Kabanata 3

2352 Words
"Manang! Please! Wala na bang ibang kwarto dito? Please, manang!" nakikiusap kong sinabi kay manang Eldren. Umiling si manang Eldren. "Ineng, wala nang espasyo sa apartment na 'to. Iyong tanging natira ay ang sa'yo. Hindi ko nga iyon dapat pinaupahan dahil alam kong may nagpaparamdam doon. Pero mukhang kailangan mo na ng matitirhan. Kung hindi mo kayang mag-stay sa silid na iyon, umalis ka na lang at ibabalik ko ang perang binayad mo." Maluha-luha akong tiningnan siya. "Wala na ho akong ibang mapupuntahan! Hindi niyo ba narinig ang balita? Nag-lockdown na at hindi na ako makakaluwas sa Maynila!" Nagkibit-balikat si manang. "Wala ka ring pera kapag nahuli ka ng tanod. Alam mo ba kung magkano ang multa?" "Magkano ho?" "Dito, limang libo 'pag nahuli ka. Ano, aalis ka o titiisin mo na lang hanggang matapos ang lockdown?" Halos bumagsak ako sa sahig dahil sa sinabi niya. Nag-aalala na nga ako sa makakain ko, nag-aalala pa ako kung ano ang magiging kalagayan ko. Paano kung saktan ako ng multong iyon? Paano kung sa susunod ay saksakin niya na talaga ako at hindi na sa kili-kili? Tumayo si manang at tinapik ang balikat ko. "Wag kang mag-alala. May isang tao dito sa apartment na tumutugis sa mga masasamang espiritu. Bukas na bukas, papaakyatin ko siya sa kwarto mo at papaalisin ang nagpaparamdam doon." Nagliwanag ang mukha ko at parang bumalik ang pag-asa ko. Masaya akong tumayo mula sa kinauupuan ng kwarto nina manang at mabilis na niyakap siya. "Thank you, manang!" humiwalay ako na may malaking ngiti. Tinarayan ako ni manang saka hinawi ang kamay niya. "Sige na, umalis ka na!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nandito kasi ako sa silid niya at ang buong akala ko ay hahayaan niya akong dito muna pansamantala, pero mali ata ako ng akala. Muling bumagsak ang balikat ko. "Manang, nandoon pa iyon sa kwarto ko! Baka kung anong mangyari sa akin doon! Baka saktan niya ako! Please, dito muna ako sa silid mo—" "Pasensya na iha, kailangan pa rin natin ng social distancing." "Manang naman!" pagmamaktol ko. Nagpakawala siya ng marahas na hininga at bigla akong tinulak palabas ng pintuan ng silid niya. Nagpupumiglas pa ako ngunit wala akong magawa dahil mataba siya at payatot lang ako. Nang matulak niya ako sa pintuan, biglaan niyang sinarado iyon. Nagkakatok pa ako doon ngunit hindi talaga niya ako pinagbuksan kahit anong pagwawala ko sa labas ng silid niya. "Manang naman!" pagngawa ko sa labas. Walang may pakialam sa akin dito sa apartment na 'to at lahat halos ay nakasarado ang pintuan. Dahil ba 'to sa social distancing? Halos manigas ako sa kinatatayuan nang biglang mamatay ang isang bulb ng ilaw sa kanang bahagi ng floor. Nanlalaki ang mga mata ko nang sumunod na mamatay ang kasunod niyang ilaw. Papalapit ng papalapit sa akin ang dilim hanggang sa isa na lang ang natitira kung saan ako nakatayo. Nalunok ko na ata ang lahat ng laway ko sa lalamunan at nanlamig lahat ng paligid ko dahil sa kilabot na nararamdaman. Wala akong ingay na naririnig kundi ang lakas ng pintig ng puso ko. Isang ilaw na lang natitira... Nagawa kong liparin ang hagdanan papuntang second floor at halos isahin kong hakbang ang bawat taas ng hagdanan. Lumingon ako sa ibaba sa first floor at napakadilim na ng paligid doon. Wala kang kahit anong makikita. Nang makatungtong ako sa second floor, akmang liliparin ko ang hagdanan nang bigla na lang mamatay lahat ng ilaw at sabay-sabay iyong nagpatay-sindi. Mula ulo hanggang paa ang panginginig ko nang may boses akong narinig. Boses ng isang batang babae! "Rain, rain, go away... Come again another