Cadley Di ako makapaniwala sa aking narinig, how could mama Sherry do this horrible things towards my mama. Mabait na tao at malumanay na babae ang tingin ko sa kanya. Kinopkop niya ako ng mawala si papa. "Paano ako makasiguro na nagsasabi ka ng totoo?" Tanong ko sa lalaking kaharap ko. "Cadley wala akong ebedensya na nagpapatunay na tama or mali ako. Sinabi ko ang lahat dahil gusto kong maging totoo sayo, di dahil gusto kong manira ng isang taong wala na. I can do DNA test para mapatunayan na mag-ama tayo but I know in my heart na anak kita, walang duda." Gusto kong maiyak sa sinabi niya. Kung totoo man lahat ito. Tanggap niya ako bilang ako ng walang pag-alinlangan. Di tulad nong nakalipas na panahon na walang gustong tumanggap sa akin. "Ang gusto ko lang ngayon ay makilala ka at ma

