Kabanata 8

3600 Words
Madilim ang kalangitan ngunit nababalot ng maraming bituin sa langit. Kitang-kita rin ang nag-iisang buwan na nagbibigay liwanag sa gitna ng kadiliman. Walang maririnig na kahit anong ingay sa kalsada, lahat ng tao ay nagpapahinga sa kani-kanilang tahanan, dahil na rin may multa kapag lumabas ka! Tsk! At dahil ayaw kong mai-stress ang bangs ko, baka mas umiksi pa ito. Lumabas ako ng apartment at kasalukuyang naglalakad sa gitna ng kalsada na para bang walang mali sa ginagawa ko. Ligtas naman sigurong magsuot ng jacket na itim with hood, pantalon na itim with ripped sa bandang tuhod, face mask na itim, at gloves na itim. O di'ba? Astig! Para na akong may masamang balak nito, kahit ang totoo ay gusto ko lang mahimasmasan sa sinabi ni mr. ghost kanina. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero ang totoo niyan.... KINIKILIG AKOOOO! KYAAAAAAAAAAHHHHH! "Oh, Mayaaaa! Panty mo malalaglag naaaaaa! Kyaaaaaaahhh!" malakas kong tili at napapatalon sa sobrang kilig. 'I'm jealous! Damn it!' 'I'm jealous!' 'I'm jealous!' 'I'm jealous!' 'I'm jealous!' 'I'm jealous!' "KYAAAAAAAAHHHHHHH!!! Tangenaaaa ka Caspeeer! Anong ginagawa mo sa'kin! Kyaaaah! Nababaliw na akooo!" malakas kong sigaw at napapatalon buhat ng nararamdamang kilig sa aking kalamnan. Parang inaararo ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok. Sinapo ko ang dibdib. "Kalma lang, Maya! Kalma lang... yung puso mo.. shh.. kalma lang.." pinakalma ko ang sarili at napapikit. Ngunit sa pagpikit ko ay nakita ko ang galit na mukha ni Casper habang sinasabi ang katagang... 'Nagseselos ako, Maya! Sa hindi malamang dahilan! Nagtataka ako kung bakit ko 'to nararamdaman!' KYAAAAAAAAHHHH! HINDI KO KAYANG KUMALMAA! Nagtatalon ako sa kalsada dala ng kilig. Para na akong baliw nito! Waah! Ano bang nangyayari sa akin?! Binabaliw na ako ni Casper! Hindi maganda 'tooo! "Kyaaah! Maya! Umayos ka! Hindi pwede! Hindiii! Isa siyang multo! Multo! Multo siya! Multo! Kyaaahhhh---teka nga?" napaayos ako ng tayo at nasapo ang puso ko. Napatigil ako sa kilig portion at napalitan ng pagtataka ang isip ko. "Pwede pa lang magselos ang isang multo?" pagtatanong ko sa sarili. Para na rin akong sira habang kausap ko ang sarili. Totoo ngang nababaliw na ako at kailangan ko ng magpa-mental. Pero bago pa ako tuluyang mabaliw sa kaiisip sa kaniya at sa nararamdaman niyang 'selos' pati na rin sa nararamdaman kong 'kilig' ay kinunsulta ko na ang soon to be doctor kong kaibigan. "Vienna!" bungad ko sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag ko. "Maya? Napatawag ka, gabi na ah?" pagtatanong niya sa kabilang linya. Humakbang ako at nagsimulang maglakad habang kausap si Vienna sa cellphone. Madilim dito sa kalsada at bibihira lang makatanaw ng mga ilaw. "Ahm, kasi ano eh.. ahm, pano ko ba sasabihin 'to?" nahihiyang usal ko. "Spill the tea, Mayani ." banggit niya sa pangalan ko na kinasimangot ko. "'Wag mo nga akong tawagin sa name ko! Alam mo namang ayaw ko nun eh!" ngusong sambit ko. Napatawag siya. "Oo na sige! Bakit ka ba kasi napatawag? Ano 'yang sasabihin mo?" Nawala ang simangot ko at pinipigilan ang sarili na