PAGE TWO

1859 Words
N A P H T H A L Y N "Picture tayo!" aya ng isa namin na kaklaseng babae. "Okay guys, smile ha. 1.2.3." Bilang niya sabay click ng selfie stick nang makakita na ng magandang angulo ng camera. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito. It was the day when Thomas started to make a move for his plan. Pero hindi ko pa rin ito kaagad na nakitang mangyari, kagaya nga ng sabi nila, Thomas Rain Reyes is so smooth you wouldn't notice he has caught you. Maganda ang naging simula ng araw namin, nanlibre kasi ang teacher namin sa isang minor subject. Araw ng mga guro nun at sinurpresa namin siya. She's always been an emotional educator kaya para pasalamatan kami sa hinanda namin na surprise ay nag-alok siya ng libreng tanghalian sa amin. Lalabas na sana kami noon nang may makasalubong ‘yung teacher namin na mga estudyante niya sa ibang klase. Nagpa-picture pa sila kay Ma'am. Wala kaming nagawa kung hindi ang tumambay muna sa malapit. Nasa balkonahe tumambay ang iba, may iilan din na umupo muna sa loob ng classroom. Habang nagsiksikan naman kaming tatlo sa kaisa-isang mahabang sofa na naka-pwesto sa labas ng bawat classroom ng department namin. Maya-maya lang ay may dumagdag pa na dalawa sa sofa, kaya mas sumikip pa ang pwesto ko. Napapagitnaan kasi ako nila Ryan at Alex. Kaya pinili ko na lang tumayo at bumalik sa loob ng classroom. Isa pa may electric fan sa loob kaya mas mabuti pa na doon na lang ako maghintay. "Saan ka?" tanong ni Alex sa akin. "Sa loob lang, iniipit niyo kasi ako," I replied while pretending to crack my shoulders. "Sorry, madam." Ryan bowed. Thinking about it now, mas maganda nga siguro kung nanatili na lang ako sa sofa at tiniis ang init kaysa makatagpo pa ako ng panggulo. Pagpasok ko sa classroom ay hinanap ko agad ang pwesto na malapit sa electric fan, pero dahil may nauna na sa akin ay siniksik ko na lang ang sarili ko sa banda na kahit papaano ay natatamaan ng hangin. But of course, it was not enough to dry my sweat, kaya nang may nakita akong asul na foldable fan sa upuan na nasa harap ko ay kaagad ko na itong kinuha. Ginamit ko saglit ang pamaypay at saka lumabas ng classroom para itanong sa lahat kung kanino ito. But no one replied, kaya ginamit ko na lang ito ng todo. Yes. I know. I know. Finders keepers. Ginamit ko na ang pamaypay habang nag-ala doña na naglakad papalapit sa dalawa kong kaibigan na inipit ako. Ang yabag ko pa nun, who could have known that the fan was just another bait. “Nana!” tawag sa akin ni Alex. "Ano?” "Andyan na si Thomas," anas niya. Sinundan ko lang ng tingin ang kamay ni Alex at sinamaan siya ng tingin. "Naphthalyn." Natigilan ako at mabilis na tinakpan ang bibig ni Alex nang marinig ko ang boses na tumawag sa akin. The next thing I thought about is to wish that he did not hear anything. Malakas pa naman ang boses ni Alex kahit bumubulong na siya. "Do you have my fan?" tanong niya sa akin tapos ay tinuro ang kamay ko. "Ah. Sa'yo 'to? I kept on calling kanina kung kanino 'to, no one answered so I assumed na wala yung owner," nahihiya kong sagot. Sa sobrang hiya naging fast paced ata ang pananalita ko. Inabot ko sa kanya ang pamaypay saka sinabi na, "Here. Nakinabang ako ng konti kanina." "No. You can borrow it," he replied, pushing his hands on mine to refuse me from returning his fan. I smiled, awkwardly. Ito na ang red flag na hindi ko kaagad napansin noon. He was uncomfortably kind to me. It was a little annoying. May iba pang kababalaghan na ginawa si Thomas sa akin noon. Naalala ko ‘yung sandali na bigla na lang siyang sumulpot para makipag-share ng payong sa akin sa gitna ng mainit na sikat ng araw. It could be normal, us sharing an umbrella, sa init pa naman kasi ng panahon nun wala talagang makakatiis. Pero nasa harap ko lang kasi ang mga kaibigan niya na tig-iisa ng dalang payong. So, why did it have to be with me? Gayunpaman ay hinayaan ko siya. May isang beses pa nga na sa tabi ko siyang natulog sa loob ng classroom. Nakapagtataka lang. Pero inisip ko na lang na baka aircon lang ang habol niya sa tabi ko dahil nasa tapat ng aircon ang upuan ko noon. To be honest, I was about to fall in love. Again, Thomas Rain Reyes is the man of every woman's dream. He was just perfect. He was just too good to be true that I did not want to get involved with him kasi alam kong magkaiba kami. But then he showed these motives, of course, as a naive woman who has zero experience in relationships and has low exposure to romance, I would assume that he has something for me. Pero isang araw. Isang normal na araw, dumating ako sa eskwelahan na nagkakagulo ang lahat. Ito ‘yung araw na nakumpirma ko kung ano ba talaga ako para kay Thomas. Nakakatawa kasi alam kong posible na wala talaga, na walang something, pero assumera ako noon at na-excite pa sa maaaring nangyayari. Kararating ko lang at nakita ko kaagad na may kumpulan sa hagdan na patungong third floor. "Oh! Naphthalyn! Ba't andito ka?" gulat na tanong ng isa kong kaklase sa major. "Uh, what's new? Ang layo ng bahay namin," reklamo ko sa kanya. Nalilito akong