Natapos ang working hour na feeling ko pagod na pagod ako sa ‘di ko malamang dahilan. Ay teka, alam ko pala. Dahil ‘to kay Calvin! Dahil ‘to sa nag pakita siya sa’kin! At gusto pa niyang mag stay sa bahay ko habang nandito siya. Kaloka talaga siya! Hindi na naman siya nagiisip! Urgh! Gusto ko ng umuwi at yakapin ang stress reliever kong anak. "Ngayon lang kita nakitang pagod na pagod ng ganyan." Patty comments. "Sinabi mo pa." Tumayo na ‘ko at sinimulan na namin lumabas ng office. "Tingin mo magpapakita ulit sa’yo yung ex mo bago ka umuwi?" Tanong niya. "Sana hindi!" Sana talaga! Nang makarating kami ng parking, thank god at walang Calvin kaming nakita nung on the way kami dito. Buti naman siguro tulog yun ngayon sa kwarto niya, pero maaga pa para matulog.

