We are now heading to Mall, hindi maitago ni Stephen ang excitement niya dahil may pakanta kanta pa siya habang nakaupo sa backseat. Itong si Calvin naman, ginagatungan at sinasabayan pa akala mo magaling kumanta. Haha! So ako, nakikinig nalang sa kanila kahit na ang totoo sumasakit na ang tenga ko dahil dahil sa pagkanta nila. Pero syempre dahil mahal ko sila suportahan ko nalang kung saan sila masaya. Haha. Hanggang finally makarating kami sa Mall, pinark lang ni Calvin yung kotse ‘tsaka kami bumaba. Hinawakan ko lang sa kamay si Stephen mahirap na baka maligaw pa siya. "Pasok na tayo?" Calvin asked. "Sige." Pagsangayon ko. "Stephen, gusto mong magpakarga kay Tito Calvin?" Calvin asked my son. Bumitaw si Stephen sa pagkakahawak ko sa kanya at ‘di nag dalawang

