Ang pag-aalala ng pinsan niya nakakapangiti sa puso ni Georgie. Ang pagmamahal at pagmamalasakit ni Karisa ay hindi niya maitatanggi. Pero sa kabila ng mabuting intensyon, nararamdaman niyang kailangan niyang harapin ang pagsubok na ito nang mag-isa. “Sure ka ba, Georgie, na ayaw mong magpahatid pauwi sa mansyon ng asawa mo?” tanong ng pinsan niyang si Karisa. “Pwede naman namin, ikaw ihatid muna ni kuya Ruel bago kami umuwi sa Maynila,may oras pa naman,” dagdag na wika pa ni Karisa sa kaniya. Sunod-sunod naman na umiling si Georgie sa kanyang pinsan. "Hindi na, ayos lang ako, saka kaya ko naman nang umuwi mag-isa. Alam ko naman kung saan ang address ng mansyon," nakangiti niyang tugon sa pinsan. “Sige kung ‘yan ang desisyon mo,” nakangiti turan pa nito. “Basta, kapag nagkaroon

