"At, ano ba ang bayabas?!” Takang tanong pa niya sa mga bata. Hindi niya kasi alam kung ano bayabas ang sinasabi ng mga ito, hindi siya pamilyar sa pangalan. Napakunot ang noo ng mga bata. “Bayabas po, ate. Alam niyo po ba ‘yon? ‘Yung prutas na bilog at berde?” paliwanag ni Ana. Kay Georgie. Napangiti si Georgie. “Ah?” tanging nasabi na lamang niya sa mga bata dahil hindi niya talaga alam ang isasagot sa mga ito. “Sorry, hindi ko alam ang tinatawag ninyo bayabas,” napapakamot na turan ni Georgie sa mga ito. “Ay ganon po ba,” wika naman ng isang bata. “Gusto ninyo po bang sumama sa amin para mamitas ng bayabas para na rin po makita ninyo ang itsura ng bayabas,” nakangiti turan ng mga ito. Napangiti naman si Georgie sa tinuran ng mga bata. “Sige,” walang paligoy-ligoy na tugon ni

