Kinapa ko ang phone ko na kanina pang tumutunog. Mabigat ang katawan ko kaya nahirapan pa akong sagutin ang tawag. "What?" Tanong ko kay Rese na tumatawag. Naiinis ako dahil kakaunti pa ang tulog ko. "Uuwi ka mamaya after work?" Tanong niya at umungol ako habang tumatayo. Alas siyete pa lang at sobra pa ring masakit ang ulo ko. Ngumiwi ako habang kumukuha ng tubig sa kitchen. Nag toast na rin ako ng loaf at nagsalin ng gatas. "Bakit? Ano bang meron?" Kinagat ko na ang tinapay at umupo sa dining. Maliit ngunit malinis ang aking bahay. Tama lamang ito para sa dalawang tao at malapad ang yard nito. Malayo din ito sa city ngunit malapit sa hospital. "Birthday ni King! Umuwi ka at hinahanap ka ng nga magulang natin. Last two months ka pa

