Kabanaata 7

2546 Words
NAPABALIKWAS ako ng bangon matapos makarinig ng sunod-sunod na yapak mula sa sala. Nakatulog na pala ako rito sa kama sa kahihintay kay Casper. Sumisilip na rin si haring araw sa labas ng bintana ko at natatamaan niyon ang bangs ko. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa aking katawan--teka? Hindi naman ako nagkumot noong nakatulog ako ah? Si Casper! Dali-dali akong lumabas ng silid upang makita kung nakabalik na ba siya. Halos naman mapalundag ako sa tuwa nang makita siyang nakaupo sa sofa at nanonood ng palabas sa tv. Sinadya ko iyong iwan ng nakabukas nang sa ganon ay makapanood siya. Alam ko namang hindi niya nahahawakan ang remote control. Mukhang napansin siya ang pagsulpot ko kaya't napatingin siya sa gawi ko. Ngingiti na sana ako nang bigla niya akong irapan at bumalik ang tingin sa panonood. Aba! Nang-iirap ka na ngayon ah! Parang gusto ko tuloy siyang batukan dahil sa pag-irap niya. Ngunit naalala ko na may nasabi pala akong masakit na salita sa kaniya kanina kaya siya nag walk out at nag teleport kung saan. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan muna siya sa sala. Nagtungo akong kusina at doon nagluto na naman ng itlog dahil kumakalampag na ang tiyan ko. Kanina pa naubos ang masarap na adobo ni Ethan. Lasap na lasap ko pa rin ang bawat mantika niyon. Sana magbigay siya ulit! Sawa na ako sa malademonyong itlog ko! Nang matapos magluto ay mabilisan kong tinapos ang pagkain ng itlog dahil ayoko ng lasapin pa ang bawat sunog na parte niyon. Nagtungo ako sa sala at naupo sa tabing upuan ni Casper na walang kahit anong emosyon na nanonood ng palabas. 'The boss baby' Patapos na iyon dahil kanina ko pa pinlay noong umalis siya. Tiningnan ko si Casper ngunit sa palabas ang tuon niya. Mukha namang hindi siya nanonood at tulala lang sa tv eh. "Casper? Tampururut ka ba?" ngunot kong tanong. Hindi niya ako inimik at nakatuon lamg siya sa tv. Napangiwi naman ang labi ko at lumapit sa kinaroroonan ng tv saka iyon pinatay. Nakapamaywang ko siyang hinarap saka tinaasan ng kilay. "Tampo ka no?" ngunot kong tanong. Parang gusto kong sakalin ang sarili. 'Di pa ba obvious?! Kaya nga siya nawala kanina eh. Walang buhay niya akong tiningnan dahil patay na siya. "Why did you turned it off? Can't you see that I'm watching?" Napaikot naman ako ng mga mata. Umiingles na naman siya. Kahit kailan talaga. Tsk! Napabuntong hininga ako at ngumuso saka nakipagtitigan sa kaniya. "Sorry na?" nguso na sambit ko na kinaiwas niya ng tingin. "You're ugly. Stop pouting." Aissh! Bihira na nga lang ngumuso, nasabihan pa ng panget! Tangena naman oh! Tampururut pa siyang nalalaman! Nag sorry na nga eh. Mudmod ko yung maputla niyang mukha sa pader ng sa ganon ay pumuti ang iyon! "Hindi mo naman kailangang manlait! Nag sorry na nga ako eh!" salubong na kilay kong sabi. "Not acceptable." tanging sambit niya na kinaawang ng labi ko. N-not acceptable? "Grabe ka naman! Grabe ka magtampo! Sabi ko lang naman kanina na amoy kandila ka ah? Totoo naman kasi eh!" iritang anas ko. Sinamaan niya ako ng tingin na kinataas ng balahibo ko. "Say sorry if you really mean it." madiin niyang sambit. "If you don't want my smell, go and live with the guy next door!" Padabog siyang tumayo at nagtungong kusina. Napangiwi naman ako. Guy next door? Tinutukoy ba niya si Ethan? Paano naman nasama ang singkit na si Ethan dito? Napailing-iling na lang ako at nagtungong kwarto. Kinuha ko ang gitara na sana'y hindi ko ilalabas kung pinatawad niya ako sa sorry ko. Pero sabi niya 'Not acceptable'. Kaya gagamitin ko na ang alas ko. Ilang linggo na rin akong hindi nakakagamit ng gitara. Nawala na rin ang mga paltos ko sa mga daliri. Ngayon na lang ako makatutugtog nito para sa multong nagtatampo. Kulay brown at may desenyong kahoy ang gitara ko. Binili pa iyon ng ninang ko para sa akin. Tatlong taon na rin itong nasa akin. Mahal na mahal ko ito dahil wala naman akong pera pambili ng bago. "Ehem." kunwari'y ubo ko nang makarating sa kusina. Nandoon si Casper at nasa malayo ang tingin. Nakaupo siya sa isang upuan ng lamesa at dumeretso ako sa kinapupwestuhan niya habang bitbit ang gitara. Naupo ako sa katabing upuan niya at naagaw ko ang pansin niya. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at sa gitarang hawak ko. Ilang beses rin siyang napakurap at gulong tiningnan ako. "W-why d-did you carry that thing?" utal-utal niyang tanong. Ngumiti naman ako ng matamis at hinawi ang bangs ko. "Watch and learn, Casper. Ayaw ko lang naman na nagtatampo ka at hindi ako pinapansin." hinawakan ko ang buhok niya at ginulo-gulo iyon na kinatigil naman niya. "May sweetness rin naman ako sa katawan, sulitin mo na." "A-are you ahm, going to p-play gitara a-and sing?" utal niyang tanong at wari'y kinakabahan. Natatawa ako sa reaksyon niya ngunit pinipigilan ko na lang. Nilagay ko ang kaliwang kamay ko sa leeg ng gitara at ang kanang kamay sa bibig nito. "Basta, kausapin mo na ako pagtapos. Ampanget mo rin pag nagtatampo." Akmang magsasalita siya nang inumpisahan ko na ang paggalaw sa string ng gitara. [Intro] -Ikaw at Ako- Nginitian ko siya habang tinatapos ang intro at.. "Sabi nila... balang araw darating, ang iyong tanging hinihiling" Tiningnan ko siya habang sumisilay ang mga ngiting hindi ko maiwasang ilabas. "At nung dumating, ang aking panalangin ay hindi na maikubli...." Hindi nawawala ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay deretsong nakatingin sa mga mata ko. "Ang pag-asang nahanap ko sayong mga mata... At ang takot kong sakali mang ika'y mawawala..." Parang may kung anong kumakarera sa puso ko at sobra ang bilis niyon ng makita ang malalim na titig niya sa akin. Nadadala ako ng bawat kumpas sa gitara at mga tingin naming hindi maalis-alis sa isa't isa. "At ngayon, nandyan ka na... 'Di mapaliwanag ang nadarama... Handa ako sa walang hanggan, 'di paaasahin.... 'di ka sasaktan.. Mula noon, hanggang ngayon... Ikaw at Ako..." Itinigil ko ang pagtugtog sa gitara at ngumiti sa kaniya. Nakatitig lang ito sa akin at walang kahit anong nasabi. Hindi rin siya gumawa ng kahit anong galaw. Mukha siyang naistak sa katotohanan. Unti-unting nawala ang ngiti ko at nauwi sa pagkangiwi. "Casper!" agaw ko sa atensyon siya. Ngunit walang response ang bumalik sa akin. Nakatulala lang siya at walang kahit anong ginagawa. Unti-unti na akong kinakabahan. Nailapag ko ang gitara sa lamesa saka tumayo. Ilang beses kong tinapik-tapik ang magkabilang pisngi niya ngunit walang nangyayari. Sinalubong ko ang mata niya ngunit mukhang napakalayo ng tingin niya Nagtatanong ang mga mata kong tiningnan siya."A-anong nangyayari sa'yo?" Tangenaaaa! Wala siyang kahit anong galaw! Nagsimula na akong kabahan ng todo nang ganoon parin siya. Ilang beses kong tinapik ang pisngi niya ngunit wala pa rin! Para siyang natutulog ng gising! "Casper! Gumising ka nga!" malakas kong sigaw sa harapan niya ngunit wala pa rin. Mariin akong napapikit at nakagat ang ibabang labi. Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. "C-casper.. a-ano bang nangyayari sa'yo?" Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya ngunit ganoon na lang ang kabang naramdaman ko nang maramdaman ang kamay niya sa likod ko. "I c-can f-feel my chest... It's p-pounding..." "C-casper!" akmang tatanggalin ko ang mga brasong nakapulupot sa leeg niya dahil nagsalita na siya ngunit, mas humigpit ang yakap niya sa akin. "S-stay here... " *DUG*DUG*DUG*DUG*DUG*DUG* *DUG*DUG*DUG*DUG*DUG*DUG* *DUG*DUG*DUG*DUG*DUG*DUG* *DUG*DUG*DUG*DUG*DUG*DUG* *DUG*DUG*DUG*DUG*DUG*DUG* YUNG PUSO KOOO! "M-maya..." pagbulong niya sa pangalan ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nasa ganoong posisyon nang maramdaman ang kamay niyang humahaplos sa likuran ng buhok ko. "C-casper.. a-ano bang nangyayari sa'yo?" kinantahan lang kita, na-abno ka na! Gusto ko siyang itulak papalayo at kutongan ng ilang beses para bumalik siya sa katinuan pero para akong tinakasan ng lakas. "I d-don't even know what's happening to me... I j-just feel my chest...it's p-pounding very fast." mas humigpit ang yakap niya sa akin na mas kinadabog ng puso ko. "I can hug you forever." I can hug you forever. I can hug you forever. I can hug you forever. I can hug you forever. Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. Natigilan ako sa kinatatayuan at walang ibang naririnig kundi ang sinasabi niya at ang lakas ng pagtibok ng puso ko ngunit bigla na lang... *Poooooooott* *Pooooottt*Poooottt* Nanlaki ang mga mata ko sa tunog na 'yon.. T-teka.... "W-what was that?" ngunot noong tanong ni Casper. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Mabilis pa sa kidlat na naitulak ko si Casper papalayo sa akin. Makailang beses na tumunog ang tiyan ko na nagdulot ng sakit at may hangin na lumabas sa pwet ko. TANGENAAAA! NAUTOT AKO! NGAYON PA! Nang maramdaman ko ang sakit ng tiyan ko ay walang sabi-sabing pumasok ako ng banyo na malapit lang dito sa kusina. Hindi ko na inalintana pa si Casper at mabilis akong naupo sa inidoro. PARANG GUSTO kong iumpog ang ulo sa pader habang bitbit ang supot na mga damit na binili ko para kay Casper. Sabi ko hindi ako bibili! Pero anong ginawa ko? Kyaaaahh! Bumili ba naman ako ng pitong damit para sa pitong araw! Kyaaaaah! "Baliw ka na, Maya! Nababaliw ka na!" baliw sa kaniya? "A-ano?! Hoy! Hindi ako baliw sa kaniya noh! Hindi kaya! Eww! Amoy kandila siya at ano ka ba, Maya?! Multo siya! Multo! Multo! Kyaaah~~" *Riinggggg*Ringggg* Halos mapatalon ako sa gulat nang magring ang cellphone ko sa bulsa. Napahinto ako sa paglalakad at sa pagka-usap sa sarili saka sinagot ang tawag. "Hi Vienna!" bungad ko mula sa kabilang linya. "M-maya.." utal niyang sambit at halatang umiiyak siya. Napabuntong hininga naman ako. Isa lang ang ibig-sabihin kapag umiiyak si Vienna. "Ven! Wag kang mawawalan ng pag-asa! Hanggat hindi pa nagiging deretso ang linya diyan sa makina, may pag-asa pang gumising siya!" pagpapalakas ko sa loob niya. "M-maya.. S-sa tingin ko hindi na.. sa t-tingin ko, hindi na niya kaya! Parang b-bibitaw na siya! M-maya.. Hindi ko kakayaning mawala siya. Mahal na mahal ko siya, M-maya.." Nanginginig na boses niyang sambit. Napabuntong hininga ako. "Ven, kahit anong mangyari, wag mo siyang susukuan ah? Walang magagawa 'yang iyak mo! Wag mo siyang iyakan dahil hindi pa siya patay! Tiwala lang." "T-tama ka, Maya! P-pasensya na, naiiyak lang talaga ako." "Hayst! Sige na, mamaya na lang tayo mag-usap, lapitan mo na siya at wag kang ngumawa diyan!" "S-sige, salamat.. Pupuntahan ko na siya." Magsasalita pa sana ako nang mawala siya sa kabilang linya. Pinatay na niya ang tawag. Nagpakawala ako ng marahas na hininga. Mabuti pa nga si Vienna, 'yung taong mahal niya ay may pag-asa pang mabuhay! Eh ako? Lahat iniwan ako. Simula sa mga ninuno ko hanggang sa mga lola't lolo ko pati na rin ang nanay at tatay ko. Tapos? Pati ba naman sa lovelife ko? Patay na at multo ngayon--teka?! Sino ba nagsabing lovelife ko ay multo?! TANGENAAAA! WALA AKONG GUSTO SA MULTO NA IYON AAAH! WALA! Bago pa ako mabaliw sa kakaisip sa kaniya ay naglakad na ako pabalik sa apartment. Padabog akong naglalakad sa hagdanan at nang makarating sa 3rd floor ay napahinto ako dahil naabutan ko si Ethan sa labas ng silid niya at... nakatingin sa pintuan ng silid ko? S-si Ethan? Ohhhhhmooooo! Kyaaaaaaaahhhh! Si mr. Singkittt! Hinawi ko ang bangs ko saka pabebeng naglakad patungo sa kinaroronan niya. Nakatalikod siya sa akin kaya't kinalabit ko siya na halatang kinatigil niya. "Hi Etha-----aray!" tangenaa! napadaing ako nang biglaan siyang humarap at gulat na nasapak ang braso ko ng mahina ngunit masakit! Putaaaa! "Tangena ka! Bakit ka nananapak!?" Salubong na salubong ang mga kilay ko dahil sa pagsapak niya sa akin. Nanlalaki ang singkit niyang mga mata sa gulat. "M-maya! P-pasensya na! Nagulat mo ako sa kalabit mo eh!" napalitan ng pag-aalala ang pagkagulat niya. "Masakit ba? Pasensya na talaga." Ayoko na! Turn off na 'ko! Napangiwi ang labi ko. "Bahala ka dyan! Sinaktan mo 'ko, singkit! Hindi na tayo bati! Hmmp!" Pinaikutan ko siya ng mga mata at pinihit ang door knob ko. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang pigilan niya ako. "Maya! Sandali lang.. M-may sasabihin sana ako." aniya. Napaharap ako sa kaniya. "Ano?" pagsusungit ko pa. Napakamot siya sariling buhok. "K-kung pwede sana.. ahm, kasi, ahm.. Kung pwede bang--" *BOOOOGGGSSSSSHH* Parehas kaming natigilang dalawa at nanlalaki ang mga mata nang bumukas ang silid ko nang hindi ko binubuksan. Kusa lang itong bumuka ng malaki at tumama sa pader dahilan upang kumawala ang malakas na ingay. Sinalubong kami ng malakas na hangin. Ngunit, mas lumaki ang gulat ko nang tumambad sa harapan ko si Casper na masama ang tingin... kay Ethan? Shet! Malademonyong mukha ang mukha niya ngayon! Paksheettt! Kyaaaaahhh!! Nakakatindig balahiboooo! "Maya? Sa tingin ko, may kakaiba dito sa kwarto mo." pagsasalita ni Ethan. Dito nabaling ang tingin ko na bakas ang gulat. Napalunok naman ako. "A-ah-eeh.. H-hangin lang iyon.." "Mukha ba 'kong hangin, Maya? Huh! Mukha ba?!" mas napalunok ako sa naging tugon ni Casper sa loob at harapan ng pintuan. Hindi ko siya pinansin. "Ganun ba? Nakakagulat naman iyong hangin na 'yon? Hindi ka ba natatakot?" takang tanong ni Ethan. "Ahh..hehe.. N-natatakot syempre, lalo na kapag galit yung hangin." tugon ko. "Hmmpp! Diyaan na kayong dalawa! Tutal bagay naman kayo eh!" sigaw ni Casper at malakas na sinarado ang pintuan dahilan upang kumalabog ito ulit. *BOOOOOGGGSSSHH* Mariin akong napapikit at kagat ang labi na humarap kay Ethan na ngayon ay gulat na gulat sa pagsara ng pinto. "S-sabihin mong h-hangin lang ulit iyon.." utal-utal niyang sambit, natatakot. Napabuntong hininga naman ako. "Papasok na ako sa loob. Mukhang galit na galit iyong hangin sa'yo." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at pumasok na ako sa loob ng silid ko. Inilock ko ang pintuan at dumeretso sa kinapupuwestuhan ni Casper aa sofa habang nakatuon ang atensyon sa tv. Inilapag ko doon ang plastic na dala saka nakapamaywang na hinarangan ang tv. "Ano na naman bang problema mo, Casper?" ngunot kong tanong at tinuro siya. Madilim ang mukha niyang tiningala ako. "You left without a word! You came back with him! Then you called me 'hangin'! Both of you! You called me hangin!" halatang iritado niyang sambit. Mas nangunot ang noo ko. "Ano na naman ba ito, Casper? Kaninang umaga, ganyan din ang inasta mo tapos nag walk out ka! Bakit ka ba galit kay Ethan? Wala naman siyang ginagawa sa'yo ah! Ikaw lang yung mainit ang ulo sa kaniya! Alam mo? Hindi kita maintindihan! Sumusulpot ka na lang bigla tapos nagagalit, magtatampo! Tapos ano? Susuyuin kita? Bakit ka nga ba kasi nagagalit sa kaniya! Eh wala namang---" "I'm jealous! Damn it!" malakas niyang pigil sa akin. Para akong naging estatwa sa kinatatayuan dahil sa naging tugon niya. Padabog siyang tumayo at matiim akong tiningnan. "Nagseselos ako, Maya! Sa hindi malamang dahilan! Nagtataka ako kung bakit ko 'to nararamdaman!" napatawa siya ng mahina at napailing. "'Wag mo 'kong intindihin, isa lang naman akong multo na hindi dapat pansinin." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay parang siyang bula na naglaho na lang bigla. Samantalang ako ay naiwang tulala at hindi makagalaw sa kinatatayuan. I'm jealous! Damn it!' 'I'm jealous!' 'I'm jealous!' 'I'm jealous!' "T-teka nga.." nasapo ko ang sariling dibdib. "Magpapahuli muna ako sa mga tanod." Tama! Kailangan kong mahimasmasan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD