Chapter 1
" Aviannah...." masayang salubong nila mama sa akin sa airport, inalis ko ang aking shades at cold na lumapit sa kanila. Wala naman akong balak bumalik, kung di lang nila ako kinulit.
Naiinis parin ako sa kanila, pagkatapos nila akong itapon sa ibang bansa para doon tapusin ang pag-aaral ko ay pababalikin ako.
" Wow! sobrang ganda mo na talaga! " inirapan ko si Kuya, namiss ko sila pero may tampo parin ako syempre.
" At ikaw, mukhang malakas ka paring mang-asar " napangisi ito sa sinabi ko.
" Sayo lang naman. " inirapan ko ito na ikinatawa niya.
" Naninibago ako sayo ah! Dalagang-dalaga ka na! Ang ganda-ganda mo na! May boyfriend ka na siguro noh?" Sabi ni kuya with his naughty smile.
" Heh tigil-tigilan mo nga ako! Hindi ka parin nagbabago! "
"Ano baaah! Hindi naman kita niloloko eh! " He looked at me from head to
toe.
" Tsaka, babaeng-babae ka na talaga! Marunong ka ng manamit! So ano,
may BF ka na ba? "
" Psh! shut up! "
" Nagtatanong lang naman! " He smiled another creepy smile.
" O baka naman si Za** " hindi nito natapos ang sasabihin dahil agad kong tinakpan ang kanyang bibig. Malakas naman niyang inalis ang aking palad at lumayo sa akin.
" Duh! as if naman siya lang ang lalaki sa mundo. May boyfriend na ako noh! "
"ABAH! At mas umarte ka pa."
" Manahimik ka nga, ang kulit mo! "
" At sino naman ang nagkamali sayo? " Inirapan ko ito.
" Anong akala mo sakin? "
" Halina nga kayong dalawa, para kayong aso't pusa. At para narin makapagpahinga ka Avi. " sabi ni papa na agad naming sinunod. Pagdating ng bahay ay agad dinala ni kuya ang gamit ko papasok.
" Aviiiii... " napangiti ako nang marinig ang matinis na boses ni nanay Meling. Malapit ang loob ko dito dahil siya ang nag-alaga sa akin mula pagkabata at todo ang iyak niya nang umalis ako.
" Nanay... namiss kita. " mabilis akong yumakap dito na ikinatawa niya.
" Namiss din kita anak." nakita ko ang inggit sa mga mata ni mama. Mas close pa kami ni nanay Meling kaysa sa sarili kong magulang, malaki kasi ang tampo ko sa kanila. Feeling ko kasi pabigat lang ang tingin nila sa akin, gusto ko lang lagi ang nasusunod at palaaway pa sa school kaya nang nagsawa na sila sa akin ay ipinatapon ako sa ibang bansa.
" Nanay, ano pong niluto niyo? nagugutom na ako. " nakita kong nagtungo sa kwarto sina mama at papa habang si kuya ay umupo sa sofa.
" Mechado syempre, makakalimutan ko ba ang paborito mo. " lumawak ang ngiti ko. Limang taon din akong nawala at ganoon katagal din akong hindi nakakain nito.
" Yes! salamat Nanah. "
" Naku Manang, wag niyo nga iyan bini-baby. Ang tanda na niyan. " puna ni kuya na ikina-irap ko dito.
" Inggit ka lang, bakit ba nandito kapa kasi e. Sana kasi nag-asawa kana lang para walang gulo dito. "
" Sorry ka pero wala yata akong balak mag-asawa kaya hanggang single ka, guguluhin kita. " tinignan ko ito ng masama na ikinatawa niya.
" Nanay, magpapahinga po muna ako. May bwisit dito e. "
Rinig ko ang tawa ni kuya at nanay Meling habang paakyat ako ng hagdan. Pagpasok ko ng aking kwarto ay wala paring pinagbago dito. Dali-dali kong nilapitan ang bedside table at idinapa ang picture frame doon. Kuha namin ito ng Zayn noong first year highschool kami.
Napabuntong hininga ako at umupo sa kama. It's been 6 years mula nang nag-away kami at umalis ako. Wala na rin akong balita sa kanya mula noon.
Kinuha ko ang kahon sa ilalim ng lamesa at tulad ng inaasahan ko ay naroon parin ang lahat ng ala-ala naming dalawa. Matagal na kaming tapos, siguro panahon na para itapon ko ang lahat ng ito.
Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok dito. Ibinalik ko ang kahon sa ilalim ng kama at tinungo ang pintuan, pagbukas ko ay bumungad si kuya na nakangisi.
" Bumaba kana daw at kakain na. "
" Okay! "
" Antayin ka namin sa baba. " sabi nito bago umalis. Nagbihis ako ng pambahay at tinalian ko ang mahaba kong buhok bago lumabas.
Pagbaba ko ng hagdan ay may isang pamilyar na bulto akong natunghayan. Nakatalikod ito ng upo pero sigurado ako sa hinala ko. Naramdaman ko ang mabilis na t***k ng aking puso at malakas din ang kabog nito.
" Aviannah... " para akong natulos sa aking kinatatayuan nang pagkababa ko ng hagdan ay may pamilyar na boses na tumawag sa akin.
" Wow! iha ang ganda-ganda mo na. Dalagang-dalaga kana. " masayang sabi nito habang papalapit sa akin at niyakap ako. Napatingin ako sa tanong nakaupo sa sofa at nagtama ang aming paningin na ikinalunok ko.
" Halika dito, kwentuhan mo naman kami ng naging buhay mo roon. " sabi ni tita at hinala ako paupo sa sofa, sa tabi ng taong hangga't maaari ay ayaw ko sanang makita pero wala akong magagawa dahil magkaibigan mg aming mga magulang at kapitbahay pa namin.
" Zayn, hindi mo ba kukumustahin man lang itong si Aviannah? " napalingon ako kay tito. Asan na ba kasi sina mama, papa at kuya? Bakit wala sila dito at ang mga ito ang narito?
" Kumusta? " hindi makapaniwalang tumingin ako kay Zayn. F*ck! Akala ko ba nakalimutan ko na ang feelings ko sa kanya?