N A N A
“Good morning, ma'am,” bati sa akin ng student assistant na si Ms. Lorenzo pagpasok niya ng office. 9 AM ang duty niya rito dahil may pasok siya ng seven hanggang eight ng umaga.
Hindi naman strict ang trabaho ko. In fact, the office is just boring with just me here. Kakaalis lang din kasi ng kasama ko rito na isang taon ang seniority sa akin. And I will soon leave this job once my contract is over.
Yup. This is a private school after all.
Anyway, the peak of my job happens when ten in the morning strikes the clock. Sa ganitong oras kasi nagre-recess ang mga estudyante. They all get bored in their classroom so some of them will visit my office.
“Hello po, ma’am Gamboa.”
“Teacher! Good morning po.”
“Hello, Ate Gigi. Hello, Teacher Gamboa! Good morning!”
Sa basic education guidance office ako nagtatrabaho kaya hindi maiiwasan na may mga makukulit na chikiting na dumadayo rito. Napalapit na rin kasi sa amin ang iba sa kanila, lalo na ‘yung mga bata na madaldal at bibo kausap.
May mga panahon na kinakausap ko sila, pero hindi maiiwasan na may mga umagang tambak ang paperworks. I am always prepared sa mga ganitong sitwasyon. 10 AM is still working hours, kaya para mag-behave ang mga batang ito habang nagpapa-aircon sa office ko ay may dala akong pagkain para sa kanila.
Alam ko na may baon sila for recess. Pero mabilis nila itong nauubos at naglilibot na naman sa office. I can’t afford kung may matabig man silang papeles sa lamesa ko.
“Who wants biscuits?” tanong ko sabay taas sa lalagyan ng biscuits.
“Me!”
“Ako, ma’am!”
“Teacher!”
Nagsihinto sa pamamasyal sa opisina ang mga bata. Iniabot ko naman kay Ms. Lorenzo ang garapon para ibigay sa kanila.
Araw-araw ay iba’t iba ang laman na pagkain ang nasa garapon na nakapatong sa dulo ng lamesa ko. Sa tuwing wala ako ay si Ms. Lorenzo na ang bahala sa pagre-refill nito. My middle drawer is basically a pantry dahil sa biscuits at candy’s na laman nito. Maliban kasi sa pampa-behave nila ay namimigay rin ako sa mga estudyante after their counselling to calm them. Pero may mga panahon naman na healthy foods ang binibigay ko sa kanila. I purchased some at the canteen. May mga healthy snacks naman doon.
At sa sandaling nakuha na ng mga bata ang pagkain ay tumahimik na sila. Uupo sila sa mahabang sofa na nakapwesto sa tapat ng lamesa ko. They will watch me as they munch their foods.
I enjoy their cuteness though.
Paperworks ang inaasikaso ko sa tuwing walang counseling. Masayahin naman ang karamihan sa mga estudyante rito. But I still have regular students na weekly kung bumisita rito to seek advice, o kaya kung may gusto lang silang pag-usapan na mga bagay-bagay na hindi nila maintindihan sa sarili nila.
“Maaga po ba out niyo ngayon, Ms. Gamboa?” tanong sa akin ni Ms. Lorenzo.
Malamang ay nagtataka siya kung bakit ako maagang nagliligpit ng gamit. I usually pack up in the afternoon around four, pero dahil siguro ang aga ko ngayon kaya niya ito nasabi.
“I guess?” She gave me a confused look in the eyes. She must be wondering why. I then chuckled, “Writing duties calls.”
Lumiwanag ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ko.
“Woah! Talaga po ba? May bago ka po bang sinusulat na kwento?”
Which I awkwardly replied, “I… I’m not sure yet. I’m still planning… things.”
Nalilito pa kasi ako kung ano ang sunod na genre na susubukan ko. May romance, fantasy, at thriller na akong mga nasulat na libro. Now, I wanted to try romance’s another sub-genre, erotic. Pero madalas na na-rereject ang mga manuscript ko dahil ito ang kahinaan ko. I just can’t relate.
“But don’t worry, I’ll figure it out. Bye for now, Gigi.”
Isa si Gigi Lorenzo sa iilan kong readers. Hindi naman nilalangaw ang mga sinusulat ko pero hindi rin masyadong sikat. And it just so happens na nakita ni Gigi sa laptop ko ang manuscripts ko. That time ay gusto kong magsulat ng utopian story. I know, from utopian to erotic? Ang layo, ano? But I like exploring things. So, nakita niya ang manuscript ko na may pen name ko.
Simula noon ay naging malapit na kaming dalawa. It was the first time she begin to open up to me. Noong una kasi ay nahihiya pa siya sa akin. She even brought my works that she bought para malagayan ko ng autograph.
Ayos lang naman sa akin. It’s fun meeting my readers din naman paminsan-minsan.
Patungo na ako ng pub house para doon kausapin si Christine. Now that Gigi reminded me about the pressure of my writing duties. Hindi man ako masyadong sikat, yet the fact that there are people waiting for my next release feels like a responsibility.
“Mukhang paghihintayin ko muna kayo, mga novel readers ko. Susubok na muna ako ng ibang medium.”
Dumating ako ng pub house ng mga ala una. Mabuti naman at tama ako ng hinala na nasa pantry si Christine.
“Hey, madame.”
“’Wag mo akong ma-madame-madame,” pagtataray ko. “Anong meron?”
She flashed a wide smile as she dashed out of the pantry.
Christine will always be a quirky person. Hula ko ay may balak talaga siya na isabak ako sa webtoon. Isang beses ko lang naman binanggit sa kanya ang tungkol doon tapos ngayon may nakita na agad siyang ka-collab ko? Ang bilis, ah.
“Here.”
Speaking of mabilis. Mabilis din siyang bumalik na may dalang folder. Inabot niya ito sa akin habang sinesenyasan ako na umupo. Magkatapat lang kami kaya naman kitang-kita ko ang malawak niyang ngiti maski na nakatingin ako sa folder.
“Jacks?” basa ko sa limang letra na nakadikit sa harap ng folder.
“Yup. You know that person, right?”
Umiling ako, “No.”
“Oh. Akala ko kilala mo siya kasi nagbabasa ka ng webtoons.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
I do read webtoons but I am not part of the community yet. Wala akong mga kaibigan na nagbabasa ng libro ng mga ganun. Ako lang mag-isa. I discover stories by myself. I discover artist by myself.
I started flipping the pages, and the moment I saw the next page my hand automatically flipped it back as I gasped.
“Oh, gosh. Christine!” sigaw ko pagkatapos lumingon sa paligid ko.
Halos maluwa ang mata ko ng makita ang napaka-graphic na drawings. There’s a picture of a man who’s wearing thin thongs, a man with his gigantic anaconda exposed, and a naked man hugging a woman’s legs.
“What’s this?” anas ko.
“A webtoon.”
“What?” anas ko na naman, but this time I am a little angry. “No, it’s not.”
She shook her head. “Yes. Webtoon. ‘Yan. It’s an adult genre webtoon. You know, ‘yung tinatawag nilang doujinshi in Japanese? May ganyan din sa webtoon.”
I know what is a doujinshi, mas kilala ito sa shorten version nito na dj. Ito ‘yung mga webtoons na self-published o ‘yung mga writer or artist nila mismo ang gumastos para mailabas sa media. At dahil nga self-pub kailangan nilang kumita ng malaki, and it just so happens that adult genre webtoons sells so well. Kaya naman majority ng dj ay s*x themed.
Dumaan din ako sa self-publishing dati noong hindi pa ako miyembro ng pub house na ito.
“And then? Why are you showing me this?”
“That’s the webtoon artist I want you to collaborate with.”
“What? This person? Pero…” His drawings are too graphic.
I mean, it’s great that this person’s art is so beautiful but his choice of subject is… too adult-graphic.
“Bakit naman. Ayaw mo? Hindi ba’t sinabi mo na gusto mong sumubok ng erotic? There. I am giving you the chance na.”
“Pero… kaya ko ba?”
“Oo naman. Magsusulat ka lang naman hindi ka naman guguhit, no. Tulungan mo lang siya na iconvey ‘yung drawings niya through words.”
Well. That sounds reasonable. In the first place, ‘yung artist ng isang webtoon na may novel-like dialogue bubbles din naman talaga ang rason kung bakit ko gustong subukan ang webtoon.
Nagbuntong-hininga ako. “Okay. Fine. I’ll try.”
Christine rejoiced. “Yes! Good choice! Uhm, paki-tingnan na lang ang sunod na page.”
Pinanliitan ko siya ng mata at saka ay lumingon-lingon ulit sa paligid.
“Huy, grabe naman siya, oh,” reklamo niya, “Maayos na kasi ‘yan.”
“Who knows? It's an adult webtoon after all.”
“Hindi nga kasi.” She kept insisting.
In the end, I did what she told me. Nilipat ko na nga ang page at doon ko nakita ang iba pang drawings ng artist na ito. In all fairness magaling siya. He sure studied art so well that he can draw in many styles. May anime, realism, hyperrealism, line art, cartoon, at may iba pa na hindi ko na alam kung ano ang tawag.
“Alam niya kung ano ang forte niya.”
“Yup. So, magsusulat ka na para sa kanya?”
“Alam mo Christine kung sinimulan mo sa ganito ang intro dapat kanina pa ako pumayag. But instead, you began with those too adult themed drawings.”
Parang hindi effective ang pagtataas ng boses ko dahil tumawa lang si Christine habang pinapagalitan ko siya.
“Okay. Sorry na. Nandiyan ang address niya, okay? Sabi niya free siya today kaya kung may oras ka, puntahan mo na siya para naman maplano niyo ng maayos ang collaboration project niyo.”
Mukhang pinag-isipan ng maigi ni Christine ang collab na ito. Sa bilis pa naman niya, I am sure na matagal na niya itong naplano. Sadyang naghahanap lang talaga siya ng tiyempo.
Hindi sana ako pupunta ngayon, binanggit din kasi ni Christine na pwede pa naman daw next week kami magkita. Pero nang mabasa ko ang address niya ay nagbago ang isip ko. Malapit lang kasi ito sa bahay ko, at nadadaanan ko lang din ito. So, why not have a short detour?
Habang nasa sasakyan ay iniisip ko kung ano ang rason kung bakit hindi ako marunong magsulat ng erotic. Hindi naman sa nangangalawang na ang writing skills ko. Maayos naman ako. Hindi naman ako virgin. I've experienced s*x with my exes. Kaya nga nakakasulat ako ng mga steamy romance. At sa tuwing may pinapasa akong manuscript ng erotic story ko sinasabi na kulang pa raw.
Hays! Ano ba kasi ang dapat kong ilagay para sabihin nila na sapat na? Argh. Kainis.
Kaya rin ba adult webtoon artist ang binigay sa akin ni Christine as collab? She really knows that I want to learn erotic, even hardcore ones.
“Christine’s pretty wise for making me kill two birds with one stone.”
Maganda na rin siguro ito. Sa ganitong paraan ay masusubukan ko ang webtoon habang natututo rin ako kung ano talaga ang s*x sa mata ng isang artist. Sa palagay ko naman makakatulong ito sa improvement ko.