Preview ng rebisyon - read only
"Multo! Kailan ka pinanganak? Ilang taon ka na?!" desperadong pagtatanong ko sa kaniya.
Halatang nagulat siya sa tanong ko gayundin sa pagsulpot ko ngunit agad ding napangiti.
"Well, I believe that I am ten years old." proud niyang sagot na kinaawang ng labi ko.
"T-ten years old?! Niloloko mo ba 'ko?! Eh sa itsura mong 'yan mukha ka ng teenager eh!" malakas kong sigaw.
Nangunot ang noo niya. "I am ten years old, being a ghost! I spent 10 years in this room, so I believe that I am also---"
"Ahh!" nagpatango-tango ako. "Ang ibig mong sabihin ay ten years ka na rito kaya ang edad mo ay ten rin?"
"Yes!" tugon niya. Napasimangot ako at kaagad na binatukan siya dahilan upang mapadaing siya. "Ouch! That hurts!"
"Gaga ka eh! Tinatanong ko yung edad mo simula noong pinanganak ka! Hindi 'yung multo ka na!" inis kong sambit.
Napasimangot siya "How am I supposed to know that? I woke up in this room with amnesia, I don't even remember my own name!" pagtaas niya ng boses.
Napaikot naman ako ng mga mata. Okay okay! Curious lang naman kasi ako dahil sa nasabi sa akin ni Ven kanina. Paano nga kung totoong nagkabangga na kaming dalawa noong buhay pa siya? Ang ibig sabihin ay nagexists na ako noong buhay pa nga siya! Hayst! Curious talaga ako sagad buto!
"Gusto kong malaman kung saan ka galing. Kung bakit ka nandito at kung anong pangalan mo."
Nanlaki ang mga mata niya. "Why do you want to know? I didn't even bother to know myself! I'm fine here without memories."
"Kaya ka siguro hindi pa kinukuha ni lord eh? O kaya naman, bakit hindi na lang si kamatayan ang sumundo sa'yo at dumeretso ka sa impyerno?" pagtatanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "I told you, I'm a good and friendly ghost--"
"Isa kang bossy ghost! Gusto mo lagi kang nasusunod! Pati pag bukas ng tv ay sa'kin mo pa inuutos! Langya ka!" pagalit ko sa kaniya.
Nagsalubong din ang kilay niya at tumuro sa tv. "That tv? I can't watch movies properly! It's full of advertisement! Urgh! I want to sue that thing off!"
Nangunot ang noo ko. "Ganyan naman talaga! Sisihin mo 'yung mga nagbibigay ng mahabang commercial! Hindi 'yung tv!"
"Still!" bumuntong hininga siya. "I just wanted to watch movies, but those ads are wasting my time!" parang batang aniya.
"Tsk!" tanging singhal ko sa kaniya.
Napanguso naman siya at akmang tatalikod nang bigla atang may maaalala. "Oh! What's my name?"
'Uh-oh...'
Nakalimutan ko na ang tungkol doon ah. Nag-iwas ako ng tingin at umaaktong may hinahanap sa sofa.
"N-nasaan na nga ba 'yon? N-nakalimutan ko---"
"What?"
"Ah! Baka nasa kwarto! Oo nga! T-tama nasa kwarto nga!"
Nagmamadali akong nagtungo sa kwarto at inilock ang pintuan.
Shocks! Ano bang ipapangalan ko sa multong iyon? Naiistress na 'tong bangs ko!
Napatingin ako sa kalendaryo sa kwarto ko. Ngayong araw pala ako magbabayad sa renta dito.
Inilabas ko ang face mask sa cabinet ko at isinuot iyon. Nag jacket at gloves rin ako para safe. Baka may virus si manang Eldren, kailangang mag-ingat.
Lumabas ako sa kwarto at halatang may pagtataka ang multo sa suot ko kaya't bago pa siya magtanong ay sinagot ko na.
"Dyan lang ako sa labas, magbabayad ng renta at ikaw na ang magbayad ng kuryente! Tsk!" hindi kasama ang kuryente rito sa pagbabayad ng renta. Kinakabahan ako baka malaki ang bill ko sa kuryente, wala na akong pera!
"I don't have money--"
"Don't me! Wag kang mag ingles dyan at ikaw talaga ang magbabayad sa kuryente!" iritadong sambit ko.
Napanguso naman siya. "M-mananahimik na lang ako..."
Hindi na ako nagsalita pa at lumabas na sa silid na iyon. Dere-deretso akong bumaba ng floor sa isiping may kung anong nilalang na naman akong makita. Sa tingin ko ay hunted na itong apartment na ito at nag-titiis na lang ang mga tao na tumira rito gaya ko.
"Manang! Magbabayad na 'ho ako!" pag-sigaw ko sa labas ng apartment niya. Mukhang pera kasi si manang kaya naman bumukas kaagad ang pinto sa narinig niyang magbabayad na ako.
Nangunot ang noo ko ng may hawak-hawak itong isang karton at may mga cd's na nakalagay do'n.
"Para sa'n 'yan manang?" ngunot kong tanong. Ibinaba niya ang karton at pinagpag ang dalawang kamay.
"Patapon na 'tong mga cd na 'to, lahat naman ay napanood namin..." tumingin siya sa akin at inilahad ang kamay. "Magbabayad ka?"
Napaikot naman ako ng mga mata. Inilabas ko sa bulsa ang pambayad ko at maarteng ibinigay sa kaniya nang hindi nagdidikit ang gloves ko sa marumi niyang kamay. 'Social distancing'.
"Wala na 'ho akong pera..." nakasimangot kong sambit.
Inirapan niya naman ako. "Pakialam ko naman?"
"Sabi ko nga...." pagbulong ko pa.
"Oh sya! Kung gusto mo ng cd, mamili ka na lang dito. Kung ayaw mo, tatapon ko na."
Dahil sa sinabi niya ay may pumasok sa isip ko. Ayoko sanang kumuha dahil unang-una, wala naman akong DVD! Aanhin ko 'tong mga cd?! Pero..
'I just wanted to watch movies, but those ads are wasting my time!'
Yung multo....gusto niyang manoon ng mga movie.
Eh ano namang magagawa ko?! Wala namang DVD sa bahay para kumuha ako ng cd!
"Ano? Ayaw mo? Tatapon ko na 'to." sambit ni manang.
Nahihiya akong tiningnan siya. "Manang? Pwede bang makihiram ng Dvd?"
Tinaasan ako ng kilay ni manang at umirap. "Mayroon akong maliit na dvd na hindi naman ginagamit...pakinabangan mo na lang do'n sa kwarto mo." sabi niya at pumasok sa loob ng silid niya na hindi sinasarado ang pinto
Yes! Matutuwa si multo nito at hindi na niya kailangang magtiis sa mga commercials!----pero baka lalaki ang bill ng kuryente ko!
Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon? Ohh well! Hayaan mo na, masaya naman yung multo na 'yon---teka! Teka nga lang! Bakit ko naman iisipin ang kasiyahan ng multong iyon?!
Oh my goodness gracious!
Wat da pak is hapening tu mi?!
"Ineng! Ampanget ng mukha mo!" napamulat ako ng mga mata sa sinabi ni manang at naniningkit ang mga matang tiningnan siya. "Oh ito! Magpakasaya ka sa panonood!"
Inabot niya sa akin ang maliit na dvd na puno ng alikabok. Mukha ngang matagal na itong hindi nagagamit.
Dinampot ko ang karton na puno ng mga cd at pinatong doon ang dvd. "Akin na 'ho 'tong lahat! Salamat sa biyaya! More blessings to c*m!" ngiting sambit ko at tinaas-baba ang kilay.
Inirapan niya lang ako malakas na sinarado ang pintuan ng silid niya. Napapailing na lang ako na umakyat na sa itaas na floor hanggang makarating sa floor na kinalalagyan ko. Akmang bubuksan ko ang pintuan nang bumukas ang pintuan sa tabi ko.
Tangena! May nakatira pala ditoNg----gwapo?!
Nalaglag ang panga ko gayundin ang panty ko ng magtama ang tingin naming dalawa.
Tangenaaaaa!!! Hindi siya maputla! Tao siya! Tao siya!
Singkit ang lalaking nasa harapan ko ngayon at para lang akong estatwa na hindi makagalaw sa kinalalagyan. Mapupula ang labi niya, singkit ang mga mata, antangos-tangos ng ilong! Kyaaahh! At ang kapal ng kilay niyaaa! Waaaahhh!!! Dream guy ko!
Nahiya naman yung bangs ko na ginupit ko lang dahil bored ako! Kyaahh! Bakit ko ba kasi ginawa 'yun! Nawala tuloy 'yung ganda ko! Baka hindi niya mapansin!
"Hi!" ngiting sambit niya at mas sumingkit ang nga mata niya.
