Pambihira! Sa dami ng araw na puwede siyang bumisita bakit ngayon pa? Ngayon pang nandito si Calvin, ngayon pang kakagaling lang namin sa kama ni Calvin. Haay! Nakakaloka!
"Bakit para kang nakakita ng multo?" Liam asked chuckling.
"Uh-"
"Soph?" Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil narinig ko yung pag tawag ni Calvin sakin. Great! I look at him and he's still half naked. s**t! Binigyan ko lang siya ng mag-bihis-ka look.
"Si Kara ba ‘yan?" Tanong niya.
"No! Si uhm… si Liam." Biglang sumeryoso yung mukha niya. Hindi ko na pinansin yung awra niya at tumingin nalang ulit si Liam.
"Si Calvin ba yun?" Liam asked, seriously.
"Y-yah!" Bigla kong naramdaman ang pag akbay ni Calvin sa’kin na dahilan para mapatingin ulit ako sa kanya. What the hell is he think he's doing?
"Hey, dude." Casual na bati ni Calvin at ang nakakaloka nag pakita siyang half naked. Hindi talaga siya marunong making.
"Bakit siya nandito at ganyan lang suot?" Liam asked me. Halata sa itsura niya na hindi niya gustong makita si Calvin at half naked pa dito mismo sa Apartment ko.
I was about to say something pero ‘di ko nagawa dahil biglang nagsalita si Calvin. "Bakit pa kailangan niya mag explain sa’yo? Wala naman na kayo ‘di ba?"
"I'm still her ex."
"Exactly! Ex ka na, so wala ng dahilan para pumunta ka dito at magtanong."
"Kaibigan ka lang ‘di ba? Bakit ka nangingialam?"
"Tumigil na nga kayong dalawa!" I snapped at both of them. Tinangal ko yung pagkakaakbay sa’kin ni Calvin at sinamaan siya ng tingin. "Mag bihis ka nga!" I scolded him.
"Liam sorry, puwede next time ka na bumisita?" I said.
"Pinapaalis mo na ‘ko?" May pagkainis niyang sabi.
"I was just saying-"
"Hell yah dude, makaramdam ka nga!" Pagsisingit sa sinasabi ko ni Calvin.
"Tumahimik ka na nga muna!" I scolded Calvin, again. Bakit hindi nalang kasi manahimik eh? Baka magkagulo pa kapag nagpatuloy pa ‘tong dalawang ‘to.
"Hindi ako aalis hangga't ‘di siya umaalis!" Liam said while glaring at Calvin.
I put my hand on my forehead, feeling helpless. Paano ko ba kakausapin ng matino ‘tong dalawang ‘to, kung puro sila ambahan ng salita at tingin?
"Asa ka pa dude, hindi ako aalis!"
"Kung gano’n hindi din ako aalis!"
"Kung gano’n ako nalang ang aalis!" I snapped irritatingly. Iniwan ko na silang dalawa at dumiretso sa pag lalakad papunta sa kwarto ko, ‘tsaka ini-lock ito at naghanap ako ng pwedeng suotin sa closet ko. Kung ayaw nilang umalis akko nalang! Nakakainis silang pareho! Pareho nilang ayaw making.
"Sophie," Dinig kong tawag ni Calvin mula sa labas ng kwarto ko habang kumakatok. "Aalis na kami, sorry." He added.
Na pa buntong hininga ako. Sa wakas! Hindi ko na tinuloy ang paghahanap ng masusuot since aalis naman na sila. Pambihira! Hay, bakit ba bigla nagka ganito ang lahat? Parang kanina lang ang tino ng usapan namin ni Calvin, mayapa at… masaya after nung ginawa namin. Tapos mauuwi sa sakit ng ulo!
Naglakad ako papalapit sa pinto at pinagbuksan si Calvin. Pagkabukas ko, mag katabi sila ni Liam na nakatayo sa tapat ng pinto ko... and buti naman at nakadamit na si Cavin.
"Uuwi na ‘ko." Calvin said.
