" Love.. "
" How are you? Okay lang ba kayo? Tumawag lang ako para siguruhing okay ka. "
I smiled when I heard his voice. I learned to love him because of his goodness pero hindi sapat yun para mabura ang nararamdaman ko para kay Zayn.
" We're doing fine, don't worry. "
" That's good! Anong ginagawa niyo? Hindi ba ako nakakaabala? "
Napatingin ako sa mga kasama ko na nagkakasiyahan na, mukhang sinimulan na ang paglalaro ng spin the bottle.
" Hindi naman, we're just playing spin the bottle. How about you? What are you doing? "
" Hmmm... Secret! I have a surprise for you. " napangiti ako sa sinabi nito, siya kasi yung taong mahilig sa surprises.
" Hmm.. Can't wait for that. " excited kong sabi n ikinatawa niya.
" Sige na love, enjoy the night. I love you! "
" Ingat din, I-i love you. "
Nang patayin niya ang tawag ay agad akong bumalik sa kinaroroonan ng mga kasama ko at tama nga ako, nagsisimula na sila.
Umupo ako sa tabi ni Nyx, sa kanan niya si Sella, sunod si Ranz, Zayn, Oliver at Kyle. Kaya naman nasa tabi ko si Kyle na halatang ayaw kay Zayn na diko maintindihan kung bakit.
" Truth or Dare? " tanong ni Oliver kay Nyx na siyang tinapatan ng bote.
" Truth! " napangiti si Oliver sa sinagot ni Nyx.
" Kung liligawan ba kita papayag ka? "
" Oooooooh! " nagulat ang lahat sa tanong ni Oliver. Noon pa man ay kilala na si Oliver bilang playboy, kaya nakakagulat ang tanong nito. Wala naman sigurong balak na isama si Nyx sa mga babae niya, magkakaibigan kami kaya imposible iyon.
" Hindi! " napatingin kami kay Nyx sa sagot niya, saka tumingin kay Oliver na halatang hindi inaasahan ang pagtanggi ni Nyx.
" May boyfriend ako, isa pa mas mabuti pang magkaibigan na lang tayo. Para sa akin mas nagtatagal ang friendship. " malungkot na tumango si Oliver habang tahimik ang lahat.
Ngumiti si Nyx at pinaikot ang bote, akala ko sa akin tatapat pero sa katabi ko pala. It was Kyle, napangiti si Ranz.
" Ako na ang magtatanong. " boluntaryo nito, tumango naman si Nyx.
" Truth or Dare? " nakangising tanong ni Ranz, inirapan naman siya ni Kyle.
" Truth! " sumeryuso ang mukha ni Ranz na tila seryuso amg itatanong nito.
" Galit ka parin ba kay Zayn? " napatingin kaming lahat kay Kyle, tumingin siya kay Zayn na tahimik lang at tumingin sa akin.
" Oo, mawawala lang ang galit ko kapag alam kong napatawad na siya ni Avi. " gulat akong napatingin kay Kyle.
" Kyle "
" Wala ako sa mood pag-usapan, kayo na rin ang nagsabi na narito tayo para magsaya. So don't spoil the moment, ituloy na natin tong laro. " naputol ang nais kong sabihin, kinuha na niya ang bote at pina-ikot. Siguro ay kausapin ko na lang siya mamaya or bukas. Tumingin ako kay Zayn at nakitang nakatingin siya sa akin, ngumiti ito kaya ngumiti rin ako.
" Hindi na kita tatanungin kung truth or dare. I just want to ask one wuestion. " napatingin ako sa bote at kay Zayn pala ito tumapat.
" Go on! "
" Nalungkot ka man lang ba nang mawala ang pagkakaibigan niyo ni Avi? " napalunok ako sa tanong ni Kyle, napatingin sa akin si Zayn kaya nagtama ang aming mga mata.
" Yes! God knows how much i regretted. " i gulped again.
Natahimik ang lahat, he regretted? Alin doon? Sa pagtataboy niya sa akin? Or sa pananakit niya sa feelings ko?
Umiwas ako ng tingin at lumunok para alisin ang bara sa aking lalamunan.
" N-nakaraan na yun, we're both happy kaya kalimutan na natin yun. "
Mukhang naramdaman naman nilang ayaw ko nang pag-usapan ang nakaraan kaya nanahimik na ang lahat pinagpatuloy ang paglalaro. Pagkatapos ay nagkwentuhan at kumain.
" Cr lang ako! " paalam ko kay Sella at Nyx, nagsisimula na kasing mag-inuman. Tumango ang mga ito bago ako umalis.
Pagkatapos kong mag-CR ay nagulat ako nang makita si Kyle sa labas ng CR na nakasandal sa pader at nakapamulsa ang dalawang kamay.
" Kyle! " napalingon ito sa akin saka ngumiti.
" I know, you have a lot of questions in mind. Pagbibigyan na kitang magtanong, let's go? "
Dati, si Kyle yung pinakamasaya sa grupo. Hindi kumpleto ang araw namin kapag hindi namin siya kasama kaya naninibago ako sa pananahimik niya ngayon. Siya yung kaibigan naming lalaki na pinaka-close ko sa lahat.
Tumango ako dito, nagpatiuna ito sa paglalakad. Nagtungo kami sa tabing dagat, may kalayuan sa kinaroroonan ng mga kasama namin at umupo kami sa buhanginan.
" Alam kong nagtataka kung bakit nagagalit ako kay Zayn. " panimula nito.
" Nang araw na pinapunta ka ni Zayn sa park, kasama niya ako. Humingi siya ng payo sa akin kung paano aamin sayo na gusto ka niya at kung paano ka liligawan. " gulat akong napatingin sa kanya.
Ang alam ko kasi nang araw na yun ay pinapunta niya ako para sabihin ang tungkol sa kanila ni Selene. Pero dahil magkasama sila ni Selene nang oras na yun, nakalimutan niya ako. Isa yun sa ikinasasama ng loob ko sa kanya.
" Nagagalit ako kasi nangako siya sa akin na hindi ka sasaktan. Ang sabi niya totoo ang nararamdaman niya sayo pero bigla na lang naging sila ni Selene. "
Parang may kumurot sa puso ko, parang bumalik ang lahat sa akin. Kung paano biglang umeksena si Selene sa amin, kung paano ako nasaktan, kung paano niya ako tinaboy at mas pinili si Selene.
" Pero Kyle, hindi ko gustong ganito kayo. Isa pa, okay na ako. "
" Para na kitang kapatid Avi, pinaramdam at pinakita ni Zayn na ikaw yung prinsesa sa grupo na dapat ingatan. Kaya nakakagalit na siya pa yung nanakit sayo. "
" I'm happy that you cared about me pero nakakalungkot na nasira kayo ng dahil lang sa akin. "
" Hindi kami nasira ng dahil sayo Avi, nasira kami ng dahil rin sa kagagawan niya. " napabuga ako ng hangin.
" Hindi niyo na ba kayang ayusin? Hindi na ba maibabalik sa dati? Kyle kung ako lang ang iniisip mo, I'm really okay. Masaya na ako ngayon. " napatingin siya sa akin.
" Really? Pero hindi na katulad ang mga mata mo. Ang mga matang kapag masaya ay tila ba kumukinang. " I smiled on what he said.
" You really know me very well. " ngumiti narin siya.
" Ofcourse! "
" So, can you forgive him? for me? " I asked, tumingin siya sa akin na tila inaalam kung totoo ba ang nais ko. Ilang sandali pa ay tumango ito.
" Okay, but i will never forgive him if ever he hurt you again. " inakbayan niya ako, isinandal ko naman ang sarili sa kanya.
" Thank you! " bulong ko.
" Duh! Kailangan mong bumawi sa akin, ang tagal mong hindi nagparamdam sa akin. " tila batang nagtatampo na sabi niya na ikinatawa ko.
" Yes boss.. " natawa rin siya sa sinabi ko.