising ako sa kalagitnaan ng pagtulog ko ng mapansin kong hindi ko na katabi si Calvin. Umupo ako mula sa pagkakahiga at inilibot ang tingin sa kwarto ko, no signs of him.
Nasaan yun?
Bumangon ako ng kama at pumunta sa bathroom baka sakaling nando’n siya pero wala namang ilaw kaya imposibleng nando’n siya, lumabas ako ng kwarto at nang malapit na ‘ko sa sala napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses niya.
"Matulog ka na lasing ka na! Itigil mo na ‘tong kakatawag sa’kin ‘pag lasing ka." I heard him sighed. "Cynthia, tapos na tayo pakiusap naman oh... tumigil ka na." Si Cynthia ang kausap niya sa phone? At this hour?
"Yes! I love her, I'm in love with Sophie. Now, please enough calling me!"
Oh Gosh! He's what? Okay, i know he likes me but in love with me? That is very surprising!
Naglakad ako papalapit sa kanya nung hindi ko na marinig na may kausap pa siya. Nakita ko siyang nakaupo sa couch ko at nakalagay ang mga kamay sa ulo niya.
"Calvin," I called him. Inangat niya yung ulo niya at tumingin sa’kin.
"Soph, bakit gising ka pa?" Pagtataka niya.
"Nagising ako kasi wala ka sa tabi ko, tinawagan ka ni Cynthia?" Tanong ko habang naglalakad papalapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at pinatong ang kamay ko sa legs niya.
"Oo, lagi niya ‘tong ginagawa ‘pag nalalasing siya."
"Ibig lang sabihin nun mahal ka pa niya." Hinawakan niya yung kamay kong nakapatong sa legs niya at hinalikan ito.
"Honestly, alam niya yung nararamdaman ko sa’yo noon pa." Whaaaaat?!! "Nag hiwalay na kami noon dahil nag aaway kami dahil sa’yo, hindi ko nagugustuhan yung mga sinasabi niya sa’yo hanggang sa nasabi ko sa kanya kung ano ka sa’kin at dun nakipag hiwalay siya sa’kin. Pero hindi rin naman yun nag tagal dahil bumalik siya at ang sabi niya tatangapin niya padin ako kahit na may nararamdaman ako sa’yo, gagawin niya lahat para mabura yun at dahil nakikita ko noon na mahal mo si Liam kaya sumangayon ako sa balikan siya. Baka nga makalimutan ko ‘tong nararamdaman ko sa’yo at mabaling ko sa kanya, nag laylo ako at ‘di masyadong nagpapakita para fair kay Cynthia pero hindi rin naman pala umepekto, hindi man kita nakikita… mahal pa rin kita."
That was the longest confession na narinig ko buong buhay ko.
"Nung nag karoon ako ng pagkakataon para sa’ting dalawa, ‘di ko na pinalampas pa. Alam kong ang sama ko kay Cynthia kaya hangga't maari sinusubukan kong pakisamahan pa din siya kahit na puro pangit nalang ang sinasabi niya sa’kin. Deserve ko naman yun." Tumingin siya sa mga mata ko at huminga ng malalim. "Ayoko lang na palampasin ‘tong pagkakataon na makasama ka, mahal na mahal kita Soph."
I don't know what to say, sa haba ng sinabi niya hindi ko na alam kung anong puwedeng sabihin. Klaro naman sa isip ko na mahal niya ko at gusto ko naman siya. Gustong gusto ko siya!
Hindi na ‘ko nag salita ang ginawa ko nalang hinalikan ko siya. Umupo ako sa kandungan niya at hinalikan siya sa labi niya. I feel his hand, under my pajama dress moving at my skin, up to the cap of my bra.
He slowly lays us on the couch, positioning himself on top of me. He breaks the kiss for us to catch some air, and also to take off his sando.
"Uh... akala ko matutulog lang tayo?" Tanong ko.
He chuckled. "Hindi na ngayon!"
Okay, the next thing happen... amin nalang po.