"Ako din, sorry." Liam said.
"Sana naman pag labas n’yo ng Apartment ko, hindi kayo mag aaway."
"Hindi!" Sabay nilang sabi.
"Okay, mag ingat kayo." Lumapit sa’kin si Calvin at hinalikan ako sa pisnge, bilang pagpapaalam sa’kin.
Gano’n din naman si Liam at hinalikan ako sa noo. Medyo nag unahan pa nga sila sa ginawa nilang yun. Kaya ‘di ko maiwasang mapairap sa ginagawa nila.
"Sige na, alis na!" Pagtataboy ko sakanilang dalawa. Nag simula na si Liam sa paglalakad palabas habang si Calvin naman, nakatingin lang sa’kin yung tingin na tipong ayaw pa talaga niyang umuwi pero no choice na siya.
Sa totoo lang ayaw ko pa din siya paalisin. Damn it! Pero kung hindi ko siya papaalisin siguradong hindi rin aalis si Liam.
Hinawakan niya bigla yung kamay ko at hinalikan ito ng hindi inaalis ang tingin sa’kin. "Babalik ako." Pag kasabi niya nun, nag simula na siyang maglakad paalis.
Naglakad nalang ako papunta sa pinto para siguraduhing hindi sila mag aaway, ‘pag kalabas. Buti naman at tumupad sila sa sinabi nilang ‘di sila magaaway dahil diretso sila pareho sa mga kanya kanya nilang sasakyan.
Nang ma-assured kong hindi sila nag away, sinarado ko na yung pinto at bumalik nalang sa kwarto ko at ibinagsak yung katawan ko sa kama at tumingin sa kisame ko.
Wala akong ibang maisip kundi yung nangyari kanina, yung sa’min ni Calvin dito sa kama ko. Parang dati lang, ginagawa ko talaga ang lahat mapigilan lang si Liam na walang mangyari sa’min kahit sobrang tempting noon nagagawa ko pading mag pigil pero kay Calvin, bigla ko nalang binibigay at di nag papapigil sa temptation. Siguro dahil siya ang una ko kaya gano’n.
Nahinto ako sa pag iisip nang marinig ko yung cellphone ko na nag ri-ring... tumayo ako mula sa pagkakahiga kinuha ko yun sa side table at sinagot ang tawag ni Liam..
"Hello?"
"Soph," He sounded, i don't know sad? It's hard to tell. But one thing for sure he's still driving. "Are you dating Calvin?"
Okay... medyo ine-expect ko na yung tanong na yun, dahil sa nangyari kanina.
"Honestly, No!" Hindi naman kasi talaga kami nag di-date ni Calvin.
"Salamat naman kung gano’n. Puwede ba ‘kong bumalik dyan? I really wanted to talk to you in person."
"I don't think magandang idea yun. Bakit gusto mo ‘kong makausap?"
"Kasi..." He paused.
"Ano yun?" I asked again.
"Gusto kong makipag balikan, sweetie."
Yun ang ‘di ko ine-expect.
Hindi ko tuloy alam ang sasabihin, ano bang dapat sabihin do’n?
"Hindi ko alam ang isasagot sa’yo."
"Ayos lang na ‘wag ka munang sumagot, naiintindihan ko. Maghihintay naman ako eh."
"Liam, ayokong mangako sa’yong baka may hintayin ka." Sa ganito ba namang wirdong nararamdaman ko sa kaibigan ko i don't think na dapat akong mag pahintay sa kanya. Unfair yun.
"Ayos lang, ‘di mo man sabihin alam kong dahil yan kay Calvin. Pero gusto ko lang ding malaman mo na gagawin ko ang lahat para mabaling sa’kin ulit ang attention mo at ma-inlove sa’kin." Hindi na ‘ko sumagot sa sinabi niya kasi... hindi ko rin naman talaga alam ang isasagot. Wala akong ibang maisip.
I heard him, sighing. "Ibaba ko na ‘to, bye sweetie."
"Bye." I ended the call.