tiningnan ni Martin tapos sinabi sa akin na, "You see, pagpasok mo sa room niyo madadatnan mo si Thomas na may bitbit na bulaklak. Nakita kasi siya ng kaklase ko na nakangiting naglalakad with a bouquet of flowers. Ikaw lang naman unang pumasok sa isip ko since madalas ko kayong nakikita na nag-uusap sa minor natin." Noong una ay hindi ko masyadong nakuha ang banda na may bitbit na bulaklak si Thomas and how that thing became a fuel to the assumption na may bibigyan siya nito at malaki ang posibilidad na ako ‘yun. At ano naman kung palagi kaming nag-uusap? Napahinto ako sa paglalakad nang nasa tapat na ako ng pinto ng room namin nang napagtanto ko ang isang bagay. Everyone in our college knows about the existing ship I have with Thomas. Dahil sikat si Thomas kahit sinong babae na nakakausap niya ay nagawan na ng issue, kaya hindi rin ako nakatakas at may iba na iniisip din na may relasyon kami ni Thomas. Hindi rin ba nila naisip na baka komportable lang si Thomas sa akin dahil sa puro lalaki ang mga barkada ko at para akong lalaki kung manamit at umasta? I was not presentable during college kaya hindi na ako nagtataka kung inakala ng iba na tomboy ako. Well, it didn't matter so much kasi babae pa rin naman ako. Napakapit ako sa backpack ko. What if it’s for me? Pero what if it's not? Funny to say pero iyon ang nasa isipan ko noon at no matter which one ay kailangan ko pa rin na pumasok ng classroom. Late na kasi ako ng dalawang minute para sa klase. "Here comes nothing," sabi ko sa sarili sabay hila ng doorknob. Sa pagbukas ko ng pinto ay kaagad ko na narinig ang hiyawan ng aking mga kaklase. Unang-una kong nakita sa aking harap ang matangkad at mestizo na si Thomas. Sa sandaling iyon ay nanghina ako ng bahagya, ang masama pa ay muntikan na akong umiyak. Tila ba huminto bigla sa pagtibok ang aking puso because the man standing in front of me was kneeling on the ground not before me, but to another woman. Hindi pala para sa akin ang bulaklak na dala-dala ng mokong. Nalaman ko na lang na matagal na palang nag-uusap through chat si Thomas at Mitch. I'm not too dumb to also not realized that I was just a cover up to divert everyone's attention to Mitch. Sikat si Thomas, at ibig sabihin din nito na posibleng umani ng sandamakmak na kritiko ang babaeng magugustuhan niya. But since ship lang kami at isa akong tomboyish na babae na laging nasa dulo ng classroom nakaupo, alam niya rin na walang magseseryoso kahit sabihin pa ni Alex at Ryan na bagay kami ni Thomas. Because the truth is we are never a perfect match. Okay lang naman, tanggap ko. At naka-move on na ako. Hindi naman siya mahirap kalimutan dahil hindi naman siya naging malaking parte ng buhay ko. Ang haba ng kuwento ko, pero sa ganoong paraan lang naman talaga ako nasaktan. Kasalanan ko rin naman kasi na umasa ako ng konti. But thanks to that ay nakita ko ang true love ko — ang pagsusulat. It was a roller coaster ride. Noong una ko ito na-discover pakiramdam ko ay nasa rurok ako dahil punong-puno ako ng inspirasyon mula sa panggagamit sa akin ni Thomas. Pero sa kalagitnaan, lalo na noong natapos ko 'yung una kong libro, parang nawalan ako ng gana. Tapos na kasi, nabuhos ko na ang lahat. But then when I reached the end, my thoughts suddenly overflowed and was looking for something to pour it all on, I started to rediscover writing. At 'yun na. Ito na. Nandito na ako sa kinalalagyan ko ngayon. Isang published author na hindi gaanong sikat pero hindi rin masyado nilalangaw. Sakto lang. Kumikita rin ako kahit papaano. And I am satisfied with it. Hindi rin naman kasi kami totally na naghihirap. Gusto ko lang talaga na magsulat. Kinuha ko ang handbag ko sa sofa at saka lumabas na ng apartment ko. I live in an apartment temporarily, malapit lang kasi ito sa eskwelahan na pinagtatrabahuhan ko. I am a part-time school guidance counsellor, ito ang kurso na tinapos ko. But what I really like is to write, let's say I am a part-timer in both professions. Nasa loob na ako ng kotse at handa na sana na umalis nang nag-ring ang phone ko. Inangat ko muna ang hand break ng sasakyan saka ko sinagot ang tawag. “Nana, nasaan ka?” bungad na tanong ng boses sa kabila linya. “Christine? Ano, papuntang school. Bakit ba?” “Hindi ba nabanggit mo noong isang araw na gusto mong sumubok ng bagong platform sa pagsusulat mo?” “O-Oo.” “Nakahanap na ako. Pumunta ka kaagad sa pub house pagkatapos mo sa school, ha,” sambit ni Christine tapos ay kaagad na ibinaba ang tawag. Ah. Eto na naman tayo. I didn't really mean what I said the other. Hindi ko naman talaga gustong sumubok ng ibang platform. Nasabi ko lang ‘yun dahil sa nabasa kong webtoon, nagalingan kasi ako sa paraan ng pagsulat ng writer nito. It's not the usual direct lines na madalas kong mabasa sa mga manga at webtoon. May narration kasi talagang nagaganap sa webtoon na ‘yun. Hindi ko naman alam na maaalala pa pala ni Christine ang sinabi kong iyon. “Whatever. Wala naman sigurong masama kung pupunta ako mamaya. Parte pa rin naman ito ng trabaho ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD