“Naku hindi lang mabait, si Mayor Adam, Georgie sobra-sobra mabait at matulungin sa kapwa,” ani ni Perla. “Kaya mahal siya ng mga tagarito sa bayan at ang buong angkan nila mahal ng buong lalawigan!” ani ni Perla tapos na sila mag-almusal nakikipagkwentuhan na lang si Georgie sa dalawa kasambahay “Nakikita ko nga, sa pag trato palang sa inyo ni Adam masasabi kong parang pamilya na ang turing niya sa inyo,” nakangiti turan niya. “Ay, oo,” sabi segunda naman ni Narcisa. “Hindi lang naman si Mayor Adam, lahat sila ng mga Des Conde sobrang mabait walang tulak kabigin. Tapos ang mga yummy at mayaman pa sabi nga ng iba nasa kanila na nga lahat.” Ani nito. “Ewan ko nga lang kay ma'am Yasmien kung bakit nagawa niyang iwan na lang ng ganon si Mayor at sa mismong kasal pa nila.” tuloy-tuloy na

