N A P H T H A L Y N
"Nana. Nana... Duh. Naphthalyn? Hoy, andyan na yung crush mo."
"Gisingin mo na dali."
"Haaay, kaya naman pala single 'to kasi tulog nung may nag-paulan ng jowa."
Napakamot ako ng batok dahil sa maingay na boses na narinig ko. Hindi ko na kailangan pa na idilat ang mata ko o iangat ang ulo ko para malaman na sina Alex at Ryan ang nagmamay-ari ng mga boses na ito.
Alex couldn't seem to wait kaya marahas niya akong inalog-alog. Sa sobrang harsh ay muntik na akong mahulog sa upuan. Iritable ko nang inangat ang ulo ko at umupo ng maayos tapos ay marahas din na inalis ang mabigat niyang kamay sa balikat ko.
"Ano ba!” anas ko. Kagigising ko lang kaya medyo nanlalabo pa ang mata ko.
"Yung crush mo oh, kaklase natin siya now, ‘di ba?" sagot ni Alex habang ngumunguso patungo sa front seat ng klase. Sinundan ko naman ito at mabilis na nakita ang taong tinutukoy niya, si Thomas Reyes.
"So, you woke me up only to tell me na kaklase natin siya ngayon?" tanong ko gamit ang monotonous na tono ng boses.
"Yeees! Ang bait ko, no?" Alex joyfully replied, clasping his hands together while twinkling his eyes. Glitters na lang siguro ang kulang then he would look the same as those cartoon characters who likes to do puppy eyes with dazzling lights in the background.
"Oo. Pero malapit na rin naman yung oras kaya ginising ka na lang namin," Ryan clarified habang abala sa pagbabasa ng liquidation paper na ipapasa niya sa publication office mamaya.
Sina Alex at Ryan ang tanging malapit kong mga kaibigan noong college, at isa rin sila sa madalas na nagpapagulo ng buhay ko dahil sa mga lalaking pinapares nila sa akin. Sa aming tatlo kasi ay ako ang zero experience pagdating sa relasyon. Pareho silang in-a-relationship noon; may girlfriend si Ryan habang may boyfriend naman si Alex. That’s why as supportive friends ay lagi silang hunting mode para sa akin. At sa mga panahon na ‘yun si Thomas Reyes ang nakikita nilang potential partner para sa akin.
Si Thomas Rain Reyes ay isang sikat na sikat na estudyante ng batch namin noon. Kilala siya ng lahat dahil sa high profile background niya. Nagmamay-ari ng eskwelahan ang pamilya nila at may iilan silang big time stores sa buong syudad. His family was like local celebrities.
Sa pagkakaalala ko, Thomas had a remarkable physique among the guys in our college. For a man he had a statuesque charm, yet he was stronger and more dignified, kaya naman mabenta siya sa mga babae at binabae.
Full package siya, mula katawan, mukha, talino, at economic status. Bonus na lang siguro kung mga maganda rin siyang ugali.
I didn't want to get involved with him, ayaw ko ng gulo. Unfortunately, my friends love attention back then kaya nga pinares nila ako sa kanya. What makes it worse is that we were in the same classes in minor subjects, kaya sa tuwing nagtatagpo kami ay panay ang tukso ng dalawa sa akin.
"Inom muna ako ng tubig," pagpapaalam ko sa kanila.
"Ha? Baka andyan na si Ma'am," sagot ni Ryan.
"Okay, lang naman. Kung paparating siya makikita ko rin naman siya, no. Duh?" pagtataray ko. I was a little harsh before as a young adult.
"Ibalik ko na itong bag mo sa upuan mo, Nana ha," Alex asked while holding on my backpack. Nakapatong kasi ito sa kanyang armchair, doon kasi ako natulog kanina.
Nginitian ko na lang siya ng malapad bilang pagpapasalamat saka tumayo at tuluyan nang lumabas ng classroom. Mabuti na lang at malapit lang kami sa pinto. Nasa dulo kasi kami ng silid laging pumupuwesto. Tandang-tanda ko pa ang seating arrangement namin noon. Nasa unang upuan mula sa pinto ako nakaupo, sunod ay si Alex, tapos ay pangatlo si Ryan. Limitado lang kasi ang upuan sa araw na iyon dahil ginamit sa isang conference ang classroom namin sa umaga. May portable divider kasi ito na nagdurugtong sa katabing dalawang silid nito. Kaya nung lumabas ako napansin ko agad ang mga upuan na nakatambak lang sa gilid ng drinking fountain.
Nagmadali ako sa paglagok ng tubig nang makita ko si Ma'am sa hagdan na paakyat na sa floor namin. Nagpunas muna ako ng bibig saka naglakad pabalik ng classroom. Hindi naman ito masyadong kalayuan. Kaya nga nasa best area ng building ang classroom ng subject namin sa oras na iyon. Aside from malapit ito sa drinking fountain, malapit din ito sa comfort room ng babae at ng lalaki. Hindi mo na kailangan pa na maglakad ng napakalayo sa square shaped building namin dahil ilang hakbang lang ang lapit ng mga ito sa amin.
Natigilan ako nang pagtungtong ko pa lang sa pintuan ng classroom namin ay nakita ko nang may ibang taong naka-upo sa silya ko.
"Damn," bulong ko.
When I thought about it now, hindi naman talaga nasusunod ang first come first serve na sistema ng upuan sa klase namin na ‘yon.
"Hi, girl." Pangaasar sa akin ni Ryan.
Mga demonyo talaga ang mga ‘yon hindi man lang pinaglaban ang pwesto ko.
"Ms. Gamboa? Take your seat." Sa sobrang inis ko nun ay hindi ko napansin na nasa loob na pala ng classroom si Ma'am.
If only I had the courage to confront the chair thief ay sana baka nag-iba ang takbo ng buhay ko noon.
Nagpaalam muna ako kay Ma'am para lumabas at kumuha ng extrang silya. Pero binitbit ko muna ang bag ko sa armchair ni Alex saka lumabas na ng classroom.
Nasa water fountain na ako at bubuhatin na sana ang upuan but to my surprise, Thomas walked past me and took the chair instead.
"Saan banda ko ito ilalagay?" tanong niya.
"A-Ah, pwede naman na ako na lang ang magbuhat."
"It's fine, mabigat 'to para sa’yo," he answered while walking towards the classroom. Feeling ko tuloy naging utusan ko siya. But it was the first time I had a conversation with Thomas.
"Thanks, Reyes." He then left the chair beside Alex and immediately went back to his seat.
Pag-alis niya ay agad na dumapo sa akin ang malikot na mga mata ng dalawa kong traydor na mga kaibigan.
"Wow, naman," ani ni Alex.
"Pasalamat ka sa'min nagka-moment kayo,” dagdag ni Ryan.
Napakunot naman ako ng noo sa mga pinagsasabi ng dalawa. Hindi ko naman hiningi ang tulong ni Thomas, hindi ko iyon intensyon. May mga kamay naman ako at hindi ako ganoon kahina para hindi mabuhat ang upuan namin na gawa lang naman sa plastik.
Simula noon ay madalas nang magtagpo ang landas namin ni Thomas. Strange, right?
After few months ay masasabi kong we were close to friends. Close to friends kasi hindi naman kasi talaga kami laging magkasama kagaya ng magkaibigan. Nagpapansinan kami tuwing nagkikita sa daan at minsan nag-uusap din sa klase kung kailangan. Medyo naiintindihan ko na siya. I even forgot about not getting involved with him.
I was totally unaware of his motives, especially when I learned a few things about him. Just like how he likes animals, anime, and art. He was also a book nerd who loves fantasy stories. Unlike his young CEO aura, Thomas was just like an ordinary college student.