KABANATA III

1464 Words
Nakaupo ako sa upuan habang naglalakad-lakad si Angelo pabalik-balik sa harap ko. "Umupo ka nga!" Sigaw ko sa kanya. Tumingin sa akin si Angelo at biglang hinapo ang buhok niya habang iritableng umupo sa tabi ko. Yumuko siya habang nakaupo at nakahawak ang dalawang kamay sa ulo niya. "Wala na talagang ginawang tama 'tong babae na 'to kaso wala tayong laban sa kanya masyado siyang malakas kahit pa mag tulong-tulong tayo dito," malungkot niyang sambit sa akin. "Paano bang malakas? Pera ba?" nalilito kong tanong sa kanya. "Hindi lang pera basta wag na wag mong gagalitin si Celine hangga't maaari wag mo siyang kakalabanin dahil hindi lang tayo ang mapapahamak kundi pati buong pamilya natin," "Natatakot ka ba sa kanya? Bakit? Hindi mo kami kayang protektahan ng anak mo?" Galit na tanong ko sa kanya. "Hindi naman sa ganun. Basta wag mo nalang pansinin," "Wag pansinin? Tanga kaba? Nasa kritikal na kondisyon ang kapatid mo tapos wag pansinin?" "Bullshit! I'm leaving! Ayokong makipag argue pa Emily! Basta wag mong kalabanin si Celine! TAPOS!" sambit niya sa akin sabay walk out. "Angelo! Angelo! Angelo Iglesias! Punyeta! Bumalik ka dito!" Sigaw ko habang hinahabol siya. "Umupo ka Emily. Hayaan mo na munang magpalamig ng ulo ang asawa mo. Masyadong nagiging magulo na ang sitwasyon natin. Kailangan nating magbuklod lahat para kay Lucio hindi para mag away-away." Huminahon ako bigla at umupo nalang muli sa upuan. Nasa kritikal na ang buhay ni Lucio tapos nag aaway-away pa kami. Paano naman kasi ako hihinahon?  Buhay na ang nakataya dito tapos kilala pa ang nakabaril. Hindi maganda ang kondisyon namin ni Lucio. Aso at pusa kaming dalawa pero kahit na ganoon nag aalala pa din ako sa kalagayan niya. Sobra na ang suffering ni Lucio simula ng namatay si Gianna. Hindi namin inaasahan na magiging ganyan siya kalala. Ang daming nasira sa trabaho. Nawalan siya ng gana mag trabaho, Pumapasok siyang lasing at minsan hindi na nag aayos ng sarili. Ang dating masungit na si Lucio at perfectionist ay parang nawalan na ng pakelam sa lahat. Habang nakaupo kami ni Manang Pasing sa labas ng Emergency Room ay lumabas ang doctor. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nilapitan ko ang doctor. "Doc! Kamusta po?" tanong ko sa kanya. "Kayo ba ang kaanak ni Lucio?" tanong niya pabalik sa akin. "Opo! Kamusta Doc?" "Ok na siya ngayon. Madaming dugo ang nawala sa kanya ngunit hindi ito naging hadlang upang mawala ang buhay niya sapagkat mabilis at maagap ang mga doctor natin sa Emergency Room," paliwanag niya. "Kailan po ang lipat ni Lucio sa kwarto?" "Mamaya pwede na siyang ilipat pagkatapos tahiin ang sugat sa kanyang tagiliran. Mabuti nalang at walang natamaan sa mga organs niya dahil kung mangyari man ito ay kailangan natin siyang operahan," "Hindi naman po masyadong malala ang lagay niya diba Doc?" tanong ko ulit sa kanya. "Malala pa rin ito kung tatawagin mo dahil nag undergo pa rin siya sa operation," "Salamat Doc!" Parang nabunutan ng malaking tinik ang dibdib ko ng marinig ko sa Doctor na ok na si Lucio. Mabuti parin ang may Likha sa amin at kay Lucio dahil hindi niya parin pinabayaan si Lucio. Nakangiti na ako ng bahagya ng marinig ko ito kaya umalis ako para pumunta sa confinement window para ipalipat si Lucio sa pinaka mahal na kwarto dito sa ospital upang mabantayan at maalagaan siya ng mga Doctor at Nurse. Iniwan kong mag isa si Manang sa upuan para kung sakaling kailangan ng doctor ng masasabihan ay may makakausap sila. Medyo may kahabaan ng pila sa pwesto ng pang confine dahil marami-rami din ang mga buntis na nag le-labour sa oras na ito. Nakapila lang ako hanggang lumipas ang ilang minuto ay nasa unahan na ako. Kausap ko na ang attendant at inaayos na namin ang mga documento ng biglang may nag page sa radio. "Emergency! Emergency!" "Doctor Ruiz in the Emergency Room now!" Page ng nasa radyo. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko ng narinig ko yun ngunit nag lalaro pa rin sa isip ko na ok na si Lucio. "Ok ka lang Mr. Sungit. Ok ka lang." Nag aabot na ako ng down payment para sa room ng biglang patakbong lumapit sa akin si Manang. "Si Lucio!" Sigaw niya habang umiiyak. "Ano po? Si Lucio? Bakit anong nangyari?" Natatarantang sambit ko. "May nangyayaring masama kay Lucio sa loob!" Nag madali kaming bumalik sa labas ng Emergency Room ni Manang Pasing para tingnan ang kalagayan ni Lucio. Pinilit kong buksan ang pinto ng Emergency Room at sa pagbukas ko ay nakita ko si Lucio na nire-revive ng mga Doctor. "1,2,3 clear!" Nanlumo ako sa nakita ko. Sobrang bigat sa pakiramdam na nakikita kong nire-revive si Lucio. "1,2,3 clear!" Paulit-ulit siyang dine- defibrillation ng Doctor ngunit wala pa rin siyang pulso. "Lucio!" Hagulgol ko. "Lucio! Please! Wag kang bibitaw! Hindi pa tapos ang laban! Buhay si Gianna!" Sigaw ko sa kanya habang nire-revive siya. "Doc! Nag ka pulso siya!" Sigaw ng Nurse. "1,2,3 clear!" "Lucio! Buhay si Gianna! Babalik na si Gianna!" Sigaw ko muli. Paulit-ulit kong sinisigaw sa kanya na babalik si Gianna. "Doc! May pulso ulit!" Patuloy lang sa pag revive sa kanya hanggang sa nagwagi kami! Na-revive si Lucio. "Salamat Gianna!" Sigaw ko habang patuloy sa pag agos ang luha sa mga mata ko. "Ma'am, Bawal po tao dito sa Emergency Room. Labas po muna kayo." sambit ng Nurse. Lumabas kami ni Manang Pasing na magkahawak ang kamay. Mahigpit ang pagkakahawak namin sa isa't-isa. Nag kangitian kaming dalawa ni Manang Pasing habang pinag mamasdan ang monitor ni Lucio na stable na humihinga na ulit siya at sana ay bumalik na sa dati ang pag hinga niya. Umupo kami ni Manang Pasing sa upuan mula sa malayo ay natanaw ko si Angelo na tumatakbo papalapit sa amin. "Kamusta? Kamusta si Lucio?" Nag aalalang tanong niya sa amin. "Ok na siya stable na ulit ang pag hinga niya," "Anong nangyari? Bakit bigla siyang ni-revive?" "Hindi ko din alam kung bakit. Sabi ng Doctor ok na siya kanina tapos biglang nagkaganyan nalang," "Nasa police station na si Celine at maya-maya pa'y makakalabas na din yun," "Bwisit!" "Wag kana magalit may panahon din yang si Celine." Tumingin lang ako kay Angelo. Habang nakaupo kami nila Angelo at Manang sa upuan ay biglang dumating sila Franco at Fernando. "What happen?" agad na tanong nila. "Celine almost killed Lucio," sambit ni Angelo sa kanila. "What? Why?" Naguguluhang tanong ni Fernando kay Angelo. "I don't really know what exactly happened pero si Manang she saw everythin." Umupo si Fernando sa tabi ni Manang para kausapin siya kung anong nangyari sa kanila ni Celine. "Umupo po kasi si Sir Lucio sa bahay ng maaga kanina tapos po doon siya tumambay sa kwarto ni Ma'am Gianna tapos ayun po bigla nalang siyang nag wala kaya ang ginawa ko ay tinurukan siya ng pampakalma at pampatulog para mabago ang mood niya," "Tapos anong nangyari? Bakit muntik na mapatay ni Celine si Lucio?" "Nasa kalagitnaan na ng pag papahinga si Sir Lucio ng biglang dumating si Ma'am Celine galit na galit siya kasi may usapan daw sila ni Ma'am Celine na mamimili sila ng mga damit pero hindi nangyari yun kasi nakatulog si Sir Lucio," "Tapos po?" "Tapos kung ano-ano na ang sinabi ni Ma'am Celine hanggang sa nagising si Sir Lucio. Inulit-ulit ni Ma'am Celine ang pagkamatay ni Ma'am Gianna hanggang sa nag away na silang dalawa tapos ayun na pinagbantaan ni Ma'am Celine si Sir Lucio na papatayin niya pero ang ginawa ni Sir Lucio ay inaagaw na agad ang baril sa kanya hanggang sa nag agawan silang dalawa sa baril at yun naputok ni Sir Lucio ang baril sa kanya," "s**t! s**t! s**t! Bakit kasi hindi pa mamatay yang Celine na yan! Bata palang kami alam ko ng masama ang tabas ng pagkatao niyang babae na yan!" Galit na sambit ni Franco. "Hoy! Tumigil ka sa pag sasalita mo ng ganyan nasa hospital tayo ni Celine. Kapag bumuti na ang lagay ni Lucio ay ililipat natin siya sa ibang hospital para doon mag pagaling ng husto," "Wala akong pake kung pag mamay-ari niya ang hospital na to! Ang pake ko si Lucio!" Galit na sambit ni Franco. "Muntik ng mamatay si Lucio," Malungkot na sambit ko. , "Kanina nire-revive na siya ng mga Doctor ilang minuto na siyang patay! Ngunit ng sinabi ko ang pangalan ni Gianna nagkaroon siya ng pulso. Bigla siyang umok! Ang laking tulong ni Gianna kaya siya bumalik sa paghinga," Umiiyak kong sambit sa kanila. Niyakap ako ni Angelo dahil sa walang tigil na pag iyak ko. Mugto na ang mata ko dahil sa pag iyak pero wala akong magagawa dahil ito lang ang kaya kong gawin para sa kanya ang umiyak, ipaglaban siya at ipagdasal siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD