" Aviiiiiii... " napangiti ako nang marinig ang matinis na sigaw ni Nyx, patakbo sila ni Sella na lumapit sa akin.
" Ey, mga demonyita ingat kayo ha! " tinignan ko ng masama si kuya pero tinawanan lang ako at sumakay na ng kotse saka umalis. Hinatid niya kasi ako dito dahil nag-aya sina Nyx at Sella ng overnight dito sa beach nila Ranz.
" Avi... namiss ka namin. " niyakap ako ng dalawang siraulo, namiss daw pero kagagaling lang nila sa bahay noong isang araw at kinuha ang pasalubong ko sa kanila.
" Uy Aviannah, kumusta? Grabe ang ganda mo na talaga! " naatingin ako sa tatlong lalaki na ngayon ay nasa tabi na rin namin. It was Ranz, Oliver and Kyle. Kaibigan yan sila ni Zayn pero dahil kaibigan ko si Zayn noon, naging kaibigan ko rin namin sila.
" Sus! wag niyo na akong bolahin, ibibigay ko parin naman yung pasalubong niyo kahit hindi niyo ako purihin. " natawa naman sila sa sinabi ko.
" I heard, may boyfriend kana daw. So, where's the lucky man? " nilingon ko si Kyle.
" Australia " simpleng sagot ko, ayaw ko kasing pag-usapan.
" Sayang naman hindi namin makikilala, sana inuwi mo naman kahit ilang araw lang. " It was Oliver.
" Hay naku, as if naman papayag sina tito at tita e ang strict ng mga yun pagdating dito kay Avi. " natawa ako sa sinabi ni Nyx, totoo naman kasi lalo na at walang kamag-anak dito si Lindon.
He's my boyfriend at isang taon na rin kami. He's a half filipino and half Australian, gwapo, matangkad, mabait at higit sa lahat mahal ako.
" Hi! " para akong nanigas sa aking kinatatayuan nang marinig ang boses ng lalaking kanina pa nagpapakaba sa akin. Magkakaibigan kaming lahat noon kaya malamang ay narito ito ngayon.
" Wait, bakit ka nandito? " kunot noong tanong ni Sella.
" Love, ano bang klaseng tanong yan? Magkakaibigan tayong lahat kaya malamang ay narito siya. " wika ni Ranz dito, pinandilatan siya ni Sella. Alam ko naman kung bakit ayaw niyang narito si Zayn, yun ay dahil sakin.
" Finally, kumpleto na tayo. Tara na, sobrang namiss ko yung samahan natin " masayang wika ni Oliver at hinila na kaming lahat papasok. Nakaramdam ako ng guilt dahil alam kong dahil sa nangyari sa amin ni Zayn kaya lumayo ang loob nila kay Zayn.
May dalawang tent sa tabing dagat, isa para sa aming babae at sa kanilang mga lalaki. Pumasok muna ako sa tent at doon inilagay ang mga gamit ko, may mga cottage naman dito pero mas gusto daw nila ang mag-tent para mas masaya.
" Avi, are you okay? " napatingin ako kay Sella at Nyx na nakapasok narin pala, ngumiti ako sa kanila.
" Wala naman nang reason para maapektuhan ako. Naka-move on na ako kaya wag kayong mag-alala. Pareho na kaming masaya ngayon. "
pagsisinungaling ko dahil sigurado ako sa sarili ko na mahal ko pa talaga siya. Kaya lalo akong nagi-guilty ngayon dahil kay Lindon.
" Ang usapan kasi namin hindi siya kasama, ito namang sina Ranz at Oliver nakakainis! " - Sella.
" Hayaan niyo na, okay lang ako. " ngumiti pa ako ng halos hanggang tainga para mapanatag ang loob nila.
" Tara na nga! "
Sabay-sabay kaming nagtungo sa may bonfire na ginawa nung apat, naroon din silang nakaupo sa tabi nito.
" Spin the bottle tayo! " masayang wika ni Ranz, pansin ko ang pananahimik ni Kyle.
" Sige! " pagpayag ni Sella na ikinalingon ko dito, mukhang may binabalak ito.
" Sulitin natin ang gabing ito dahil sigurado sa mga susunod na araw busy na tayo sa pagharap sa bagong mundo natin. " makahulugang wika ni Oliver.
" Kaya nga, buti na lang naka-graduate tayong lahat. " natatawang wika ni Ranz.
" Oo nga pala Avi, babalik kapa ba sa Australia? " napatingin silang lahat sa akin sa tanong ni Nyx.
" Kung ako ang tatanungin, gusto kong bumalik kaso ayaw na akong paalisin nila mama at papa. "
" Anong plano mong pasukang trabaho dito? " tanong ni Zayn na ikinalunok ko, pilit akong ngumiti kahit sobrang naiiling na ako sa tingin niya.
" Diko pa alam. " pag-amin ko.
" Ano bang tinapos mo? " tanong muli ni Crayon.
" Business management. Pinapasok ako ni papa sa kompanya pero dipa ako nakapag desisyon. " sagot ko.
" Gusto mo ipasok kita sa bake shop ni mama? " napalingon ako kay Kyle.
" Diba you love baking? Baka lang gusto mo, alam ko namang ayaw mo talaga sa kursong tinapos mo. "
Napangiti ako, he's right. Hindi ko alam kong siya lang ba ang nakakaalam dito na baking talaga ang hilig ko.
" Nakakahiya naman. "
" Ano kaba? Bat ka mahihiya? Isa pa, close naman kayo ni mama noon pa. " napangiti ako dito.
" Kumusta pala si tita? " tanong ko, mula kasi nang makaalis ako dito hindi ko na talaga sila nakausap pa.
" She's fine, ang sabi niya bumisita ka daw roon minsan. "
" Sige, pupunta ako doon. "
Napatingin ako kay Zayn at nais kong pagsisihan ang ginawa dahil nakagingin pala ito sa akin.
" O siya, tama na yan. Maglaro na tayo, nandito tayo para magsaya hindi para pag-usapan ang papasuking trabaho. " natawa kami sa sinabi ni Oliver.
Napatingin ako sa aking cellphone nang tumunog ito at nakitang tumatawag si Lindon.
" Excuse me, sasagutin ko lang to. " paalam ko saka tumayo na.
" Boyfriend mo? " nakangising tanong ni Ranz, tumango naman ako at bago umalis ay nilingon ko si Zayn.
I saw anger and pain in his eyes na hindi ko maunawaan kung bakit. Pero siguro namamalikmata lang ako, bakit naman makakaramdam ng ganun ang isang Zayn? Eh mahal niyan si Selene.
Napatingin ako kina Sella ay Nyx na tila tahimik ngayon bago nagtungo ako sa di kalayuan at sinagot ang tawag. Nagpaalam naman ako kay Lindon kanina na mag-o-overnight ako with friends, hindi naman big deal yun sa kanya.