Nagrarounds ako nang magkasalubong kami ni Martha. Pawisan siya at nakakunot noo ng makita ako. "Gosh, Thyrene! Di mo man lang kami binalaan na sobrang sungit pala ni Rykel." Reklamo niya. "Huh?" Tinuro niya ang kanyang opisina niya. "Pumunta ba naman sa internal medicine para mag-inspect! Kaloka. Natakot tuloy mga nurses ko." Nag-surprise na naman siya? Talaga bang wala siyang tiwala sa aming mga staffs? Umiling ako. "Huwag kang mag-alala. Di kayo nag-iisa. Kahapon nga ay nasabon ako sa emergency room." Nagpaalam din siya dahil marami daw naka-appointment sa kanya ngayon. Pumunta na rin naman ako sa emergency para sa aking duty. "Good morning, Doc!" Bati ni Irish na inaayos ang mga blood samples na ipapasuri niya. "Good morn

