Cadley After a few hours of traveling nakarating din kami sa wakas sa probinsya nila Dad. Gabi na nun at sobrang tahimik na ang lugar na dinadaanan namin. May part sa akin na nangangamba baka di nila ako tanggap katulad ng na-experience ko dati sa side nila papa. "What's wrong, takot ka ba na di ka nila tatanggapin?" Tanong ni Dad. Nasense niya ang uneasiness ko. "Naranasan ko na kasi Dad ng ilang beses na di tanggapin at ipinagtabuyan noon kaya parang na phobia na ata ako." "Huwag kang mag-alala mga mababait ang pamilya natin. Hinihintay ka nila. Masaya sila na makilala ka." Pampalakas ni Dad sa akin. Iba talaga ang probinsya. It's just 9 in the evening pero sobrang tahimik na ang lugar, walang tao sa kalsada. Kami lang ata ang magbibyahe. Dad slowed down at nagpark sa isang 2 sto