day..." Napasubsob ako sa sahig nang mapatid ako sa isang pulang manika. Muli akong napatingin sa batang babae at papalapit ng papalapit ang lakad nito sa akin habang kumakanta. May batang babaeng naglalakad at halos basang-basa ang katawan niya. Naririnig ko ang pagpatak ng tubig galing sa suot niyang pulang daster. Pumikit ako. Pinikit ko ang mga mata ko ngunit bigla na lang may humawak sa pisngi ko! Wala sa sariling dumilat ang mga mata ko na para bang pinipilit ang sarili ko na makita ang batang babae sa harapan ko. Nakakatakot ang ngiti niya. "Ate, ate... laro tayo sa ulan, pero walang lunuran." Napatigil ako sa malakas na pagtili nang bigla na lang may humila sa batang babae at malakas na tumilapon iyon sa pader. Kasabay niyon ay ang paglaho niya na parang buhangin lamang. Napatigil ang pagpatay-sindi ng ilaw at lumiwanag ang buong paligid. Nanginginig ang kamay ko nang makitang kumalma ang lahat. Nawala ang batang babae sa di malamang dahilan o baka naman... "Are you okay?!" Dug-dug-dug... "Are you hurt? Did that little kid hurt you?" Dug-dug-dug... "Woman! Wake up! You're shocked! s**t!" Nanlalambot ang katawan ko habang tinitingala ang lalaking gumugulo sa silid ko. Ang lalaking multo na laging nagmumura tuwing kaharap ako. Nakaupo siya sa akin ngunit bahagyang malayo ang pwesto niya. Nakababa ang tingin niya sa akin habang ako ay tinitingala siya. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya at hindi natatahimik ang puso ko sa takot at kilabot na nararamdaman. "Woman... Tell me you're okay—" *PAAAAAK* "Lumayas ka! Masamang espiritu! Layas!" Nanlaki ang mga mata ko nang may isang matandang lalaki ang may hawak na stick at pinaghahampas iyon sa likuran ng lalaking multo. Bakas ang gulat sa mukha niya habang sinasalag ang palo ng matandang lalaki. "Aaahh! f**k!" daing ng multong lalaki na tumilapon sa pader. Hawak hawak niya ang isang braso na hinampas ng matandang lalaki. "Lumayas ka!" sigaw nito at akmang hahampasin niya ang lalaki nang kaagad itong maglaho na parang bula. Halos lumuwa ang mata ko sa nasaksihan at hindi man lang nakagalaw sa kinalalagyan. Lumapit ang matandang lalaki sa pwesto ko at biglang hinila ang braso ko pataas dahilan upang mapatayo ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko na inalalayan niya ako. "Iha? Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba ng masamang espiritu na 'yon?" pagtatanong niya. Nanginginig ang boses ko ngunit nagawa ko pa ring makapagsalita. "M-masamang espiritu?" Tumango-tango siya. "Isa ako sa mga nagpapalayas ng mga engkanto at multo. Masamang kaluluwa ang isang iyon! Sinaktan ka ba niya?" "H-ho?!" gulantang kong tanong kahit na nangingibabaw ang kaba at takot na nararamdaman ko. Sino ba namang hindi matatakot sa batang babaeng nagpakita sa akin kanina? Pero... Yung lalaki kanina... Nasisiguro kong hindi siya masamang kaluluwa... "Mag-ingat ka, iha... Manatili ka na lang sa silid mo dahil hindi lang coronavirus ang nakakatakot sa mundong ito..." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Narito pa rin ang panginginig ng katawan ko at panlalambot ng puso ko. Pero gumagana pa rin ang isip ko at nasisiguro kong hindi masama ang lalaking iyon na niligtas ako mula sa batang babae na iyon. Pero... multo pa rin siya! NAGDADALAWANG isip akong pumasok ngayon sa silid ko. Pinakatitigan ko lamang ang door knob na kinakalawang habang iniisip kung tutuloy ba ako o hindi. Kung tutuloy ako, makikita ko ang lalaking kinakatakutan ko. May tsansa na himatayin ulit ako ng ilang beses. Pero kung hindi naman ako tutuloy, saan na lang ako matutulog nito?! Saka, sayang yung