Kabanata 4

2107 Words
Nagising ako ng may muta sa mata at tumutulo ang laway sa aking unan. Kaagad ko silang pinunasan at nag stretch-stretch. Naupo ako sa kama at tumulala. Nakipag-agawan pa ako sa multo para lang sa kama na 'to. Ang kapal ng maputla niyang mukha para mahiga dito. Keso daw pagmamay-ari niya 'to blah blah! Ako naman ang nagbabayad nito at kung tutuusin ay pinalayas ko na siya dito nakaraang gabi. Hindi ko lang alam kung bakit pa ako nakipag deal sa kaniya! Lumipas ang dalawang araw na kasama ko ang multong ito. Pangatlong araw ngayon ng quarantine at syempre, narito lang ako sa bahay at hindi ako lumalabas. Bukod sa nakakakilabot sa labas ay mayroong mga tanod at wala pa akong quarantine pass. Narito naman na ang mga kailangan ko sa silid na ito eh. Mga pagkain, mga damit, at kung anu-ano pa. Hindi kami nagpapansinan ng multo at umaakto akong walang nakikita para maitago ang takot na nararamdaman ko. Kailangan ko lang namang makisama sa kaniya hanggang sa matapos ang quarantine na ito. Pagkatapos niyon, aalis na agad ako. Pero, kahit na hindi kami nagpapansinan. Na-cucurious ako sa buong pagkatao--este pagkamulto niya. Kung bakit niya ako nagagawang hawakan, samantalang yung remote control nga ay nahihirapan siyang mahawakan. Kung anong ginagawa niya dito. At kung paano siya naging multo. Curious na curious ako, gusto kong malaman nguniy ayokong magtanong sa kaniya. Saka, bukod sa kaniya, nacucurious din ako sa akin. Kung bakit ko siya nakikita. Kung bakit ko siya nahahawakan. At kung bakit kami nagkatagpo. "Hayst!" Tumayo ako mula sa higaan at naglakad papalabas sa maliit na silid na iyon. Napapakamot pa ako sa tiyan habang naglalakad at nang makapunta sa sala ay bumungad agad sa harapan ko si multo. Nakaupo at nakatulala sa tv. Nangunot bigla ang noo ko. "Pinagpahinga mo ba 'yang tv? Mahal na nga ang renta ko sa bahay na 'to, dadagdag pa ang kuryente dahil sa panonood mo!" nakapamaywang kong bulyaw. Ayos namang manood siya eh! Ang hindi ayos ay kapag nanood siya ay magdamagan na. Hindi siya nagpapahinga, pero sana pagpahingahin niya ang tv! Matamlay siyang tumingin sa akin. "Why do humans fell in love and able to sacrifice themselves just for someone they love?" english niyang tanong na kinaawang ng labi ko. "Umagang-umaga, ganyan ang tanong mo?" lumapit ako sa kaniya upang makita kung anong pinapanood niya. "Titanic??!" "Yes, it's so romantic, so emotional. I mean, really? They love though they just met?" gulong tanong niya at halatang nalilito siya. Napasabunot pa siya sa sariling buhok. "I didn't even get it! They kissed, they did something unexplainable! What is that?! It's disgusting!" T-tinutukoy niya ba yung gumagawa sila ng himala? Napailing-iling ako at kinuha ang remote saka pinatay ang tv na kinangiwi niya. "Woman! Why did you turn it off?! I'm watching!" Tinaliman ko siya ng tingin. "Kapag malaki ang bill na babayaran ko rito, susunugin ko na lang ang apartment na 'to at sisiguraduhin kong wala kang matitirhan!" banta ko na kinalunok niya. Inirapan ko siya at nagtungong kusina kung nasaan ang tabing banyo. Nagtungo ako do'n at nagtoothbrush habang nagpapa-cute sa salamin. Nang matapos ay nakaramdam ako ng pagka-ihi. Hinubad ko ang ibabang pajama at naupo sa inidoro ng banyo nang biglang----- "Woman? I can't touch the remote." "WAAAHH!!! BASTOS! LUMABAS KA DITO!! KYAAHHH!!" parang mapuputol na ang ugat ko sa leeg dahil sa lakas ng pagtili ko. Tangena! NAKASILIP SIYA SA PINTUAN NG BANYOOOO HABANG UMIIHI AKOOOOOOO!!! "What are you doing? Why are you sitting on that?!" nakakabaliw, nakakabwisit, nakakahiya niyang tanong habang lumalapit sa kinaroroonan ko! TANGENA!!! UMURONG IHI KO! Hindi ako nakagalaw sa kahihiyan sa inidoro. Nawala ang pagihi ko habang nakababa ang pambabang pajama ko. Mabuti na lang at mahaba ang damit ko't natatakpan ang hita ko. "UMALIS KA NGAYON DIN!" malakas kong sigaw na kinahinto niya sa paglalakad sa gilid ko. Nangunot ang noo niya at mukhang gulong-gulo sa nakikita niya. "What are you doing----" "TANGENAAAAA!!! LABASSSS!" "But, the remote! I want to watch tv!" Oh mahabaging lupa, kainin mo na lang ako sa kahihiyang itoooo!!! Maluha-luha akong napapikit. Humigpit ang hawak ko sa pajama ko. "T-talikod." usal ko. Mas nangunot ang noo niya. "What? Why?" "SABING TALIKOD!" malakas kong sigaw na umecho sa buong banyo. Umikot ang mga mata niya at biglang tumalikod. "Fine!" Mabilisan kong hinatak pataas ang ibabang pajama ko at tumayo sa kinauupuan mula sa inidoro. Galit akong naglakad papaharap sa kaniya at kaagad namang nagtama ang tingin naming dalawa. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw! Bakit ka pumapasok dito ng walang pahintulot!?! Napaka manyak mo!" galit kong sigaw habang tinuturo siya. Inosente niya akong tiningnan. "I don't know what you're talking about. I just wanted to watch tv, but I can't touch the remote, so if you don't mind? Can you open it for me?" puppy eyes niyang tugon na kinalaki ng pagkainis ko. "Arrrgghh! Nakakainis ka! Umiihi ako tapos pumasok ka?! Para ano?! Para lang diyan sa tv??! Sa susunod na gawin mo pa 'to, hinding-hindi ka na makakanood ng tv!" galit kong irap at lumabas sa banyo. Nagtungo ako sa lamesa at humawak sa dulo niyon. Kalma self.... Makikisama tayo dito! Kalma lang! Nagpakawala ako ng marahas na hininga at napabaling ang tingin sa kaniya na tumagos mula sa pader ng banyo. Bakas ang pagkalito sa mukha niya at mukhang hindi mawari kung anong ginawa niya. Tinaliman ko siya ng tingin na kinanguso niya habang lumalapit sa akin. "Woman? What did I do?" ngunot niyang tanong. Napailing-iling naman ako. "Pwede bang sa susunod, matuto kang kumatok." "I can't do that. I can only penetrate!" Seryoso ko siyang tiningnan. "Hindi ka ba makapagsalita ng tagalog kahit isang sentence lang!? Nakakaintindi ka naman eh, sure ako na nakakapagsalita ka ng straight filipino! Nasa pilipinas tayo haler!" Sumilay ang ngiti niya sa labi. "You should have told me! Syempre kaya ko! Ako pa ba? Huh!" may pagkamahangin niyang tugon. "'Yon naman pala eh! Pinapahirapan mo pa akong umintindi!" giit ko na kinangisi lang niya. Napailing-iling na lang ako at lumakad papunta sa maliit na ref. Naglabas ako ng isang itlog pang umagahan ko. Kailangang magtipid para sa susunod pang mga araw. "Are you goin' to cook again? Yess! Panoorin kita!" excited niyang sambit. Ganito tuwing magluluto ako ng kakainin ko. Pinapanood niya ako na parang na-aamaze siya. Hindi naman kasi siya makakakain. Kawaaang multo. Nang matapos akong magluto ay kumuha ako sa ng kaning bahaw saka nagsimulang kumain. Akmang susubo ako nang makitang titig na titig siya sa akin habang nakaupo rin sa tapat kong upuan. Ngumisi ako. "Gusto mo?" mapang-asar kong tanong na kinasimangot niya. "Does it taste good?" tanong niya. "Yep! Super!" sinubo ko ang nasa kutsara. "Hmmm! Chalap-chalap!" pagpapainggit ko sa kaniya kahit na ang totoong lasa ay sunog. PWEEEEE!!! May pagkasa-demonyo ang itlog na 'toooo!!! Sumubo ulit ako at tinaas-baba ang kilay ko na tumingin sa kaniya. "Hmmmm... Sarap talaga!" PWEEEE! BAKA MAGTAE AKO NITO! At bago pa ako makapagmura ng todo ay hininto ko na ang pagkain ko. Dali-dali akong uminom ng tubig. Ughh! Ito ang masarap! Tirik-mata akong umiinom ng tubig. Lasap na lasap ang sarap. Ngunit halos maibuga ko iyon nang makita ang multo na nakasilip sa pwetan ng baso. TANGENAA ANG LAKI NG MATA! "Aaccccckkk!!" daing ko pagkatapos maibuga ang iilang tubig sa bunganga ko. Salubong ang kilay na tumingin ako sa multo. "Ang laki ng mata mo sa baso, alam mo?! Tsk!" Ngiti siyang umayos sa pagkakaupo. "Woman---" "Maya." putol ko sa sasabihin niya. "Maya ang pangalan ko." ngumiti ako ng bahagya. Natigilan siya panandilan at bumuka ang bibig. "M-Maya..." pagsambit niya at tumango ako. "Ikaw?" baling kong tanong. "Anong pangalan mo, mr. Ghost?" Nanlaki ang mata niya at halatang natigilan sa tanong ko. Ilang beses siyang napakurap at ilang segundong walang imik. Nakatitig lang ito sa akin na wari'y naghahanap ng kasagutan doon. Pinatunog ko ang daliri ko. "Huy! Gising! Tulala ka!" sambit ko na kinabalik niya sa ulirat. Bumuka ang bibig niya ngunit walang salitang lumalabas. Napayuko siya at nanahimik. "I-I don't know what's my name." malungkot niyang usal. Natahimik rin ako bigla buhat ng pagkagulat. H-hindi niya alam ang pangalan niya? So sad. Nagpakawala ako ng hininga. "Cheer up, mr. Ghost!" sabi ko na kinanguso niya. "I don't remember my name.." malungot na aniya. Nakaramdam rin ako ng pagkahabag mula sa kaniya. Ang lungkot-lungkot kasi ng mukha niya. Natahimik rin ako at nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pero... dahil ayokong malungkot umagang-umaga. Nakaisip ako ng isang bagay kahit na wala akong isip. *Ting!* "Alam ko na!" masiglang sambit ko. Napatingin siya sa akin ng may pagtataka. "What?" ngunot niyang tanong. Ngumiti naman ako. "Habang hindi mo pa alam ang sarili mong pangalan, ako na lang ang magbibigay sa'yo niyon." Unti-unting nanlaki ang mga mata niya gayundin ang labi niya. "Really?!" Tumango-tango ako. "Yep!" Lumiwanag ang mukha niya at sumilay ang malaking ngiti sa mukha niya. "Yes!!! Thank you! Thank you!" Nanlaki ang mga mata ko nang tumagos siya sa lamesa para yumakap sa akin habang nakaupo ako. Nanigas ako sa kinauupuan at nanlamig ang paligid ko gayundin ang pananayo ng mga balahibo ko sa katawan pati ang nasa gitnang ibaba ko. "S-sige.. sige..." anlamig! Humiwalay siya sa yakap at bumalik sa upuan niya na tumagos rin. Ngiti niya akong tiningnan. "So! What's my name?" Natahimik ako at napapakamot sa ulo. "A-ahh..e-ehh.." Tangena! Ano bang ipapangalan ko rito? Wala akong isip para umabot sa pagiisip ng pangalan niya. Ngiti siyang naghihintay ng sagot ko. "Umm? What's my name, Maya?" pagtatanong niya with sambit sa pangalan ko. Nakagat ko ang ibabang labi. Ano? Ano na? Ano ba? Kyaaah! Wala kong maisip! Ang hirap talaga ng walang isip! Tumayo ako sa kinauupuan. "N-nakalimutan ko, may gagawin pa pala ako!" lusot ko pagkatapos ay tumakbo papuntang silid ko. Sinarado ko ang pintuan at naupo sa kama ko habang natulala. Kaagad ako nag isip ng mga pangalan... Pero wala! Naghahalo-halo ang mga pangalan sa utak ko. Hmmm? Ano kaya kung?.... Adeng? Badeng? Cardeng? Dadeng? "Aisssh! Wala 'kong maisip!" iritang sambit ko. Nakagat ko ang ibabang labi. Nakita ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan at kinuha ko iyon. Mag search kaya ako? Tama! Akmang mag-sesearch na ako sa google nang may biglang tumawag sa cellphone ko. *Vienna's Calling** Napangiti ako nang makita kung sino ang tumawag. Siya ang kaibigan ko simula kindergarten. Para na rin kaming magkapatid kung magturingan. Kaagad kong sinagot ang tawag. "Hello, Ven! Maayong buntag!" bungad ko. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Maya, kamusta na?" "Ayos naman! Nakikipagsapalaran pa rin, lalo na ngayong may lalaking multo sa tinitirhan ko." napangiti ako nang maalala ang nakangiting mukha ng multong iyon---oh wait! No! Bakit ako napapangiti?!! "Multo?! May multo diyan?! Omo! Kyah!! Nakaka--" "Takot! Tama ka, nakaka---" "Kilig! Kyaaaahh! Nakakakilig kaya! Sinabi mo bang lalaki? Ayiiieeeuutt!" kinikilig niyang smabit mula sa kabilang linya na kinaawang ng labi ko. "Really, Ven?! Nahihibang ka na ba? Nakakatakot---" "Nakakakilig! Bihira lang ang mga lalaking multo na mag-appeared ah? Nakakita ka, Maya?" pagtatanong niya. Si Vienna ay mahilig sa mga multo. Hindi mo lang alam pero kapag kasama mo siya, kikilabutan ka ng sobra dahil sa mga sinasabi niya. Hindi niya iyon kinakahiya at lagi niya pang pinagmamalaki sa akin na nakakakita siya paminsan-minsan. Naniniwala ako dahil totoo naman talaga ang mga multo. Meron na nga sa kwarto ko eh. Saka si Ven ay hindi nagsisinungaling at mapag-imbento ng istorya. Umayos ako ng upo. "Ven? Posible ba na mahawakan ka ng isang kaluluwa at magawa mo rin iyon sa kaniya?" pagtatanong ko at ilang beses na napalunok. "Umm? Hmm?" nagiisip siya. "Alam mo, Maya? Ang mga multo, hindi sila nakakahawak ng lahat ng bagay dito sa mundo. Ang tangi lang nilang nahahawakan ay ang mga bagay na nag-eexists na sa mundo nila." pagpapaliwanag niya at nangunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ko na-gets!" slow kasi ako eh. "Kunwari, isa kang multo... Ang mga bagay na mahahawakan mo lang ay yung mga bagay na nahawakan mo na dati. Hindi lang mga bagay kundi yung mga tao rin sa paligid mo. Kapag tumagos ka sa isang bagay, ibig sabihin, hindi pa iyon nag-eexists noong buhay ka pa." pagpapaliwanag niya. Napakamot ako sa noo. "So... Kapag multo ako, pwede kitang mahawakan? Dahil nag-eexists ka noong buhay ako at nahawakan na kita! Tama ba?" "Yuppy! Malaking check!" sigaw niya sa kabilang linya. Ang ibig-sabihin..... Nag-eexists na ako noong buhay pa ang multong iyon at... May tiyansa na... NAHAWAKAN NIYA NA AKO NOON! Imposible.. Ano bang meron sa lalaking multo na iyon? Nagkabangga na ba kaming dalawa noong nabubuhay pa sya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD