"Kuya...wat ar yu paking hir?"
"Pfft! Halika nga rito bungi, nasaan ka kahapon? Hindi kita nakita."
"Hmp! Nagtatago po ako!"
"Nagtatago ka? Bakit naman? Ayaw mo ba akong makita? Ayaw mo ba akong makalaro? Umiiwas ka? Bakit ka nagtatago?"
"Hmmp! Naiinis po ako sa'yo eh!"
"Bakit ka naman maiinis sa'kin?"
"Kasi po...kasama mo 'yung kalaro ko! N-nakangiti ka kasama siya porket kumpleto ngipin niya!"
"Pfft! Hahahahahaha! Ikaw talaga!"
"Wag mo po akong tawanan! 'di ako natutuwa! Gusto mo siya kasi kumpleto ngipin niya tapos ako bungi lang..."
"Pfftt! Hahahaha! Edi patubuin mo rin 'yang ngipin mo, para magustuhan kita."
"Hindi na kailangan...buti pa yung isa kong kuya...natutuwa dahil bungi ako... Ikaw hindi! Hmmp!"
"A-ano?! Sinong isang kuya? Sino siya?"
"Basta po! Mas gwapo sa'yo.."
"At mas gusto mo siya kaysa sa'kin? Bakit? Pinapasan ka ba niya? Nililibre ka ba niya? Pinapasyal ka ba niya gaya ng ginagawa ko?"
"Hindi po!"
"At bakit siya ang mas gusto mo kaysa sa akin?!"
"Kasi gusto niyang bungi ako! Ikaw, gusto mo yung kumpleto ngipin! Dun ka na!"
"Huh! Talaga! Doon na 'ko sa kumpleto ngipin! Dun ka na rin sa kaniya! Gusto mo siya di'ba?!"
"Hmmpp! Talaga! Gusto ko siya!"
"A-ano? Gusto mo siya!? Di'ba gusto mo rin ako?"
"Hindi na! Sa kaniya na 'ko! Dun ka na rin sa iba!"
"Huh! Aissh! Talaga!"
"Hmmp! Talaga!"
"Talagang-talaga---"
"T-teka saan ka pupunta!? Bungi! Bumalik ka rito! Bungi!!! Bungiii! Gusto rin naman kita! Aiisshh!!"
-
NAPAMULAT ako ng mga mata sa 'di malamang dahilan. Nasa kalagitnaan pa naman ako ng pagtulog at malalim na pananaginip ngunit kusang bumukas ang mga mata ko. Madilim sa aking kwarto habang kinakapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan. Tiningnan ko ang oras. 3:33 am
Sabi nila; Kapag kusa kang nagising ng madaling araw, may matang nakatingin sa'yo at pinapanood ka.
"Maya..."
"Kyaaaaaahhhh---Casper!" gulantang kong sigaw at napabalikwas nang bangon nang makita siyang nakatayo sa tabi ng cabinet ko. Matiim na nakatingin sa akin na nagpataas ng mga balahibo ko. "A-anong ginagawa mo rito?! N-nakakatakot ka!!!"
Lumapit siya sa akin at naupo sa tabing kama ko na nagpalamig sa buong kalamnan ko. Ghost feels.
Nagtama ang tingin naming dalawa. Nakasimangot siya na parang hindi nabigyan ng piso. "I waited for you to wake up." sambit niya na kinangunot ng noo ko.
"Bakit mo naman ako hinihintay na gumising? Saka, 'di ba sinabi ko na sa'yo na magsalita ka sa tagalog naman!"
"Oh that!---nakakalimutan ko 'eh!" napapakamot sa buhok na aniya.
Napabuntong hininga naman ako. "May kailangan ka ba?"
"Let's watch movies."
Napaikot ako ng mga mata sa naging tugon niya. "Bakit hindi ka na lang manood mag-isa? Pinapayagan naman kita--"
"I want to watch with you!"
"Sabing magsalita ka ng--"
"Nais kong makasama ka sa panonood ng mga nagsisiyahang palabas." putol niyang bigkas sa akin at nanginginang ang mga matang tumitig sa akin. "Maaari ba, Maya?"
Napabuntong hininga ako na tumingin kay Casper. "Alam mo ba kung anong oras pa?"
Umiling siya. "Hindi."
Napabagsak ang balikat ko at nasapo ko ang sariling noo. Kahit naman madaling araw pa ay nagising na ako! At kapag nagising na ako, hindi na 'ko makakabalik pa sa pagkatulog. Salamat sa'yo Casper! Isa kang malaking surot sa higaan ko.
Walang buhay kong tinanggal ang kumot na nakataklob sa katawan ko at iniapak ang paa sa sahig. Binalingan ko ng tingin si Casper na unti-unting sumisilay ang malaking ngiti sa labi.
"Wag kang ngumiti ng ganyan, ang creepy mo tingnan." saway ko sa kaniya.
"I can't help but to smile...wag mo na lang akong tingnan."
Napailing-iling na lang ako at tuluyang umalis sa piling ng kama. Bagamat madilim ang silid ko ay kinailangan ko pang kapain ang switch ng ilaw.
*Tik!*
At last! Lumiwanag rin ang paligid! Kitang-kita ko na ang klarong mukha ni Casper. Ang puro itim niyang damit. Nangulubot ang noo ko habang pinagmamaadan siyang naglakad sa harapan ko.
"Bakit ba itim 'yang kasuotan mo? Ganyan ba yung suot mo nung nilibing ka? O kaya naman nung namatay ka?" tiningnan ko siya ng puno ng pagtataka.
Ngumiti lang siya. "Hindi ko rin alam." napailing-iling na lang ako sa sagot niya.
"Ano kaya kung....hanapan kita ng damit? Masusuot mo kaya 'yun? Napapanood ko sa mga palabas na nakakasuot ang mga multo ng mga damit eh.." napapaisip kong suhestsyon.
Napaawang naman ang labi niya. "H-hahanapan mo ako ng ibang masusuot?"
"Oo..." tumango ako "'Di ko gusto ang damit mong puro itim."
Mas umawang ang labi niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "G-gagawin mo 'yon? P-para sa'kin?" utal-utal niyang tanong.
"Hindi ko 'yon gagawin para sa'yo, kundi para sa'kin! Sumasakit ang mata ko sa itim mong damit eh! Wag assuming!" giit ko na kaagad kinasimangot ng mukha niya.
Napanguso siya at nag-iwas ng tingin. "I thought it was for me...tsk!"
Napaikot ako ng mga mata at akmang bubuksan ng malaki ang pintuan ng silid nang masagi niyon ang nakatayong gitara ko dahilan upang mapahiga ito sa sahig. Umingay naman ang yabag na tunog ng gitara buhat ng pagkakabagsak.
"Shet! Gitara ko!" waah! Baka masira! Ito na ang una't huling gitarang mayroon ako. Mahal na mahal ko ito higit pa sa lola ko!
Mabuti na lang at nakasulod iyon sa loob ng bag niyang itim. Paniguradong hindi siya magagasgasan.
Kaagad kong dinampot ang gitara ko at niyakap iyon. "Ikaw! Ano bang ginagawa mo sa pintuan! Nilagay ba kita do'n?!" pagkausap ko rito. Bumakas ang alaala ko na nilapag ko pala siya doon. "Tsk! Sorry na! Sa susunod, tumabi ka na---"
"Why are you talking to that thing? What is that thing?" natigilan ako sa tanong ni Casper. Nandidito pa pala siya.
Bumaling ako ng tingin sa kaniya. "Hindi ko alam ang tawag dito?" ngunot kong tanong na kinailing namna niya.
"I saw it many times on tv... but I don't know what it calls..."
Bumuntong hininga ako at isinabit sa isang pako ang lace ng bag ng gitara. Humarap ako sa kaniya.
"Gitara... ang tawag dito." sambit ko at tinalikuran siya bago pa man makapagsalita.
Binuksan ko ang pintuan at naglakad papalabas sa kwarto. Nagtungo akong sala at naupo sa sofa. Nakita ko naman ang pagsulpot niya at naupo rin sa tabi ko habang sa akin ang titig.
"Maya, can you--"
"Wag mo 'kong kausapin ng--"
"Maaari ka bang tumugtog ng gitara?"
Natigilan ako sa tanong niya at nanlalaking mga matang tumingin sa kaniya. Nakipagtitigan siya sa akin at hindi man lang nag-iiwas ng tingin. Nagsimula ng magtaasan ang mga balahibo ko at panlalamig ng paligid ko.
"B-bakit mo natanong?" utal kong tanong.
Ngumiti siya ng matamis. "Gusto kitang makitang hawak-hawak ang gitara at tinutugtog 'yon. Gaya ng mga napapanood ko sa movies!"
Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok sa isiping tinutugtugan ko siya ng gitara. Hindi pa ako tumutugtog ng gitara sa harap ng ibang tao dahil may hinihintay ako na una kong tutugtugan niyon, may hinihintay lang ako na bumalik. Pero, sa kabilang banda, hindi naman siya tao di'ba? Hindi naman masamang itugtog iyon sa kaniya...kasi multo naman siya?
"Maya, pleasee? I wanna see you playing guitar! A-and...I wanna hear your voice too, s-singing.." mababang boses na aniya.
Ilang beses akong napakurap at napalunok. Kaagad akong nag-iwas ng tingin ng hindi ko kinaya ang titigan naming dalawa.
Napanalikwas ako ng tayo sa sofa.
"P-pasensya na." tanging sambit ko at iniwan siyang nanlulumo sa sala.
Nagtungo ako sa kusina at doon hinaplos ang itaas ng dibdib ko. Nararamdaman ko ang lakas ng pintig nito na wari'y kinakarera ng mga kabayo. Napahawak ako sa hawakan ng refrigerator at doon huminga ng malalim.
Kalma lang...
Kalma lang.
Nagpakawala ako ng malalim ba hininga bago binuksan ang ref. Kumuha ako ng fresh milk at walang anu-ano'y tinungga iyon. Tumitirik ang mata ko sa sarap.
"Ughh!" naiusal ko matapos uminom. Akmang isasara 'ko ang pintuan ng ref nang kumulo ang tiyan ko at naglaway ang bagang ko sa nakitang talong sa loob ng ref. "Hmm...yum.."
Natatakam ako habang pinagmamasdan ang talong. Ano kayang klaseng luto ang gagawin ko rito?
Tangena! Kala mo magaling magluto eh!
Nagkibit-balikat na lang ako at inilabas ang talong sa ref. Kumuha ako ng kahit anong lutuan. Hiniwa-hiwa ko ang talong sa hindi malamang hugis. Basta! Tinadtad ko iyon! Pagkatapos, binuksan ko ang kalan at hinugasan ang kawali pati na rin ang talong. Walang sabi-sabing hinagis ko ang mga talong sa kawali dahilan upang mag-ingay ito at umusok.
*Whoooosshhh*
Mantika! Nakalimutan kong ilagay ang mantika! Parang gusto ko ng iumpog ang ulo ko sa lababo dahil sa katangahan ko! Wala pala akong mantikang nilagay! Umuusok na ang kawali at dumidikit na ang talong rito.
Natataranta akong humanap ng mantika sa bawat sulok ng mga cabinet....ngunit dahil isa akong dakilang tangang nilalang...ubos na pala yung mantika koooo!
"What the heck is happening----oh s**t! Am I in heaven?!" rinig kong malakas na sigaw ni Casper na kakapasok lang ng kusina.
Kyaaaahhh! Napakaaaaaa-kapal na ng usok!
"Shet! Shet! Shet! Shettt! Tulungan mo 'ko Casper! At wag kang mag ingles diyann!" natatarantang usal ko.
"Turn it off--I mean! Patayin mo!" malakas niyang sigaw.
Napatakip ako ng ilong dahil sa lakas at kapal ng usok na pumapasok sa ilong ko. Ansakit-sakit rin sa mata niyon.
"Tangeenaaa! Anong papatayin koooo?!" natatarantang sambit ko habang pinapaypay papalayo ang usok.
"That thing! That--h-hindi ko alam ang tawag dyan! B-basta patayin mooo!" uatl-utal niyang sambit na bumabakas rin ang pagkataranta.
"Waaahh!!! Nasan kutsilyoo!?" paghahanap ko rito sa kabinet.
"Noo! Aisshh!"
Napapaubo ako nang dahil sa usok at natigilan ako nang makitang lumapit si Casper sa tabi ng kalan. Akmang hahawakan niya iyon ngunit tumagos lamang ang kamay niya.
"Damn it! I can't touch this stupid thing!" puno ng iritasyon niyang sambit.
Ngayon ay nakuha ko na ang punto niya na patayin ang kalan! Aissshh! Bakit hindi niya agad sinabi?!
Nakipaglabanan ako sa kapal ng usok at mabilisang pinihit ang kalan dahilan upang mamatay ang apoy nito. Ngunit nanatili pa rin ang makapal at nakakasakit na usok!
"Argh!"
Kulot ang silid dito at hindi ko alam kung saan ilalabas ang usok. Bakit ba naman kasi nagluto pa! Hindi na lang ako nakontento sa malademonyong itlog kooo!
NANATILI ako sa labas ng silid ko upang doon ipalabas ang makapal na usok, sanhi ng pagluluto ko kanina. Nakasandal ako sa tabing pintuan ko na kasalukuyang nakatiwangwang at nilalabasan ng makapal na usok.
Nang bigla na lang may nagsalita sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo sa labas, Maya?"
Oh paking shettt!
Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at halos maduling ang mga mata ko nang ilang inches lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.
"E-ethan..." utal kong sambit sa pangalan niya.
Unti-unting sumilay ang ngiti niya dahilan upang mapasingkit ang mga mata niya.
Kyaaaaaaaaaaah!
Laglagan ako ng panty ngayon naaaaaaaaa!
Tangenaaa! Kung ganito lang pala ang makikita ko sa labas, sana kanina pa 'ko lumabas! Whooh makapal na usok! Mahal na kitaaaa!
"Maya? Ayos ka kang ba?" pagtatanong niya. Naduduling pa rin ang mga mata ko dahil sa lapit ng mukha niya. Kyaah~ bakit ba kailangang lumapit siya ng ganito!? Pa-fall rin amputa! Gusto ko tuloy siyang imudmod sa mainit na kawali dahil sa ka-cute-tan niya! Baka doon, umusok ng mga pusooo!
Bago pa ako mawala sa katinuan ko ay lumayo na ako ng kaunti sa mukha niya. Ako na ang nag-adjust dahil alam ko namang gusto niyang malapit sa mukha ko. Hahahahahaha! Not so fast, mr. Singkit! Sana pala naging home quarantine with mr. singkit na lang ang kwentong 'to! Tumitigas ang pwet ko sa kilig!
"O-oo Ethan...ice lang ako.." nakita na kita ehy!
"Bakit may makapal na usok? Anong nangyari? Saka, maaga ka pala gumigising?" sunod-sunod niyang tanong. Awiiee! Getting to know me, mr. singkit?
Hinawi ko ang bangs ko sa noo ko. "Ah--eh...oo, maaga talaga ako gumigising..." ngiting tugon ko.
"You're lying, Maya!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Casper sa katabi ko. Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"You wake up every twelve noon! Why telling him that--"
"Maya? Bakit dyan ka nakatingin?" naagaw ang atensyon ko sa pagsasalita ni Ethan.
Shit! Hindi pala nakikita si Casper!
Napakamot ako sa ulo at umastang hindi nakikita si Casper sa tabi ko. Hindi ko siya binalingan ng tingin.
"A-aahh... wala! wala! T-tinitingnan ko lang ang usok.." pagsisinungaling ko.
"Mukha ba 'kong usok?! Huh, Maya!? Mukha ba?" rinig kong sigaw ni Casper ngunit hindi ko siya pinansin at umaaktong walang naririnig.
"Ahh ganun ba?" tatangong sambit ni Ethan at takang tumingin sa akin. "Bakit nagkaron ng usok?"
"Ah hehe... Kasi ano... nagluluto ako... Kaso hindi ko nabantayan kaya nasunog.." pag-iiba ko ng kwento.