hindi mapangiti. "Hehe-ehem.. ahm, kasi ano.. pwede munang magtanong?" "Go ahead.. mukhang nahihirapan ka pang sabihin eh! Tsk." "Kasi ano.. Tatanong ko lang sana kung p-pwede bang ano.. ahm.. makaramdam ng s-selos yung multo.." nakagat ko ng madiin ang ibabang labi ko. Baliw 'tong tanong ko! Kyaaa~ "Well, maybe? Yeah of course! I mean, kaya nga nilang magalit eh, nagtatanim rin sila ng sama ng loob. But, if it is a friendly ghost, expect that they could be more jealousy. Just like us, humans! Kapag may kaibigan tayo, syempre nagseselos tayo kapag may kumakaibigan or kinakaibigan itong iba. Get it?" pagpapaliwanag niya. Parang lahat ata ng kilig cells ko ay naglaho sa katawan. Malaking malaking simangot ang nanaig sa mukha ko at nakaramdam ako ng panlulumo. Tinakasan ako ng sariling puso. Pakiramdam ko tumakbo ito papalayo nang dahil sa narinig at nahuli ng mga tanod, pinagmulta siya, walang pambayad kaya't nakakulong ngayon. S-si Casper? Nagseselos siya dahil ayaw niyang may 'kinakaibigan' akong iba? I-ibig-sabihin.. kaibigan lang ang tingin niya sa akin? Huwaaaaah! Parang gusto ko ng kumuha ng marker at cartolina para lagyan iyon ng FRIEND ZONE at isabit sa payatot kong katawan! Tangena! Na-friend zone lang pala! Arrrrghh! Shet! Shet! Shet! Isa kang malaking iget, Casper! Paasa ka---ako lang naman yung umasa ehh! "Hello? Mayani? Nandiyan ka pa ba? Maya--" "Nandito pa ako.. Tsk!" walang buhay kong sambit. "Oh! Nga pala, bakit mo natanong? Nahilig ka na ba sa mga ghost stories? Yiiiee kailan pa?" mapanuksong usal niya. Mas lumaki ang simangot ko. "Wala, hindi noh! Psh! Wala akong pakialam sa mga multo. Wala! Mga multo lang sila! Multo! Multo--" "HOY! ANONG GINAGAWA MO DIYAN?!" O-oh pakingshet! Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang malalim at panlalaking boses na iyon. Nang makabawi agad sa pagkabigla ay unti-unti akong humarap sa aking likuran at nanlalaki ang mga mata nang makita ang tatlong matitipunong katawan ng mga lalaki. "Oh pak.. T-tanod" utal kong pagbulong. "Hello? Maya? Anong tanod ka diyan--oh my ghad! Don't tell me--" "V-ven.. usap na lang tayo ulit 'pag nasa kulungan na na 'ko. Bye." "What the--" Bago pa man matapos ang sasabihin niya ay pinatay ko na ang tawag. Ibinaba ko ang cellphone sabay talikod. "HOY! WAG KANG GAGALAW--" "Waaaaaahhhh!!!" Malakas akong tumili upang kawalan ang kaba ko sabay takbo ng mabilis. Hindi ko na alam kung saan ako lumulusot, basta ang alam ko lang ay makatakas sa tatlong mamang humahabol sa akin. "TUMIGIL KAAA!" rinig kong sigaw ng isa. Tangenaaa! Ano ako? Tanga?! "HABULIN NIYOO!!" Kyaaaaah! Hinahabol niyo na nga ako akoo eh! "HUMINTO KAAA!" PAK NOOO! Shet! Hindi ko alam na pwede pala pang race running itong payatot kong binti! Kyaah! New talent! Walang tigil ang mabilis na pag-andar ng mga paa ko makatakas lang sa naglalakihang katawan ng mga tanod. Hindi ko na alam kung saan ako patungo. Paikot lang naman itong lugar namin kaya't para kaming nga tanga na nag-iikutan sa eskinita. "Tumigil ka naaa!" napalingon ako sa likuran ko at nanlalaki ang mga mata ng makita ang isang tanod sa likuran ko. Mas binilisan ko ang turbo at sigaw ng "No way!" tangenaaa! Turbo na 'tooo! *BOOOOOOOOOGGGSSSSHH* *PLAKDAAAAAA!* A-aray... Na.. nadapa ako.. T-tangena... "Wala ka na ngayong takas!" malalim na boses na sambit ng isa. Naluluha ako habang ang mukha ay nakasubsob sa putikan. Tumama pa ang dede ko sa sahig ng sobrang lakas at sobrag sakit niyon. Hindi na ako makagalaw sa kinapupwestuhan. Wala na.. s-sira na ang hinaharap ko.. Naramdaman ko ang kamay ng dalawang lalaki na humawak patalikod sa braso ko. Mas lalo akong naluha nang parang papel nila akong itinayo dahil sa gaan ng katawan ko. "Sumama ka sa'min ngayon din sa prisinto." ani ng isa. Mangiyak-ngiyak ko siyang tiningnan. "P-presinto talaga?" Hindi nila ako inimik at kinaladkad ako ng dalawa papaalis sa lugar. Oh mahabaging langit, pahingi kahit payb tawsan lang! MABAHO, amoy malansang regla ang presinto. Madumi, parang isang tainga na hindi natulihan. Maluwag, dahil ako lang ang ngayo'y laman. "Kuyaaa! Pakawalan niyo na akoo!" pagngawa ko habang inaabot si kuyang tanod sa labas ng rehas. "Manahimik ka diyan! Ang dapat sa katulad mo, pinipicturan at kinakalat ang larawan sa labas!" galit niyang usal na kinalaki ng mata ko. "H-ho? G-grabe ka naman--" "Labas diyan! Pipicturan ka roon at gagawing halimbawa 'yang mukha mo sa mga taong katulad mo, naglalakwatsa kahit bawal! Wag tutularan!" galit na galit si kuya at parang gustong manakit. "K-kuya naman! M-magbabayad naman ako eh.." "Payb tawsan? Magbabayad ka na ba?" inilahad niya ang kamay niya na kinatigil ko. Ilang beses akong napalunok. Huwaaaah! Wala naman akong peraaaaaa! Isang libo nga wala ako! Lima pa kaya? Kinakabahan ko siyang tiningnan. "N-nasa, ahm, nasa bahay 'yung pera ko.. Kung pwede, k-kunin ko muna-" "Hindi maaari! Wala kang pambayad, pwes, dito ka magpapalipas ng gabi. Pero lumabas ka muna diyan at pipicturan ka! Maganda 'yang bangs mo, pang adik!" "A-anong sabi mo, kuya?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Sabi ko, maganda 'yang bangs mo! Pang adik!" mainsultong pag-ulit niya na kinaawang ng labi ko. W-wow! Woooww! Just wooww! "EH KUNG ISAMPAL KO KAYA SA'YO 'TONG BANGS KO??!" malakas kong bulyaw na halatang ikinagulat niya. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang sariling kamay at maangas na tiningnan siya saka ako humawak sa isang baywang. "Wala kang karapatan na insultuhin ang bangs ko! Eh kung insultuhin ko yang panot mo! Huh? Gusto mo?!" maangas kong tanong at tinuro ang ulo niya. "Okay fine! Ang astig niyang panot mo! Pang adik! Siguro lasinggero ka ano?! Kasi panay sugal ka! Sugarol ka kasi! Stress ka na sa buhay mo noh? Kaya ka napanot at nagmistulang ilaw ng tahanan iyan sa pamilya mo! Ano? Huh?! Papalag ka?!" Tangenaaa! Gigil mo si akoo! Hindi ko na maintindihan pinagsasabi ko! Nanlalaki ang mata ni kuya na napahawak sa panot niya. Bigla namang nagsalubong ang kilay niya sa galit at inis na inis na tumingin sa akin. "Oh sige! Sabihin na nating ganun nga ang panot ko! Eh iyang bangs mo?! Masahol pa sa adik!!" dinuro niya ang bangs ko na kinagulat ko. "Ano, iha?! Bored na bored ka na ba?! Siguro depressed ka na?! Kaya buhok mo pinagtitripan mo?! Awang-awa na siguro yung gunting sa bangs mo! Kaunting putol na lang diyan, nakalutang na sa malapad mong noo!" "How dare you! Hindi paliparan 'tong noo ko! Sinisiguro ko sa'yo! Mas malapad pa 'yang panot mo kaysa noo ko!!" malakas kong tugon. Nanguyom ang kamao ko dahil sa inis na nararamdaman. Ganoon din siya sa akin. Nagbabatuhan kami ng masasamang tingin. Parang may kutsilyong naglalabasan sa mga mata namin na papatayin ka talaga. "Tama na 'yan! Tumigil na kayong dalawa!" dumating ang isa pang panot na tanod at hinawakan ang lalaking nakasagutan ko. "Tama na, parehas lang kayong adik." Akmang magsasalita pa sana ako nang itinulak ni isang manong na panot ang lalaking nakasagutan ko paalis sa akin. Pagkatapos ay bumalik ito saka matiim akong tiningnan. "Ikaw, bakit hindi ka sumusunod sa patakaran? Dahil diyan ay magmumulta ka. Tapos pipicturan ka saka ipapakalat dito sa buong barangay." seryoso niyang sambit. Kaagad akong napasimangot saka napayuko. "Sorry po." ayan kasi, Maya! Nababaliw ka na kasi! Ayan tuloy! "Walang magagawa 'yang sorry mo. Ininsulto mo pa yung panot ng isa. Tsk! Diyaan ka na. Bukas ka na lang pipicturan at makakalabas kung makapagbabayad ka na." sabi niya saka ako mabilisang tinalikuran. Nakanguso akong naupo sa pinakasulok ng lugar. What to do?! Wala akong pera! Wala akong pambayad! Tapos gagawin pang model ang bangs ko sa labas na ininsulto pa ng bwisit na tanod na iyon! Nakakainis siya para insultuhin ang bangs ko. Kumukulo ang dugo ko sa kaniya. Hindi niya ba alam na gustong-gusto ito ni mr. singkit? Saka gusto rin ito ni ano aah.. ni.. ano.. ni Casper.. Gusto ni Casper ang bangs ko noh! Tapos lalaitin lang ng panot na iyon!? Hindi ako makakapayag! Kamusta na kaya si Casper? Ano kayang ginagawa niya? Alam niya kaya na nandito ako? Alam kaya niya hindi ako makakauwi ngayon--psh! Paano naman niya malalaman! Eh hindi nga ako nagpaalam ng lumabas ako ng bahay, dahil wala naman siya dun. Nasaan na kaya siya? Hayst! *Riiiiinnnggg*Riiiinnggg* Nang marinig ko ang ringtone na iyon ay alam ko ng tumatawag ulit si Vienna. Malamang, sino pa ba ang pwedeng tumawag sa akin? Siya lang naman ang nakakaalam ng existence ko. "Hello, Ven?" bungad ko nang sagutin ang tawag. "Ikaw babae ka! Naku! Anong ginawa mo? Nasaan ka?" may bahid ng pag-aalala sa tono niya na kinangiti ko. Mahina akong natawa. "Kalma lang, nasa presinto lang naman ako at humihinga pa--" "Urrgh! Naku ka talaga Mayani! Napaka pasaway mo! Hindi ka na nagbago!" Napangiwi naman ako. "Papangaralan mo na naman ako?" "Urrgh! Baka kung anong mangyari sa'yo diyan o baka kung anong gawin nila sa'yo!?" nag aalalang sabi niya. "Kumalma ka diyan, kailangan ko lang daw magbayad saka picturan." tapos ipapakalat yung larawan ko! Kyaah! Nakakahiya 'yon pagnagkataon! "Hays! May pera ka ba diyan, ang tanong?" tanong niya na kinanguso ko. "'Yun nga lang, sad to say, wala akong pera--" "Magkano? Magpapadala ako sa'yo. Basta't siguraduhin mo lang na makakalabas ka diyan!" "T-talaga?" omyyy! "Kyaaaah! Isa ka talagang hulog ng langit para sa akin, Vienna!" abot langit na ata ang saya ko ngayon! Yiiieee! Makakaalis ako rito! "Hindi ka pa ba sanay? Lagi naman kitang sagot sa mga kalokohan mo. Hays! Lagi mo na lang pinapahamak ang sarili mo! Kung iniisip mo na walang iiyak kapag namatay ka, isipin mo ako gaga! Ako lang naman ang magdudusa kapag nawala ka! Tsk." aww! Para tuloy nanubig ang nga mata ko. "Awiiiee! Ang sweet-sweet naman ni bestie! Opo! Hindi na po ako magpapasaway--" "Lagi mo namang sinasabi iyan pero wala pa ring nagbabago.. Basta, 'wag ka lang masyadong pumasok sa gulo.. 'yun lang kailangan ko, okay?" "Yayayayayah! Hihihi!" Mabuti na lang talaga at may anghel akong kaibigan. Kundi, matagal na akong wala dito sa mundo. Ilang beses ko na ring tinangkang ipahamak ang sarili ko sa malaking gulo. Mabuti na lang at lagi siyang nandiyan para saluhin ako. KINABUKASAN Maaga akong nagising dahil sa ingay ng mga tao sa paligid. Nangingibabaw rin ang boses ni manang Eldren na pumapasok sa panaginip ko. Nandito ba siya? Ipinahid ko ang mga mga muta ko sa damit at tinuyo ang laway kong tumutulo. Inayos ko ang bangs kong nakalutang sa ere saka humawak sa bakal na nakaharang upang hindi ako makatakas. "Pasensya na po sa gulong ginawa na batang iyon! Sige po.. nakapagmulta na ako para sa kaniya. P-pipicturan pa siya? Aah.. Sige sige.. Ilabas niyo na siya." 'M-manang Eldren?' Totoo ba itong nakikita ko o namamalik-mata lang ako? May matabang babae na hugis na hugis talaga si manang. Hmm? "Hoy! Malaya ka na!" nagsalubong ang kilay ko sa inasal ni kuya tanod na panot. Binuksan niya ang bakal na daanan saka galit na nakatingin sa akin. Inirapan ko siya saka tinarayang muli. Mabilis pa sa kidlat na lumabas ako sa lugar na iyon. Napako ang tingin ko kay manang Eldren na naghihintay at nakatayo sa tapat ng isang pulis. Omyyy! Nandito nga siyaaaaa! Kyaaaaaaaaaah!! "Manang Eldrennnn!" malakas kong sigaw. Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa gawi ko ngunit nang magtama ang tingin namin ay umirap siya. Hindi ko na iyon pinansin at tumakbo papalapit sa kaniya. "Manang! Kyaaaah! Binayaran niyo po sila para sa akin--" "Hindi! Utang mo iyon sa akin at babayaran mo rin ako! Hindi iyon libre, naiintindihan mo ineng?" masungit na aniya. Nawala ang ngiti ko. Ano ba iyan!? Akala ko naman isa na rin siya sa magiging anghel ko! Oh well, at least hindi niya ako pinabayaan dito! Yiiie! May sweetness rin pala siya sa katawan! "Yiiieee! Salamat po! Tara na, manang! Alis na tayo rito--" "Hep hep! Iha, kailangan ka pang picturan!" babad ng isang pulis. Nanlaki ang mga mata ko at napalunok. FOR REAL?!! Kyaaaaaahh! Tangenaaaa! Magiging famous ako nito! 'Di pa ko ready ehy! PAGKATAPOS kong mapicturan kanina ay nagtungo ako sa mluiller para sa padala ni Vienna. Binayaran ko kaagad si manang Eldren bago pa ngumawa. At dahil nasa labas na rin lang ako ay gumala at pumasyal ako. Tinanghali na ako ng dating sa apartment. Nasa ikatatlong palapag ako sa tapat ng silid ko at kinakabahan akong buksan ang pintuan. Nandito na kaya si Casper? Bumalik na rin ba siya? Shocks! Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka hinawakan ang door knob. Dahan-dahan ko itong pinihit para bumukas ang pintuan. "C-casper.." utal kong sambit sa pangalan niya nang kaagad siyang bumungad sa akin. Pumasok ako sa loob at sinarado ang pintuan. Hindi nawawala ang tingin ko sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa akin. Nakatayo siya ngayon sa ibaba at katapat ng orasan. Unti-unting napalitan ng lungkot ang mata niya habang pinagmamasdan ako. Nangunot naman ang noo. "C-casper? Bakit? Bakit ganyan itsura mo?" "M-maya.." utal niyang sambit. Nagulat na lang ako nang biglaan siyang mawala sa kinalalagyan niya at halos maduling ang mga mata ko nang makitang nasa harapan ko na siya. "Maya!" mabilis niyang sambit kasabay nang pagpulupot ng mga braso niya sa baywang ko. Nagsitaasan ang mga balahibo ko nang ipatong niya ang ulo sa braso ko at mabilis na tumibok ang puso ko. KYAAAAAAAHHHH! NIYAKAP NIYA KOOOO! WAAAAAHH! Mariin kong nakagat ang ibabang labi upang pigilan ang nararamdaman. Hutaaa! Sasabog na 'tong puso ko! "I t-thought you left me.." mas humigpit ang yakap niya at napapigil ako ng hininga sa lamig na naramdaman. Nililipad yung bangs ko! Kyaah! "Please don't be mad.. don't leave me.. it's my fault.. Jealousy hits me.. I'm sorry.." Matagal akong natigilan, sobrang tagal! Pero... KYAAAAAAAAAAAAHHHHH!! Tumitigas pwet ko sa kiliggg! Oh pakshet ka, Casper! Gusto kong ihampas sa'yo 'tong bangs kooo! Sabi na nga ba eh! Gusto mo talaga 'tong bangs ko! Tapos nilait lang ng pisteng tanod na iyon! Hmmp! Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang nararamdamang kilig ko. Alalahanin natin, nakatatak pa sa puso ko ang salitang, FRIEND ZONE. Nagseselos lang naman siya dahil ayaw niyang may 'Kinakaibigan' akong iba. Hayst! Nakasimangot ko siyang itinulak papalayo sa akin. Humiwalay naman siya sa yakap at nanlulumong tumingin sa akin. "Tsk, hindi mo naman kailangang mag selos sa kaniya. Psh!" umirap ako. Nagiging masama lang ang mood ko kung ito pa ang pag-uusapan namin kaya't iibahin ko na ang topic. "Ehem!" tumingin ako sa kaniya na nakayuko ngayon. "Tsk! Wag ka ng masyadong madrama diyan! May binili akong mga damit sa'yo.. Kahapon ko sana ibibigay kaso nagtampo ka." Nagtaas siya ng tingin at halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Umawang ang labi niya ng bahagya at natulos aa kinalalagyan. Napailing-iling na lang ako saka lumapit sa sofa kung saan ko naalalang hinagis ang supot ng mga damit. Kinuha ko iyon at hinagis sa kaniya ang supot. Nang saluhin niya ay bigla itong tumagos. Tanga, bakit nga ba hindi ko naisip 'yun? Napalitan tuloy ng simangot ang mukha niya. Napailing-iling na lang ako saka dinaot ang plastic. Una komg nilabas, syempre ang pinaka nagustuhan kong damit. Ang kulay asul na stitch. Cute. Hinarap ko sa kaniua ang damit. "Bagay sa'yo 'to, Casper!" ngiti ko siyang tiningnan. "Masusuot mo 'to dahil napanood ko sa mga palabas na kaya ng mga multo na mag-iba ng suot! It's also a fact! Focus lang ang kailangan mo para hindi tumagos sa'yo 'to!" proud kong sambit. Napangiwi naman ang labi niya. "Yes, I can do the changing of clothes. You don't have to say." cool niyang sambit at nanlak ang mga mata ko nang isang kurap lang ay suot niya na ang stitch na damit. Lumaki ang ngiti siya sa labi. Kumislap ang mata niya habang suot iyon at pinagmamasdan ang sarili. "See? I told you!" niyakap niya ang sarili at malaking ngiting tumingin sa akin. "Thank you for this, Maya! Thank you so much! You really are a miracle!" Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya. For the first time, pakiramdam ko may naka-appreciate sa kamunting ginawa ko. Kahit na hindi tao, masaya na ako. "Maya?" naagaw muli ang pansin ko sa pagtawag niya sa akin. Nasa harapan ko na siya at ang lapit-lapit niya sa akin. "H-ha?" nakatangang usal ko. Ngumiti siya ng malaki. "Salamat talaga! Ang akala ko nga, iniwan mo na ako.. Pero bumalik ka! Salamat ng sobra." akmang yayakapin niya ako ng umiwas ako. Hep! Ayokong kiligin sa friend zone mo, Casper! Pa-fall ka talaga eh! "Ahm.. lagi ka namang welcome sa akin.. Hehe.. Ahm, nagustuhan mo ba si Stitch?" pagtatanong ko na lang. Tumangi-tango siya. "Super! I watched stitch before on TV5! He's cute like me." may pagmamalaking sambit niya. Napailing ako at napatawa ng mahina. "By the way.. Can you write your name here?" tinuro niya ang tiyan ni Stitch sa damit niya. Nangunot ang noo ko. "Bakit mo namang gustong isulat ang pangalan ko diyan?" "I just want your name here, in this shirt. Please?" puppy eyes niyang sambit. Napaikot ako ng mga mata. Oh well! Naghagilap ako ng marker at nang may makita ay kaagad akong lumapit kay Casper saka hinatak ang damit niya. Itinapat ko ang itim na marker sa tiyan ni Stitch. May ngiti akong nagsulat doon. Ngunit sa halip na pangalan ko lang ang ilagay ko ay naisipan ko ring ilagay ang pangalan niya. "Casper and Mayani." ngiting usal ko habang inaayos ang sulat. Hindi nawawala ang ngiti ko. 'Casper ❤ Mayani' Hanggang sa maayos at matapos ko ang sulat ay nakangiti akong hinarap siya. "Ta-daa! All done!" Ngunit nawala naman ang ngiti niya sa labi at napalitan ng nagtatanong na tingin. "Who's Mayani?" taka niyang tanong at halatang natigilan. Napakamot ako sa bangs ko. "Ahh..hehe.. Mayani ang tunay kong pangalan. Hindi ko type, kaya pinapakilala ko ang sarili ko sa nickname kong 'Maya'." ngiti kong paliwanag. Nangulubot ang noo niya at hindi pa rin nawawala ang pagtatanong sa mga mata niya. Nababalot iyon ng katanungan na hindi ko maintindihan. "M-mayani?..." sambit niya at tumitig sa akin na kinataas ng balahibo ko. "A-ahm, bakit? May problema ba?" malumanay kong tanong. Nag-iba siya ng tingin na wari'y may inaalala. "Mayani.. M-mayani.. Mayani.." napahawak siya sa sariling ulo na kinabigla ko. "C-casper? Ayos ka lang ba?" alala kong tanong. Umiling-iling siya at ilang hakbang ang inatras sa akin habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ko. Anong nangyayari sa kaniya?! "M-mayani... M-mayani.. Mayani.." "Casper! Anong nangyayri sa'yo?!" naiinis kong tanong. Panandalian siyang natigilan. Hindi siya umimik. Para siyang nanigas sa kinalalagyan ngunit dahan-dahang umangat ang tingin sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya. "M-mayani.... bungi.." habol hininga niyang sambit na kinalaki ng mata ko. "ANO?!" Tangena? Bungi?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD