Nakarating kami ng Apartment ko. Si Calvin ang unang bumaba para buhating si Stephen dahil ‘di ako maka kilos sa himbing ng tulog niya. Pagka karga niya sa anak ko bumaba naman agad ako ng kotse at sinara yung pinto. Naglakad kami papuntang pinto ng Apartment at binuksan ko’ to para sa kanila. Sa pag pasok namin, diniretso ni Calvin si Stephen sa kwarto nito habang ako nakasunod lang sakanila. Nang maihiga niya sa kama si Stephen, tinangal ko lang sapatos nito ‘tsaka ko siya kinumatan. Hinalikan ko muna siya sa forehead niya bago kami lumabas ni Calvin sa kwarto niya. Dumiretso ako sa kaming dalawa sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Kumuha ako ng dalawang baso para sa’ming dalawa at nilagyan ‘to ng tubig ‘tsaka ko inabot sa kanya. "Plano mo bang sabihin