binayad ko para rentahan ang silid na to!!! Bumuntong hininga ako saka lakas loob na hinawakan ang door knorb. Parang may kuryenteng dumaloy mula doon patungo sa kamay ko at tumagos sa kadulu-duluhan ng libag ko. "Okay! It's time! Haharapin kita! Hindi na ako hihimatayin!" malakas kong binuksan ang pintuan at sinipa iyon upang bumuka ng malaki. *BOOGSSSHHH* Nanlaki ang mga mata ko ng bumungad sa akin ang lalaking multo na nakahilata sa sahig ng silid ko. N-nanghihina siya..... Kita ko ang sakit na bumabalatay sa mukha niya habang sapo-sapo ang gilid ng kaniyang braso. For the first time..... Wala akong takot na naramdaman. Kundi pagkahabag sa kaniya. Dahan-dahan akong pumasok sa loob na hindi man lang niya naalintana. Sinarado ko ang pintuan at nilock iyon na kinatigil niya. Napabalikwas siya ng upo at gulat na tumingin sa akin. Ganoon pa rin ang itsura niya, maputla ngunit..... G-gwapo siya... "W-woman." utal niyang sambit. Dahan-dahan akong naglakad ako papalapit sa kaniya at nahihiyang umupo sa tabi niya. Wala akong takot na nararamdaman ngunit nanlalamig naman ang kamay ko. Nakagat ko ang ibabang labi at nagsalita nang hindi siya tinitingnan. "S-salamat..." Oo, hindi naman kasi ako tanga-tanga para hindi mapagtantong niligtas niya ang buhay ko kanina at kailangan kong magpasalamat man lang bilang kapalit. Ayokong makipaglaro sa batang iyon noh! "I told you to stay here... I won't hurt you." tugon niya na kinagulat ko. Napailing-iling ako bago pa lumitang ang isip ko. "Paano ba kasi ako mananatili dito? Eh natatakot ako sa'yo!" tiningnan ko siya at kaagad akong napalunok nang makitang lumapit ang mukha niya sa akin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin. "L-lumayo ka nga!" tangena kinikilabutan ako! "Am I scary? I believed I'm not! I am a handsome ghost--- how can you be afraid of me? Look at me, woman! I'm handsome!" napakayabang, napakahangin, at ipo-ipo siyang sambit. Walang emosyon ko siyang tiningnan. Ngunit unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang sobrang lapit ng mukha niya sa akin na halos maduling na ako. Ngumiti siya at lumabas ang biloy sa isang pisngi niya. Sa sobrang gulat na naramdaman ko ay kaagad na tumama ang kamao ko sa pisngi niya, malakas ko siyang sinapak. "Oh f**k!" daing niya nang sumubsob ang mukha niya sa sahig. "Yan kasi eh! Ang hangin mo! Nasapak tuloy kita!" malakas kong bulyaw. Nanng makabangon siya at bumalik ng upo sa pwesto kanina ay nanlalaki ang mga mata niyang tinitigan ako. Napaawang ang labi niya na kinakunot ng noo ko. Gulat na gulat ang bumabakas sa mukha niya. "A-anong nangyari sa'yo?" takang tanong ko. Napatakip siya ng bibig. "O-oh woman! F-f**k!" sambit niya pa at walang anu-ano'y sinapo ang mukha ko na kinataas ng balahibo ko. Nanigas ako sa kinauupuan at hindi makagalaw habang siya ay nanlalaki ang mga matang hinahawakan ang pisngi ko at pinipisil iyon. "Oh f**k! f**k! s**t!" kinapa-kapa niya ang kabuuan ng mukha ko. Pataas sa buhok ko at sinabunutan iyon. "Oh! So silky hair!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya lalo na't ang sunod niyang hinawakan ay ang tenga ko, leeg ko at.... "Oooh! So soft!" DEDE KOOOOOO!!!! PINISIL PA NG LOKOOOOOO!!! "Softtt! It's true that women's breasts are soft----" *PAAAAAAAAKKKKK* "Tangenaaaa mooo multooo!" malakas kong bulyaw pagkatapos ko siyang sapakin na kinatilapon niya ulit sa sahig. Napabalikwas ako ng tayo at niyakao ang sarili ko. "HINAWAKAN MO DEDE KOOOOO!!! MANYAK KA! MANYAKKKK!!!! MULTO NA'T LAHAT-LAHAT MANYAK PA RINNN!!!!! KYAAAAAHHHHH!!!!" Para siyang lumutang nang biglaang tumayo at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin kasabay nang pagsabunot niya sa sariling buhok. "W-woman! Y-you can t-touch me! You can touch me! f**k! Woman! I can touch you too! s**t! You really are miracle! Shiitttt!!!" nagtatalon siya sa tuwa na parang bata. Nangunot ang noo ko at napaintag sa gulat nang lumapit siya sa gawi ko at...... NIYAKAP NIYA 'KOOO!!!! "I knew you it! There's something strange about you, woman! s**t! I won't let you go! I need you here!" TANGENAAAAAAAAAAAAA!!! Malakas ko siyang tinulak papalayo sa akin at hinampas ang braso niya dahilan upang mapasigaw siya sa sakit. "f**k!!! It hurts! Ahh! That old man did this to me!" dumilim ang mukha niya habang sapo-sapo ang braso niya. "I'm not a bad spirit! I'm a good, handsome one!" "Ang hangin mo kasing multo ka! Pweee! Hindi ko nga alam kung bakit ako nakikipag-usap sa'yo!" nagpamaywang ako at tinaasan aiya ng kilay. "Bukas na bukas, say byebye na! Papaalisin na kita sa bahay na 'to! May pupuntang tagapagtugis ng multo kaya ngayon pa lang, mag papaalam na 'ko sa'yo. Goodbye mr. Ghost." ngumisi ako ng masama na kinalaki ng mata niya. Lumapit siya sa akin at mahigpit na humawak sa dalawang kamay ko na kinataas ng balahibo ko. Naaamoy ko ang kandilang amoy niya. Pweee! "Y-You can't do this to me, woman! I am the owner of this house! You can't just abandon me! I spent ten years roaming around in this apartment!" lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at mukhang nagdadamdam siya. "I'm all alone here. I'm lonely! If you abandon me, where am I supposed to go? I'm lost...pleaseee.... let me stay." Ilang beses akong napakurap sa sinabi niya. Nakikita ko ang takot sa mukha niya. Napalunok ako at akmang magsasalita nang may kumatok sa pintuan ng silid ko. *KNOCK*KNOCK*KNOCK* "IHA! PAPASUKIN MO 'KO, NANDIYAAN ANG MASAMANG ESPIRITO!" B-boses iyon ng matandang lalaki kanina! Ooohhhhh! "D-don't! Please don't! Don't open!" takot na takot na sambit ng multo. Naawa tuloy akkooooo! Pero hindi! Binuksan ko ang pintuan ngunit baghagya lamang. Nagtatago sa likod ng pintuan ang multo sa katabi ko. Umiiling-iling ito at hinablot ang isang kamay ko na kinataas ng balahibo ko. May binulong siya at iyon ay 'don't.' "Iha!" naagaw ang atensyon ko sa sigaw ng matandang lalaki sa labas ng pintuan ko. "H-ho?" utal kong tanong. Ramdam kong humigpit ang hawak ng multo sa kamay ko ngunit hindi ko ito tiningnan. Nagpumikit pumasok ang matanda."Papasukin mo 'ko! Naaamoy ko ang kandila sa loob ng silid na 'to! Papaalisin ko na siya ngayon din!!!" "Hindi!" malakas kong sigaw na kinatigil niya. Napatigil din ako aa sarili ko at nakagat ang sariling labi. "H-hindi ka maaaring pumasok." "At bakit?! Nandiyaan ang lalaking nanakit sa'yo kanina---" "Social distancing!" TANGENAAAANGGG PALUSOT YANNNNNN!!! "Anong sabi mo, iha?" Mariin akong napapikit at hindi makatingin sa kaniya. "S-sinabi na, h-huwag magdididikit sa kahit sino... M-may social distancing na, kaya umalis ka na tanda! Walang multo dito!" *BOGSHH* Malakas kong sinarado ang pinto at habol ang hininga na tumalikod doon pagkatapos i-lock. "T-thank you..." Napatingin ako sa multong lalaki na may ngiti sa labi. Umayos ako ng tayo at hinarap siya. "Umayos ka, at magiging ayos tayo sa isa't-isa. Wag kang magkakamali na kumilos ng masama ahh! Natatakot ako sa'yo pero kailangan ko ng bahay ngayon! Kaya para wala tayong gulo, makikisama na rin ako." "Yessss! Yeah right! Let's live together until--" "Until the quarantine ENDS." pagtatapos ko sa sasabihin niya. Nilahad niya ang kamay niya. "Deal!" "Deal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD