Unti-unting nagmulat ang mga mata ko sa ingay na lumulukbo sa aking tainga. Pumapasok iyon maging sa panaginip ko.
"A-aah..." pagdaing ko nang muling mabuhay ang sarili habang pinapalibot ang tingin sa paligid. Kaagad na nangulubot ang noo ko sa isiping...
Nasa kusina ako?
Gamit ang isang kamay ay sinapo ko ang ulo dahil sa sakit na bumalatay rito. Nakahiga pa rin ako sa sahig ng kusina at hindi man lang mabangon ang sarili. Ngunit halos mamutla ang buong pagkatao ko nang makitang may kutsilyong nakabaon sa dibdib ko.
"Oh! No! No no! Kyaaahh!"
Nabalot ako ng takot at panginginig habang pinagmamasdan ang kutsilyong nakabaon sa akin.
Hindi! hindi pwede!
Ahh!! Mamatay na ba 'kooo?! Patay na ba 'ko?!
B-bakit may nakabaong kutsilyo sa akin?!
Bakit may kutsilyo sa akin?!
Sino sumaksak sa akinnn?!
B-bakit may kutsil--
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang bumalik ang aking alaala kung bakit ako nasa kusina ngayon at kung bakit may kutsilyong nakabaon sa akin. Nagpa-echo-echo ang boses ng nilalang sa utak ko na wari'y naglalaro doon.
'I'm dead.... And yeah, still handsome to be a ghost'
'I'm dead.'
'still handsome'
'ghost.'
"KYAHHH!!" sobrang lakas ng tili ko na para akong mapuputulan ng isang ugat sa leeg.
Sobrang panginginig ng katawan ko gayundin ang lamig na bumalot sa pagkatao ko. Walang anu-ano'y napabalikwas ako ng bangon at ngayon ay nakaupo na 'ko.
Laking gulat ko nang malaglag ang kutsilyong kaninang nakabaon sa dibdib ko-------ooh wait!
Wait a minute!
Kinapa-kapa ko ang sarili at nanlaki ang mga mata ko ng wala namang dugo ang lumalabas sa katawan ko. Wala rin namang kahit anong sugat o gasgas sa katawan ko. Saka ko lang napagtanto na hindi pala sa dibdib ko nakabaon ang kutsilyo...
TANGENA!
NAKAIPIT LANG IYON SA KILI-KILI KO!
""Inaaniyahan ang lahat na manatili sa kani-kanilang tahanan habang isinasagawa na ang Home Quarantine.""
Muling nanlamig ang katawan ko nang makarinig ng ingay at boses. Galing iyon sa telebisyon, nasisiguro ko. Parang tinig ng isang babaeng nagrereport ng balita.
Nanginginig ang mga tuhod ko na pinilit kong makatayo at dinampot muli ang kutsilyo. Dahan-dahan, na walang maririnig na yakap, ako'y naglakad papalabas ng kusina at dahan-dahan ding sumilip sa sala.
""Tinatawagan ang kooperasyon ng lahat upang mapanatili ang ating kaligtasan. Hindi magtatagal at malalagpasan din natin ang pagsubok na ito. Tayo'y manalangin at humingi ng tulong sa poong may kapal...""
"That's bullshit!"
Napaawang ang bibig ko sa gulat at dali-daling tinakpan ang sariling bunganga bago pa man ako marinig ng lalaki.
Palihim akong nagtatago sa likod ng malaking plastic na halaman sa sala. Ninakaw ko pa iyon sa labas ng bahay ni manang Eldren para may desenyo ang bahay ko. Mabuti naman ay may dulot iyon. Habang pinagmamasdan ang lalaki ay mas lumalakas ang kabang nararamdaman ko at humihigpit ang hawak ko sa kutsilyo.
"Oh f**k! I can't touch the remote again! Damn it!" pagmumura niya pa.
Natatakot ako ngunit may pagtatanong sa isipan ko. B-bakit nagmumura ang multo? S-saka....k-kung multo nga talaga siya.... B-bakit ko siya n-nakikita?! E-eh wala naman akong third eye ahh!
"Where's that woman? Enjoying her beauty rest? Geez..."
Oh no! Hinahanap niya ako!
Nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan maging ang balahibo ko sa baba nang tumayo siya at dahan-dahang humarap.
Kitang-kita kong maputi ngunit maputla niyang mukha. Nakapurong itim ang soot niya. Itim na damit at itim na pantalon. May pagka-makapal din ang buhok niya at gulo-gulo ito.
Hindi ako gumalaw sa likod ng halaman. Humakbang ang paa niya ngunit parang hindi iyon dumidikit sa sahig dahilan upang magmukhang lumulutang lang siya. Napalunok ako at nanginginig na ang kamay ko habang hawak ang kutsilyo.
Pinakatitigan ko ang pintuan palabas ng silid na ito habang hinihintay ang nilalang na makapasok sa loob ng kusina. Umalingasaw ang amoy ng kandila ngunit nawala agad iyon nang makapasok na siya ng kusina.
Hetoooo na!
Chance ko na para makaalisss!!!
Akmang lalabas na ako sa likod ng halaman at sana ay tatakbo papalabas ng pintuan nang bigla akong manginig nang marinig ang lakas ng pagsigaw niya.
"WHERE'S THAT WOMAN?!"
"Hwaahh!!"
Hindi ko napigilang mapasigaw sa takot at kabang nararamdaman. Maluha-luha kong tinulak ang malaking halaman sa harapan ko sahilan upang matumba iyon at mas mabilis pa sa kidlat na nakalipad ako patungong pintuan.
Pinihit ko ang door knob ng ilang beses ngunit matigas iyon at hindi mabuksan ang pinto. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ang tatlong sunod-sunod na padlock ang nakalagay sa pintuan na ako mismo ang gumawa dahil sa takot na baka may makapasok sa silid ko.
Tangena!!
Lord, makasalanan akong tao! Pero sana! Pleas iligtas niyo ako!
Hwaahh!!!
"Hey! Woman! Geez, I thought you're gone! So many tanods outside, don't let them catch you or else---"
Boses pa lang niya ang narinig ko dahil nakatalikod ako ngunit bigla na lang dumilim ang paligid ko at naramdaman ko na naman ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig.
-
'Huwaaaaaahhh! waaaaah!'
'Hey, cute little kid! Why are you crying?'
'P-po? Kuya h-hindi ko po kayo maintindihan...'
'Pfftt! I mean... Bakit ka umiiyak? May nang-away ba sa'yo? Ituro mo kung sino at reresbakan 'ko. Masamang paiyakin ang cute na batang tulad mo.'
'Eh... h-hindi po ako cute, kuya. S-sabi nga nila ang panget ko daw... T-tapos bungi pa 'ko... Tangenaaa---'
'Shh! Alam mo ba na masamang magmura? Ang bata-bata mo pa tapos cute ka sana, pero nagsasabi ka ng bad words! Bad iyon!'
'Psh! N-narinig nga kita kuya eh... Nagmura ka... Sabi mo 'oh pak' 'pakshet'... K-kala mo po ah!'
'Umm... Pero bad iyon!'
'Bad ka? Kasi nagmukura ka kuya!'
'Hayssstt... Hindi ako bad, I'm a handsome good boy.'
'Psh! Tangena ang hangin---'
'Hey! Bad! Wag sabing magmura eh! Kaya ka lalong nabubungi! Haysst! Tumayo ka na nga diyan, ayoko pa naman sa batang lalampa-lampa.'
'S-sige po! Tatayo na!'
-
NAGMULAT ang mga mata ko pagkatapos nang mahaba-habang panaginip ko.
"A-aahh... Ansakit!" sinapo ko ang ulo kasabay nang pilit kong pagtayo sa sarili. Nakaupo na ako sa sahig habang pinapalibot ang tingin sa paligid.
Nasa sala ako ngayon. Nakabukas ang tv at yung paso ng halaman ay nakatumba. Parang binagyo ang bahay dahil wala rin sa ayos ang sofa.
Pinilit kong makatayo at hindi ako nabigong gawin iyon. Nakaisang hakbang pa lang ako nang matapakan ko ang kutsilyo sa sahig.
"Psh!" sinipa ko iyon. Napahikab pa ako at kumamot-kamot sa tiyan.
Hinayaan kong nakabukas ang tv at pumasok sa loob ng kwarto. Inilabas ko ang maleta sa ilalim ng kama at pinatong iyon sa ibabaw ng kama. Binuksan ko ang cabinet sa tabi niyon at pinagkukuha ang mga damit ko.
Mula sa hunos, dinampot ko ng mabilisan ang mga panty at bra ko. Kasunod ang mga pambahay kong damit. Kinuha ko ang malaking backpack sa taas ng cabinet at pinasok doon ang mga importante kong gamit gaya ng laptop at ibang gadgets. Kinuha ko rin ang bag ng gitara ko at ready to go na.
Pero bago ang lahat ay nagtungo muna ako sa kusina at kinuha lahat ng mga pagkain doon na pina-grocery-han ko. Ang dami niyon. Mukhang hindi na kakasya sa---
"Haven't you heard the news?"
Amoy kandila....
Kandilaaa!
No! Tama na Maya! Kumalma ka! Kumalma ka!
Napatigil ako sa pagkuha ng mga pagkain at dumampot ako ng bagong kutsilyo sa lagyanan. Huminga ako ng malalim saka humarap sa aking likuran.
Napalunok ako ng ilang beses nang makita na naman ang lalaki na nakasandal sa pader at nakapang-pulupot pa ang dalawang braso.
Namumutla ako alam ko iyon at ramdam na ramdam ko ang takot ko. Nanginginig nga ang kamay ko sa kutsilyong hawak pero nagawa ko pang magsalita ng paos.
"A-Ano bang kailangan mo sa akin?" unang tanong ko na nanginginig ang boses.
Nangulubot ang noo niya. "What? Well, I don't need anything from you. I have my pride, I don't need your help! Psh!" masungit niyang tugon.
Napaawang ang labi ko. M-ma pride na multoooo?!!
Napailing-iling na lang ako at nanginginig ang boses na nagsalita ulit. "S-sa-sabi mo patay ka na... S-sabi mo pa... multo ka na---"
"Gwapo! It's gwapong multo." napakayabang, napakahangin, super ipo-ipo niyang sambit. Pakiramdam ko ay tatangayin ako sa rumaragasang hangin tutal payatot lang ako.
Ehem! "K-kung ganon.... Ba-bakit...b-bakit ka nandito? Sa bahay ko,, wala ka namang kailangan di'ba? Makakaalis ka na---"
"What the? Ako ang nauna dito! This is my house! You're the one who should leave! But anyway... thank you for cleaning my house."
Mas umawang ang labi ko sa sinabi niya. Magwawala na sana ako kahit pa natatakot ako nang bigla ulit siyang nagsalita. "On second thought! You must stay here. You can see me. You can talk to me. I feel like I'm alive. I feel like I'm a human being."
Napalunok ako at ilang beses napakurap nang lumapit siya sa gawi ko. Tumagos siya sa lamesang nakaharang at ngayon ay nasa harapan ko na. Kaagad kong tinutok ang kutsilyo sa kaniya ngunit nginisihan niya lang iyon.
"Umalis ka! Alis!"
Ngunit sa halip ay ngumiti siya ng matamis. "I won't hurt you. I want you to stay."
"Besides, there's ECQ. So, you must stay or else you will pay." ngumiti ulit siya. "Do you have enough money?"
Wala sa sariling napailing ako. Ano bang nangyayari sa akin
"Good." mas lumawak ang ngiti niya. "You don't have a choice but to stay. Here with me... the two of us in this house." Sunod-sunod akong napalunok ng sariling laway. "Anyways.. I like your bangs."
Dear Guardian Angel,
Alam kong makasalanan akong tao. Nagnakaw na ako, nagawa kong mang scam, nagawa ko ring makapatay ng sisiw. Pero sana, sana narito ka pa rin para gabayan ako. O baka naman ito na ba ang kaparusahan ko? Ang makasama ang multo sa bahay na 'to?