Nasa byahe ako ngayon papunta sa Café ni Kara, i decided kasi na mangulo ngayon sa kay Kara, since ayokong mag stay sa bahay at mag isip sa mga sinabi ni Liam sa kagustuhan niyang makipag balikan sa’kin.
Hindi ko tuloy maiwasang maisip yung hiwalayan namin. I decided to ended our relationship dahil, maliban sa wala na kaming time sa isa’t isa, lagi pa kaming nag aaway. Paulit-ulit na gano’n ang setup naming kaya nakipag hiwalay na ako. Ang ‘di ko maintindihan parang ‘di naman siya noon nag dalawang isip na pumayag makipag hiwalay pero bakit ngayon nakikipag balikan siya?
Hindi lang pala babae ang magulo ang utak, lalake din pala talaga.
Nakarating ako ng Cafe at nag park lang sandali, ‘tsaka tuluyan pumasok sa Cafe. Syempre si Kara ang una kong hinanap at nakita ko siya sa isang table na nakayuko may laptop sa harap niya at may mga kasamang papers.
"Wake up!" Sabi ko sabay hampas sa table kung saan siya nakayuko na dahilan para magulat siya.
"Urgh! Papatayin mo ba ‘ko sa gulat?" Pagaangal niya kaya ‘di ko maiwasang matawa.
"Sorry, Sorry." I said laughing. Umupo ako sa tapat niya at tinignan yung mga papers, nag i-inventory pala siya. "Nasa trabaho ka pero natutulog ka, magandang impluwensya ‘yan para sa mga employees mo."
"Who cares, I’m the boss." Walang gana niyang sabi sabay yuko ulit.
"Bakit ba parang antok na antok ka?"
"Pinuyat ako ni Edward."
"Ganyan ba ‘pag ikakasal na madalas nag pupuyat?" I joke. Ba’t ‘di nila itry sa umaga? Tulad ng ginagawa namin ni Calvin. Haha.
She laughed softly. "Tama ka." Kailan ba ‘ko naging mali? Ang bilis kaya nilang ma-predict.
Nakita kong may papalapit na waiter sa counter kaya tinawag ko.
"Miss, two coffee yung isa para sa boss mong antukin." Order ko. Alam naman na niya kung anong inoorder ko lagi dito kaya ‘di ko binangit basta coffee matik na niya yun.
"Yes, Ma'am." She said with a bow.
"Ano bang dahilan para mang-gulo ka na naman dito?" She asked finally facing me.
"Boring sa Apartment eh."
"Bakit ‘di mo papuntahin sa Apartment mo si Vin, tapos mag laro kayo ng bahay bahayan."
"Very funny." I sarcastically said making her laugh.
"Oh c'mon, may nangyari na sainyo ‘wag ka na pa virgin dyan."
"Alam mo kung sabihin mo ‘yan parang wala tayo sa public place." Pagaangal ko.
She shrugged, chuckling. "I was just saying na remember ganyan din ako kay Edward nun, pakipot sa simula bibigay din naman pala."
May point nga naman siya.
"Pero ‘di naman ako nag papakipot nu, iniisip ko lang na baka masira yung alam mo na, friendship namin."
"Ganyan din inisip ko noon sa’min ni Edward, barkada siya at alam niya ang mga secrets ko, pero tignan mo mauuwi na kami ngayon sa kasalan. Alam mo mas masaya kung ‘di ka mag iisip at hayaan ang destiny na ang humusga."
"Wow! Sa’yo ba talaga nanggagaling ‘yang advice na ‘yan?" I joke.
She laughed. "Dala siguro ng antok."
"Ma'am, ito na po yung coffee n’yo." Pagsisingit sa usapan namin nung waiter.
"Salamat." I nicely said. Ngiti lang ang sagot niya.
"Sabihin mo nga pregy ka ba?" Tanong ko ng pagkaalis nung waiter.
"Ha?" Gulat niyang tanong.
"Preg-"
"Alam mo ko narinig ko! Hi-hindi nu!" Ah... akala ko ‘di niya narinig eh, uulitin ko pa naman sana.
"Sure ka ba? Nag PT ka na?"
She shakes his head. "Shocks! Ngayong nabangit mo ‘yan, delayed na pala ako." She bites her lower lip, thinking deeply. "Oh my God!" She added as she stand.
"What?" I asked.
"Mamaya ka na mag coffee, samahan mo muna ‘ko!" Dali dali niyang sinarado yung laptop niya at inilagay sa mga folder yung paper works niya. "Hintayin mo ‘ko dito!" Pagkasabi niya nun, naglakad na siya papunta sa siguro maliit niyang office dito sa Cafe.
Sinunod ko nalang siya, nag hintay ako kung saan kami nakaupo. Saan kaya kami pupunta at nagpapasama siya? Baka mag papacheck up na? Aba! Mukhang magkakaroon na nga ‘ko ng inaanak ah. Bigla tuloy akong na excite. Tama nga ang desisyon kong pumunta dito nawawala ang pag iisip ko sa pakikipag balikan ni Liam.
"Let's go?" Kara asked. I just nodded my head to her. Nag simula na kaming mag lakad palabas ng Cafe at dumiretso sa kotse niya.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ng makasakay kaming pareho.
"Magpapa check up, saan pa ba?"
"’Di ba dapat si Edward ang kasama mo nito, hindi ako?"
"Alam mo kung confirm ngang buntis ako, gusto ko siyang i-surprise." Laking ngiti niyang sabi.
I grin at her. "Okay."
Sinimulan na namin ang byahe para mag pa check up, siya ang nagmamaneho kasi kotse naman niya gamit namin. Halata sa mukha niya ang excitement kaya ‘di ko maiwasang ma-excite din. Hmmm... ano kayang gender? Malalaman na kaya yun ngayon?
Nakarating kami ng hospital inabot ata kami ng isang oras sa byahe dahil sa traffic. Pero kahit nasa hospital na kami, ‘di parin kami nakakapag pa check up kasi walk in lang naman kami hindi tulad nung iba na nag pa schedule kaya no choice kundi mag hintay.
Hanggang finally, si Kara naman na ang tinawag nung nurse para i-check up ni Doc. Sinamahan ko si Kara at ‘di ko alam kung bakit pati ako kinakabahan, samantalang ‘di naman ako yung mag papacheck up.
Nang makapasok kami, nag simula na ang Doctor na mag tanong kay Kara. Kung kailan pa siya delayed at kung ano ano pa. Sa mga sagot daw ni Kara buntis nga ito pero mas maganda na daw ang sigurado kaya nag pa ultrasound nadin siya.
So, habang nakahiga si Kara sa isang maliit na kama ako nakatayo lang sa gilid, moral support kumbaga.
"Well, congratulations Ms. Kara, you're pregnant." OH MY GOD!!!!! "Naririnig mo ba yung parang beat?" Tanong ni Doc.
"Yes."
"Yun ang heartbeat ng bata." OH MY GOD!! Hindi ko maialis ang tingin ko do’n sa screen na black and white lang naman ang nakikita ni ‘di ko nga maintindihan yun eh. Pero paniguradong yun yung inaanak ko.
Tumingin ako kay Kara na lumuha na. "Hey, why are you crying?" I asked.
"I'm just happy, thank you dahil ginulo mo ‘ko sa Cafe kundi hindi ko pa ‘to malalaman." She said wiping her tears.
"Welcome." I suddenly heard my phone ring. "Uh... sorry." I quickly apologized sa Doctor. Lumabas na muna ko do’n sa kwarto at sinagot yung tawag ni Calvin.
"Hello?" Pabulong kong sinagot yung tawag.
"Bakit parang bumubulong ka?"
"Wala! Bakit ka ba napatawag?"
"Nasa Apartment mo ‘ko ngayon, sabi ko ‘di ba babalik ako?" Oh! Oo nga pala.
"Okay, mahihintay mo ba ko dyan? Baka matagal pa ‘ko ng kunti sa pag uwi."
"Bakit nasaan ka ba?
"Basta!"
"Okay, hihintayin kita."