"Ang sabihin mo, hindi ka marunong magluto!" sabat ulit ni Casper ngunit hindi ko talaga siya nilingon. Bakit ba nakikisabat siya sa usapan namin? Manood na lang siya ng movie do'n! Aissh! Istorbo!
"Ganun ba?... Ahm, sakto! May niluto akong adobo, naparami...gusto mo bang matikman?" ngiting tanong niya.
Kaagad na nanubig ang lalamunan ko at nalunok ang sariling laway. Kumalampag rin ang tiyan ko dahil sa gutom na naramdaman.
"A-adobo?" utal at naglalaway kong tanong.
Ngumiti siya ng matamis. "M-mm... Sandali lang, dito ka lang, kukuha ako para sa'yo." dali-dali siyang pumasok sa silid niya.
K-kukuha siya? P-para sa'kin?
"Yiiiiieeeeeee--"
"Psh!" naputol ang kilig ko nang singhalan ako ni Casper sa tabi ko. Nakasimangot siya at mukhang inagawan ng piso.
Hinarap ko siya at tinuro. "Ikaw ah? Ano bang problema mo? Bakit nakikisabat ka?"
"Psh! You lied! You called me 'usok' and you just smiled at him like you like him or something!" salubong ang kilay niyang tugon habang matiim na nakatingin sa akin.
Napangiwi naman ako. "Wag mo 'kong inglesin! Buti pa si Ethan! Swabe mag tagalog! Saka F.Y.I. gusto ko siya! Hmmp!" pag-amin ko at inirapan siya.
Nanlalaki ang mga mata niya at hindi makapaniwalang tiningnan ako.
"Y-you like him? B-but you just met him! You didn't even knew him!"
Napaikot ang mga mata ko. "Wala ka na do'n! Ang gwapo-gwapo kaya niya---"
"Mas gwapo ako!" putol niyang sambit na kinabigla ko. Nang makabawi ay kaagad akong napangisi.
"Oo, mas gwapo ka." pag-amin ko na kinabigla naman niya. "Pero! May pinagkaiba kayo! Buhay siya, at ikaw, patay ka na! Mabango siya, at ikaw? Amoy kandila na." pagkukumpara ko sa kanila at natigilan siya.
Mukhang naging harsh ako sa sinabi ko sa kaniya. Dahil kitang-kita ko kung paano tumagos ang sakit sa mga mata niya. Nawalan siya ng imik. Maya-maya pa'y tinalikuran niya ako at biglang naglaho na parang bula. Para lang siyang nag poof! Tapos wala na.
Sakto naman ang pagdating ni Ethan sa tabi ko. "Maya! Pasensya na, natagalan." ngiting sambit niya at iniabot sa akin ang isang lagyanan. Amoy na amoy ko ang sarap ng adobo at kaagad na nagtakam ang bituka ko. "Sana magustuhan mo."
"S-salamat...salamat dito.." ngiting sambit ko at tinanggap ang pagkain.
ILANG ORAS na ang lumipas nang walang Casper na bumalik sa silid ko. Napuno na ako ng pag-aalala sa isiping napano na siya. Paano kung nakasalubong niya ang matandang lalaki at hinampas na naman siya ng kahoy?! Paano kung tuluyang mapalayas ang kaluluwa niya?!
"Aissh! Nasaan ka na ba?" pabaling-baling ko sa orasang sambit. Malapit nang dumungaw ang araw ngunit wala pa rin siya.
Tangenaaaa kasi akoo!
Sana hindi ko na lang sinabi sa kaniya iyon kanina! Baka nasaktan siya masyado at nagtampo!
Halaaa!
Lagot ka, Mayaaaa!
Padabog akong pumasok sa kwarto at nilock ang pintuan. Ngunit bago pa man ako makapunta sa higaan ay naagaw na ang atensyon ko sa gitara kong nakasabit.
'Maaari ka bang tumugtog ng gitara?'
'Gusto kitang makitang hawak-hawak ang gitara at tinutugtog 'yon. Gaya ng mga napapanood ko sa movies!'
'Maya, pleasee? I wanna see you playing guitar! A-and...I wanna hear your voice too, s-singing..'
Wala sa sariling napangiti ako. "Bumalik ka na, at tutugtugan kita ng gitara."