Nagpalinga-linga ako ng tingin. Wala namang ibang tao na sinabihan niya ng 'hi' kundi....
"A-ako ba?" utal kong sambit at napapaturo sa sarili.
Mas sumingkit ang mata niya nang lumaki ang ngiti niya. Inilahad niya ang kamay niya sa akin na kinadabog ng puso ko. "I'm Ethan,.. you?"
Nanginginig ang kamay ko na hinawakan ang kamay niyang nakalahad. "M-maya..."
"Nice to meet you, Maya!" sambit niya at naghiwalay ang kamay namin. Sayang! "I like your bangs!"
Bigla na lang siyang pumasok sa loob ng silid niya pagkatapos iyong sabihin sa akin. Pakiramdam ko ay malalaglag na talaga ang panty ko sa kilig na naramdaman!
Tangeeeennaaaa! Hindi naman pala masamang tumira sa apartment na ganito kung makakakita ako ng gwapoooo---na buhay! Hindi patay!
May ngiti akong pumasok sa loob ng silid ko. Ang saya-sayaaaaa sa pakiramdam! Para akong nakapulot ng isang milyon ngayong araw!
"You look.....happy?"
Natauhan ako sa nagsalitang si multo. Nakaupo ito sa sofa at halatang wala sa mood. Nakapatay ang tv at nasa lapag ang remote.
Nangunot ang noo ko at inilapag ang kartong dala. "Bakit ganyan ang itsura mo?"
"I can't touch the remote." walang buhay niyang sambit dahil patay na siya.
Napailing ako at dinampot ulit ang karton sa sahig. Naglakad ako sa kinaroonan niya at binagsak ang kwarton sa katabi niya.
"What--"
"Your happiness!" putol kong sambit sa kaniya at ngiti siyang tiningnan. "I brought your happiness! Kaya dapat mo 'kong pasalamatan dahil dito!"
Nagkaroon ng pagtataka ang mukha niya at nakatitig lamang sa karton. "A box?....that's not my happiness."
Napaikot ako ng mga mata at idinala ang karton sa katapat na tv. Inayos ko ang mga wires na nandoon at kinonek lahat nang gumana. Napangiti ako ng bumukas na ang dvd at kaagad kong nilipat ang tv.
"What are you doing, Maya?" pagtatanong niya na nakaupo sa tabi ko.
"Basta! Chill ka lang diyan!"
"Psh!" singhal niya "I want to have a name! Mayaaaa! What's my nameee!"
Hindi ko na lang siya pinansin. Wala pa kasi akong maisip! Argh! Saka na iyon--
"Maya! Mayaaa! My nameee!" rinig kong ngawa niya.
"Manahimik ka! May ginagawa pa 'ko!" pagalit ko.
"Mayaaaaa! Give me nameee!" malakas niyang sigaw at tiningnan ko siya ng masama.
Nakanguso siya at nagpadyak-padyak sa sahig na parang bata.
Napailing na kang ako at itinuon ang atensyon sa paglabas ng mga cd isa-isa at namili ng magandang palabas na pwede kong i-play. Ngunit natigilan ako nang makita ang isang cd.
'Casper, the friendly ghost.'
Napatingin ako sa multong katabi ko na may malaking simangot sa mukha.
Ano kaya kung....
"Casper." sambit ko habang nakatitig sa multo. Nakatanga lang siya sa akin. Napangiti ako sa magandang ideyang pumasok sa isip ko. "Casper!"
Tama! Siya si Casper! Siya na si Casperrr!
Malaki ang ngiti kong lumapit aa kinauupuan niya at niyugyog ang katawan niya. "Casper! Ikaw si Casper!"
"C-casper?" takang tanong niya at mukhang natigilan sa kinalalagyan
Malaki ang ngiti kong inalog-alog ang katawan niya gamit ang kamay kong nakahawak sa magkabilang braso niya.
"Simula ngayon, tatawagin na kita bilang si Casper....the friendly ghost----pero bossy ka pa rin! Tsk!"
Ilang beses siyang napakurao at mukhang pinaprocess pa sa utak niya ang sinabi ko.
"C-casper... I-I'm Casper..." unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha niya. "I'm Casper! My name is Casper!" masayang sambit niya.
Hindi ko maiwasang mapangiti dala ng malaki rin niyang ngiti. Hinawakan ko ang buhok niya at ginulo-gulo iyon.
"Casper..." ngiting sambit ko. Natigilan siya sa ginawa ko at napatitig sa akin na kaagad kong kinailang. Hindi nawawala ang pagtitig niya sa akin na kinataas ng mga balahibo ko. "B-bakit ganyan ka makatitig---?"
Ohh KYAAHH!
NIYAKAP NIYA 'KO!!
"Thank you! Thank you, Maya!" usal niya habang mahigpit ang yakap sa akin.
YUng puso ko....
Yung puso koo!!
"T-thank y-you saan?" nanginginig kong tanong dahil sa naghalong kilabot, lamig, at kabang nararamdaman.
"Thank you for everything... for seeing me, for touching me, for giving me a name...thank you for knowing me... t-thank you for coming here...thank you because you found me... and t-thank you for staying....t-though you'll leave after the quarantine..."
Sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko at nakakaramdam ako ng pananakit niyon. Hinawakan ko sa magkabilang braso ang multong si Casper at bahagyang itinulak papalayo sa akin dahil sa pagkailang.
Humiwalay naman siya sa yakap at may malaking ngiting nakatingin sa akin. Ngunit mababakas ang lungkot sa mata niya. Lungkot dahil saan?
"Thank you, Maya..." sambit niya.
"You're welcome, Casper." ngiti ring sambit ko at isinantabi ang kabang nararamdaman.
--
GAYA NG SINABI KO. Dinala ko ang bagay na nagpapaligaya sa kaniya. Pinlay ko ang movie na Casper, the friendly ghost. Hindi maipinta ang mga ngiting bumalatay sa mukha niya at parang iyon lamang ang pinanood ko buong movie.
Napanood ko naman na ang movie na ito ng maraming beses at kabisadong-kabisado ko na ang mangyayari. Siya lang ang tuwang-tuwa kay Casper. At paulit-ulit niyang sinasabi na ako 'yong babaeng bida. Tuwang-tuwa rin siya dahil wala daw advertisement. Syempre cd iyon. Kaya ko nga naisipang dalhin dito. Hayst! Lalaki ang bill ko sa kuryente nito, pero... May parte sa akin na nagsasabing ayos lang dahil masaya naman siya.
At kailan ko pa inisip ang kasiyahan ng iba? Ang ayoko lang naman ay gumastos ng pera!
Hanggang sa natapos ang palabas ay nakaramdam ako ng antok.
"Sa kwarto lang ako." antok kong sabi sa kaniya.
Mukhang nagtaka siya. "Why? Let's watch another movie together!" ngusi niyang sambit.
Napahikab naman ako. "Matutulog na 'ko... Ikaw na lang dyan. Goodnight....---oh wait! Sana paggising ko, naka filipino na 'yang language mo." huling sambit ko.
Kaagad akong pumasok sa kwarto at tumalon papahiga sa kama. Agad na nalukot ang mukha ko sa sakit na naramdaman.
"A-aray....M-matigas pala yung kama ko!" hinilot ko ang balakang ko habang nakahiga patagilid sa kama.
Maya-maya pa'y kusa ng pumikit ang mga mata ko.....
Nang biglang....
Napamulat ang mga mata ko nang maramdamang may naglagay ng kumot sa akin....
"C-casper.." sambit ko sa pangalan niya.
Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis at tuluyang kinumot sa akin ang kumot hanggang balikat.
"Matulog ka na.."
"B-bakit mo 'ko kinumutan?" ngunot kong tanong habang naririnig ko ang pintig ng puso ko.
"Dahil ito ang ginagawa ni Casper sa palabas."
Napaupo ako sa kama. Nakaupo rin siya sa gilid ng kama ko at ngiting nakatingin sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi mo naman kailangang gawin iyon."
"Pero gusto kong gawin 'yon."
Nag-iwas ako ng tingin. "Pa-fall amputa..." bulong ko sa sarili. Ngisi ko siyang tiningnan. "Wag mo nang gawin 'to baka mahulog ako!" birong sambit ko pero mukhang hindi niya na-gets.
"Mahulog ka?" takang sambit niya. "Bakit ka naman mahuhulog sa kama?" gulong tanong niya.
"Aissh! Wag mo ng isipin---"
"Hindi kita hahayaang mahulog dito!" putol niyang sambit sa akin.
"P-pero kung mahulog ka, wag kang mag-alala! Sasaluhin kita." seryoso pang dagdag niya.
Bakit....
Bakit may pa-fall na multo sa silid ko?
Oh Maya! Alam kong marupok ka! Umaangat na naman ang karupukan level mo! Pero sana, wag kang bibigay! Wag sa patay