“Uwi na po kami, Ate Georgie,” paalam ng mga bata sa kanya. Nakangiti, tumango naman si Georgie. Nakangiti, tumango si Georgie nang paalam na sa kanya ng mga bata. "Sige, ingat kayo pag-uwi. Puntahan ninyo ako sa mansyon bukas, ah. Gusto ko ipasyal ninyo ako sa buong Hacienda at sa labas nito. Wala kasi akong kakilala at hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito sa lugar ninyo," nakangiting wika niya sa mga bata. Sabay-sabay naman tumango ang mga ito. “Sige po, Ate Georgie, ipapasyal ka namin dito. Tapos pupunta tayo sa may talon. Maganda po doon, sobrang lamig ng tubig at ang linis pa po,” sambit ng mga bata sa kanya. Natuwa naman siya sa sinabi ng mga ito. “Talaga?” masayang turan ni Georgie, habang may ningning ang mga mata nitong nakatingin sa apat na bata. “Opo,” sagot naman ng mga

