Chapter 1
I'm Sophia Cassandra Park. But you can call me Sophie. Sa totoo lang ayoko na iexplain kung ano ba ang itsura ko. Pero dahil hindi nyo naman ako nakikita at nasa isip lang naman ako ni author ganito nalang. Maganda ako, matangkad, maputi.. Basta maganda ako. ^_^
"Bestie! Ano yan ha? Pinapangalandakan mo na naman na maganda ka?" - Trixxie.
"Hindi naman. Nagsasabi lang ako ng totoo." - Sophie.
Palagi nalang talagang ganito si Trixxie. Totoo naman ang sinasabi ko e. Pero mabait naman yan si Trixxie. Bestfriend ko sya since highschool. At love na love nya ako. Haha. Hindi ako iniiwan nyan e. At alam nya lahat ng sikreto ko.
"Bestie nakita mo na ba ulit si Linus?" - Trixxie.
And speaking of Linus. First day of school pero late pa yata. Usapan namin magkikita kami dito sa garden ng bago naming school e. College na kasi kami. Freshmen. At ang mga freshmen kapag first day of school tambay tambay pa lang. Hahaha. Pero joke lang. Maaga lang talaga kami pumasok. Pero back to the story.
"Bakit? May something ba dun?" - Sophie.
"Kunwari ka pa. Alam ko naman updated ka pagdating dun sa bestfriend mong yon. Nakakaselos na nga e. Nauna kitang maging bestfriend pero mas pinagtutuunan mo sya ng pansin." - Trixxie
"Hala ka. Wag ka ngang magdrama dyan. Nasisira ang beauty mo. Pano mo mahahanap ang the one mo kung papangit ka." - Sophie.
"Oo nga pala no. Pero back to the topic. Alam mo ba na si Linus at Casey na?" - Trixxie.
"Ano? Kelan pa?" - Sophie.
"Hindi mo talaga alam?" - Trixxie.
"Hindi. Di ba nga nagbakasyon ako sa Korea nung summer. Wala kaming contact nun. Tampo na nga ako dun kasi hindi ako naaalala." - Sophie.
"Ayun.. Kaya hindi ka naaalala kasi may pinagkakaabalahan ng iba. Kaya kung ako sayo tapusin mo na ang unrequited love mo sa kanya at sa nakikita ko patay na patay na yun sa babes nyang si Casey." - Trixxie.
"Ano ka ba? Magbestfriend din kami nun no. At hindi na un magbabago." - Sophie.
"Iba ka din talaga no? Kahit nasasaktan ka na ganyan ka pa din." - Trixxie.
"I'm happy for him." - Sophie.
"Happy happy.. E yung luha mo nga malapit na bumagsak." - Trixxie.
Tama kaya si Trixxie. Dapat ko na ba talagang tigilan? O aasa pa din ako. Sabi nga nila walang forever kaya magbbreak din sila. Pero ang sama ko naman yata kung ipapanalangin ko yun. Hay naku.. Buhay.. Parang life.
"Ano na? Tapos ka na magdrama dyan?" - Trixxie.
"Hindi naman ako nagdadrama. Hinihintay lang natin si Linus." - Sophie.
"Sa tingin ko hindi magandang hintayin pa natin sya dito at kanina ko pa sya nakita na nakapasok na sa room nila ng Casey nya." - Trixxie.
"Hindi man lang talaga sya nagpunta dito. Ang tagal din naming di nagkita." - Sophie.
"Syempre uunahin nya yung girlfriend nya no." - Trixxie.
"Pwede wag mo na ulit ulitin? Ang sakit na e." - Sophie.
"Kung ganyan naman pala kalimutan mo na. Dami namang boys dyan. Tingnan mo mukhang may crush pa yung isa sayo. Kanina ka pa tinitingnan." - Trixxie.
"Ay. Ewan ko sayo. Mag-aaral nalang ako." - Sophie.
At iyun nga pumasok na kami ni Trixxie. BSBA major in Management ako. Paghahanda na rin to para mamanage ko ng maayos ang bar na regalo sakin ng parents ko. Nagtataka siguro kung bakit kababae kong tao ay bar ang napili kong business. Hilig ko lang kasi talaga ung iba't ibang alcoholic drinks at dun sa bar makikita yun lahat. At bakit sila pumayag? Simple lang. Kinunsensya ko sila. Hindi na nga nila naibibigay yung oras nila sakin. Pati ba naman ito hindi pa nila ibibigay.
After class nagyaya sa mall si Trixxie. Pumayag na din ako kasi wala din naman tao sa bahay kundi ung mga katulong.
"Bakit kasi hindi mo nalang ibaling sa iba ung nararamdaman mo. Marami naman nanliligaw sayo." - Trixxie.
"Hindi ko kaya e. Sya lang talaga." - Sophie.
"Ay ewan ko sayo. Iniisip ko lang naman kung saan ka mas magiging maayos. Ni hindi ka nga pinuntahan ni Linus kanina e." - Trixxie.
"Busy lang yun." - Sophie.
"Busy sa girlfriend nya. Tara na nga uwi na tayo tinext na ako ni Mommy uuwi daw si Dad magpaka good girl daw ako." - Trixxie.
"Sige. Hatid na kita." - Sophie.
Pagkahatid ko kay Trixxie. Dumeretso ako sa bar ko. At nagulat ako sa nakita ko dun.