“Mmm, ayos lang naman kung hindi natin maubos ang pagkain,” sagot nito. “Pwede, bang tawagin natin ang mga kasambahay pati sina manang?” sabi niya sa kanyng asawa habang ang mga tingin ay nasa pagkain. Napatingin si Adam sa kanya ang mga mata nito nagtatanong. “Sayang naman kung hindi, natin mauubos. Maraming tao ang hindi kumakain ng tama tapos tayo mag-aaksaya ng pagkain!” untag niya. Pinakatitigan naman ni Adam ang asawa kaya kitang-kita niya seryoso ito sa sinabi. “Siguro naman hindi pa rin kumakain sina manang di ba?” tanong ni Georgie. Sanay naman siya kasabay ang mga kasamahan sa bahay noong nasa korea pa siya kaya wala kaso sa kaniya kung makasabay nila maghapunan ang kasambahay ni Adam. Kahit lumaki sila na may gintong kutsara sa bibig pinalaki pa rin sila ng mga magulang

