Nang dumating ang break time… "Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Patty sa’kin habang kinukuha niya yung wallet at cellphone niya. "I don't know." "What do you mean you don't know? ‘Di ka ba nagugutom?" Kunot noo niyang tanong. "Nagugutom." "Yun naman pala eh. Tumayo ka na dyan!" Hinawakan niya ‘ko sa kamay at hinila na palabas ng office. Haay! Baka makita ko nito si Calvin eh, baka nagkalat lang siya sa buong resort kaya paniguradong magkikita at magkikita kami. "Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong niya. Umiling nalang ako. Sa totoo lang windang pa din ako sa ideang nahanap na nga ako ni Calvin. Baka sunod naman nito si Liam ang makakita sa’kin. Diyos ko, ito na nga ba ang kinatatakutan ko eh. Baka magulo ang tahimik naming buhay ng anak ko.

